CHAPTER 19 : DINNER
Nanahimik lang silang dalawa kaya napakamot na lang ako sa ulo dahil sa kaweirdan nila.
Naramdaman ko namang tinanggal ni Aeris ang kapit niya sa laylayan ng t-shirt ko.
Taka ko silang tiningnan pero nanahimik lang sila, tapos nagkatinginan sila na para bang nakakausap nila ang isa't-isa sa pamamagitan ng tingin lang.
Gan'yan ba talaga ang mga babae?
“GOOD MORNING!”
Gulat kaming napalingon sa sumigaw maliban kay Aeris, naramdaman ko namang kumapit muli sa t-shirt ko si Aeris.
Nakaupo kami sa sofa at dahil tatlo ang sofa rito sa living room. Nakaupo si Mom mag-isa sa isa at kami namang dalawa ni Aeris sa isa. Ang sofa na inuupuan namin ni Aeris ay nakatalikod . Kaya kapag nakaupo ka rito at may pupuntang tao ay hindi agad makikita ang mukha mo dahil nakatalikod ka.
Kaya sigurado akong hindi pa alam ni Sang na si Aeris ang katabi ko.
“It's good evening Sang, nagpuyat ka ba kagabi at panay lang ang tulog mo?” wika sa kaniya ni Mom.
“Ayy malamig kasi kaya napasarap-” Huminto siya at pinagmasdan kami, “Anong ginagawa niyo rito nagmimeeting kayo? Mom? Kuya? And..who's that?” Sabay turo niya kay Aeris.
“Your brother's girlfriend Sang,” sagot ni Mom.
Tiningnan ko si Mom ng may halong pagtataka. Ngunit siya ay ngiting-ngiti lang.
Napakamot ako sa ulo ko.
“Girlfriend?! May girlfriend na si kuya? Hala patingin nga kung maganda!”
Tumakbo si Sang at lumapit sa'min, unti-unti siyang pumunta sa harapan ni Aeris.
Parang nagslow motion ang lahat.
Nan'laki ang mga mata niya at napanganga.
“Aeris?!” malakas na sigaw niya.
Nag-angat naman sa kan'ya ng tingin si Aeris at ngumiti. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kapit ni Aeris sa laylayan ng t-shirt ko.
Nawiwili na siya sa pagkapit ah? Baka magustuhan ko 'yan, tapos hinding-hindi ko na siya pabibitiwin sa pagkapit.
Joke lang.
“Kuya?! Girlfriend mo si Aeris?! What the men, nakakashock tagos buto!” sigaw niya sa harapan namin.
“Hey, nagbibiro lang si Mom,” sambit ko, masyado kasing uto-uto.
“Pero paano? B-Bakit siya nandito?” tanong niya at taka kaming tiningnan.
“So Sang, you know her already na pala. Magiging madali na lang ang bawat galaw niya rito sa mansion,” sabi ni Mom habang nakatingin kay Sang. Lumingon naman agad sa kan'ya si Sang.
“Makagalaw sa mansion? What do you mean Mom? Are you saying..”
“Yes Sang, dito siya titira.”
Shock na shock talaga ang mukha ni Sang at gusto kong batuhin ng unan na nasa tabi ko ang mukha niya dahil mukha siyang abnoy.
“Pe..ro bakit?” tanong ni Sang.
Ngumisi si Mom at sinulyapan kaming dalawa ni Aeris.
“Kasi dito na rin naman siya titira soon, kailangan na niyang tumira ngayon dito para magkasundo sila ng kuya mo. Para kapag kinasal sila walang problema hindi ba?”
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.