CHAPTER 22 : MY GIRL
“Magbibihis na ako at ikaw, maligo ka na,” sabi ko sa kaniya.
Naglakad naman siya papunta sa k'warto niya kaya pumasok na ako sa k'warto ko.
Mabilis akong nagbihis ng uniform, sinuklayan ang buhok ko, at nagpabango.
Kinuha ko na rin ang bag ko, ewan ko ba may locker naman kami sa school pero ayaw kong linalagay do'n ang gamit ko. Kasi merong susi ang university sa lahat ng lockers, baka buksan ang akin.
Gano'n din siguro ang iniisip nila Sang at Aeris kaya katulad ko, nagdadala kami ng bag hindi tulad ng ibang students.
Mabilis akong lumabas ng k'warto ko at naglakad papunta sa k'warto ni Aeris. Pinihit ko ang doorknob at nabuksan ang pinto, nako hindi naglalock.
Pumasok na ako at pumuntang kama para ilapag ang bag ko ro'n. Binuksan ko ang phone ko para i-check kung may messages sila Mom and Dad, wala naman kaya binalik ko na ang phone ko sa bulsa.
Pinagmasdan ko muna ang buong k'warto ni Aeris, wala siyang linalagay na design. Pero may mga pictures niya na nakadikit sa pader.
Tumayo ako at lumapit para tingnan ang mga 'yon. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nakikita.
Narinig kong bumukas ang banyo kaya agad akong napalayo sa mga pictures at lumingon sa banyo.
Napanganga ako nang makita kong nakat'walya lang si Aeris at basang-basa pa siya.
Shiyet!
“Oh mister? Ang bilis mo naman magbihis?” Dinig kong tanong niya dahil nakatalikod ako at parang hindi ko siya kayang tingnan.
Hindi ba siya nahihiya? Nakita ko siyang nakat'walya lang!
.
“B-Bilisan mo rin..magbihis,” sabi ko.“Okay sige, wait ka lang d'yan. Talikod ka lang at magbibihis pa ako, tumalikod ka lang ha!”
“You don't need to command me, dahil mananatili akong nakatalikod hangga't hindi ka pa nakakapag-bihis,” inis na sabi ko.
Narinig ko naman ang tawa niya.
Hindi ba talaga siya nahihiya? Paano kung si Sang ang makakita sa kan'ya ngayon? Gan'yan pa rin ba ang iaasal niya?
Sheet naman, kailangan niya talagang malaman kung anong dapat na gawin at hindi dapat na gawin.
Ilang minuto pa akong nakatalikod hanggang sa magsalita siya.
“Tapos na mister,” sabi niya.
Kaya humarap na ako sa kan'ya. Nakabihis na siya at nagaayos ng buhok.
Umupo ako sa kama at tumikhim.
“You should always lock the door,” sambit ko.
Tumingin naman siya sa'kin habang nagsusuklay.
“Naglalock naman ako, mister,” sabi niya.
Naglalock pero hindi naman nakalock kanina? Tss.
“No, you're not. Paano kung may nakapasok dito at makita kang nakatowel lang? Sa tingin mo kapag tinarantado ka makakalaban ka Aeris?” inis na tanong ko.
Tumawa naman siya kaya mas lalo akong nainis.
“Relax mister, alam ko naman kasing pupunta ka rito kaya hindi ko ni-lock. 'Tsaka alam ko namang hindi mo ako tatarantaduhin,” sabi niya.
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.