CHAPTER 1 : RITUAL
“Veter, may sasabihin kami ng Dad mo,” nakangiting sabi sa'kin ni Mom habang pa-upo siya sa kan’yang silya. Kaya agad akong napatingin sa kanilang dalawa.
“Ano?” tanong ko at nagsimula ng kumuha ng okra.
“Fourth year highschool ka naman na so ayaw naman naming mag-graduate ka rito sa bahay.” Nagtaka ako agad at tiningnan sila, hindi ko alam pero hindi ko sila gets. Slow ako as always.
(Wala pang Senior High dito.)
“Son, ang gusto namin maging masaya ang huling taon mo sa highschool,” sambit ni Dad. Masaya naman ako palagi sa bahay ah.
“Masaya naman ang highschool life ko Dad.” At sumubo ako ng isang okra. Hindi ko alam kung bakit okra ang gusto kong kainin sa ngayon.
“Pero hindi kasing saya ng highschool life ni Sanguis,” sambit niya.
Eh ano naman kung hindi kasing saya ng kay Sang?
“Ano naman po kung gano’n?” tanong ko.
“Gusto naming paaralin ka sa University kung saan nag-aaral ang kapatid mo,” sabi ni Dad.
Kung saan nag-aaral si Sang? No way. Ayokong matulad sa kaniyang gago at kung sino-sino ang dinadala sa k’warto.
“Thanks Mom and Dad pero ayoko.” Agad akong kumuha ng juice at uminom.
“Anak naman? Gusto namin sabay kayong ga-graduate ng kapatid mo. Sabay kayong pi-picturan ng naka toga,” wika ni Mom.
“Para maranasan mo rin kung anong nararanasan ng iba, hindi yung dito ka lang nag-aaral.” Napatingin ako kay Dad sa sinabi niya.
Napahawak ako sa noo ko at nag-isip ng mabuti. Tama bang pumasok ako ro’n? Wala bang mang-gagago sa'kin do’n? Hindi ba ako matutulad sa kapatid kong womanizer? Makakapag-aral ba ako ro’n ng maayos?
Napabuntong hininga ako.
“Fine Dad and Mom.” Tumayo na ako, agad naman silang ngumiti.
“Trust us Veter, hindi ka magsisisi anak.”
At ayon, dire-diretso akong umakyat papuntang k’warto at ininom ang dalawang vitamins ko. Para sa dugo at pampagana. Bakit kasi hindi ako makatulog? Nakakainis.
--
Inis akong kumuha ng tubig sa ref at uminom. Nakakainis!
Hindi muna nila ako kinukunsulta kung ayos lang ba sa'kin ang desisyon nila. Basta-basta na lang sila kumikilos.
Ginulo ko ang buhok ko at inis na umupo sa upuan.
“Sir ayos lang po kayo?” tanong ni Manang Thea.
Napabuntong hininga ako at tumayo.
“Manang, pakitanggal naman ng poster na nasa labas,” utos ko.
“Pero sir, si Ma’am po ang nagpalagay nu'n at ang Daddy niyo.” Tumalikod na lang ako at padabog na umakyat papuntang k’warto.
Nakakainis!
Naglagay ba naman sila ng poster sa harap ng bahay at nakalagay do’n na kung sinong tao ang kayang mapatulog ako ay babayaran nila. As in taong papatulugin ako always.
Nahihibang na ba sila? Baka mamaya patayin ako ng mga ‘yon. Ayaw na ayaw kong may nangingialam sa buhay ko at may didikit sa'kin!
Iniimagine ko pa lang napapamura na ako ng malutong. Hindi na lang kasi nila tanggapin na mamamatay na ako dahil sa sakit kong ‘to.
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.