CHAPTER 13

6 0 0
                                    

CHAPTER 13 : FLOWERS




Nakapatapat ako ngayon sa laptop ko habang kumakain ng brownies.

Nagse-search ako kung anong mga bagay ang gusto ng mga babae.

'Yung tipong nagpapakilig sa kanila, nagpapatuwa sa kanila, 'yung siguradong magugustuhan nila.

Maraming lumabas at halos sumabog na ang utak ko dahil hindi ko ma-absorb.

Grabe namang mga babae na 'yan! Ang dami namang gusto, sabi ko na nga ba mga gastos lang 'yang mga 'yan eh.

Nangunguna sa listahan ang pagmamahal.

Malamang sino ba ang hindi matutuwa at kikiligin kapag binigyan ka ng pagmamahal.

Sunod flowers.

Flowers? Oo flowers, madalas ito 'yung gusto ng mga babae. Minsan kapag nakakanood ako ng romantic na palabas ay palaging nagbibigay ng bulaklak ang mga lalaki, kinikilig naman ang mga babae.

Meron din akong napanood na porn na sa umpisa nagbigay ng bulaklak 'yung babae tas sobrang kinilig ayon napunta sa kama.

Tama bulaklak, sasabihin ko 'to mamaya kay Sang. Sigurado naman akong tatanungin na naman niya ako.

Napakagaling mo naman Veter.

Kumain muna ako ng brownies bago ako humarap ulit sa laptop.

Nagsearch naman ako ng mga common na klase ng bulaklak. Pare-parehas lang naman ang mga babae kaya for sure, pare-parehas lang din ang gusto nila.

Nangunguna ang roses.

Bakit kaya mahilig ang mga babae sa roses? Nagkibit balikat na lang ako at kumain ulit ng brownies.

Tinatamad na ako magsearch at nasasayang na ang oras ko dahil sa kaabnoyang ito.

Kaya napagdesisyonan ko na lang na lumabas ng k'warto at hanapin ang kapatid ko. S'yempre magso-sorry na rin ako dahil ako ang nagsuggest ng strawberry cake.

Nakita ko  naman agad ang kapatid ko na nanonood ng T.V. sa sala.

Agad akong lumapit sa kan'ya at umupo sa tabi niya.

“I’m sorry Sang,” sambit ko.

Lumingon naman siya sa'kin.

“Ayos lang kuya, hindi naman nasayang 'yun eh.”

Hindi nasayang dahil binigay niya sa kaibigan ni Aeris, na si Thiara.

“Still, I want to say sorry. First 'yung sa necklace, sunod 'yung sa strawberry cake.”

Narinig kong tumawa siya ng mahina.

“Ano ka ba kuya? Ayos lang 'yun oy. Natatawa tuloy ako dahil nagsosorry ka na sa'kin ngayon,” natatawang sabi niya.

Pakiramdam ko ay nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hayop talagang abnoy 'to eh.

Pero kamusta naman kaya ang pagbigay niya ng strawberry kay Thiara? Hmm matanong nga.

“Kamusta naman si Thiara?” tanong ko.

Tumingin naman siya sa'kin at nanahimik saglit bago siya sumagot.

“Anong kamusta si Thiara?” takang tanong niya pabalik.

Ay hindi niya nagets.

“I mean kamusta 'yung pagbigay mo ng strawberry cake kay Thiara?”

Stay Awake And Make Me SleepWhere stories live. Discover now