CHAPTER 10 : BRACELET“Wala ka talagang alam na favorite niya? Ang sabi mo seatmate mo siya hindi ba?”
Ginulo ko ang buhok ko at tiningnan ang makulit kong kapatid.
Sabado na ngayon at talagang sa buong araw ay kinukulit lang ako ng kapatid ko.
“Wala nga 'di ba? Ang kulit mo,” inis na sabi ko.
Ngumuso naman siya at napakamot sa buhok niya.
“Kuya naman eh, gusto ko nga kasi siyang ligawan. Tulungan mo naman ako,” nakangusong sabi niya.
Paano ko siya tutulungan eh wala naman akong alam sa mga gan'yan.
Akala ko ga expert siya sa mga babae? Eh bakit kailangan ko pa siyang tulungan.
“Ayoko,” madiing sabi ko.
Umakbay naman siya sa'kin.
“Kuya naman tulungan mo naman ako, ayaw mo bang maging masaya ang g'wapo mong kapatid?”
Napangiwi ako sa sinabi niya.
Tinulak ko siya at saka ako umupo sa sofa.
“Tigilan mo na nga ako Sang,” sabi ko.
Tinitigan naman niya ako na para bang meron siyang iniisip. Maya-maya pa ay bigla siyang tumango-tango mag-isa.
“Alam ko na! Siguro may gusto ka sa kan'ya 'noh? Kaya ayaw mong ligawan ko siya?” asar na sabi niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ako magkakagusto sa babaeng 'yon?
Pumayat man lahat ng baboy hinding-hindi ko magugustuhan 'yon.
“Dream on Sang.”
“Sus! P'wede mo namang sabihin kuya eh, basta maging patas ka lang sa'kin. H'wag 'yung madaya ka at ikaw lang ang pumoporma! Dapat be the best man winner!” sigaw niya.
Be the best man win 'yun 'di ba?
Anong winner amp abnoy.
“You crazy.” Nasabi ko na lang at tiningnan siya.
“Crazy in love with her! HAHAHAHAHA.” At ayon ngiting-ngiti na ang abnoy.
Napailing na lang ako. Kung alam niya lang ang ugali ng babaeng 'yon, hindi ko alam kung magugustuhan pa ba niya.
Sa limang araw na nakasama ko 'yung babae na 'yon masasabi kong hindi siya 'yung tipo ng babaeng kagusto-gusto.
Walang imposible pero imposibleng magustuhan ko siya. Hindi magugustuhan ng matinong ako ang abnoy na kagaya niya.
Lagi akong sinisigawan at inaaway, lagi pa kaming nasisita ng teacher dahil sa hindi niya mapigilang sigawan ako.
Kapag inaasar niya ako ay napipikon agad ako at tumatawa siya na para bang mangkukulam. Nakakatakot siya.
Kaya hinding-hindi ko siya magugustuhan.
Araw-araw din akong nakakaramdam ng antok sa school at nakakaidlip. Masaya nga ang kaso hindi ko alam kung bakit gano'n o magpapatuloy pa ba 'yon.
Mahalaga para sa'kin ang tulog kaya masaya ako kahit idlip lang.
Pero tsk, hinding-hindi ko talaga magugustuhan ang babaeng 'yon. At alam ko kapag nalaman ni Sang ang ugali ng babaeng 'yon ay hindi rin niya magugustuhan.
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.