CHAPTER 6

14 1 0
                                    

CHAPTER 6 : FIRST DAY






Dalawang linggo na ang makalipas pagkatapos naming magpa-enroll ni Sang sa Black Feather University.

Hindi na ako humikab at nakatulog pang muli. Siguro nga ay isang araw lang ang ibinigay sa'kin ng Diyos para makatulog man lang ng maayos.

Nagpapasalamat pa rin ako kasi ang sarap ng tulog ko no'n. Sana nga maulit muli.

Napabuntong hininga ako.

“Nakahanda na ba mga gamit mo kuya? Excited na ako pumasok bukas!” Sabay halakhak niya at akbay sa'kin.

Pasukan na bukas at simula na ng pag-a-adjust ko. Sigurado akong mas marami ng students bukas kesa noong nagpa-enroll kami.

“I’m not excited.”

Hindi talaga ako excited.

Bakit naman ako makakaramdam ng excitement? Kapag ba papasok ng paaralan ay kailangan pang ma-excite?

Ba't nga ba na-e-excite 'tong kapatid ko? Hindi ba siya nagsasawa sa mga abno sa school na araw-araw niya laging nakakasalamuha.

“Dapat ma-excite ka, ako nga sobrang excited dahil makakakita na naman ako ng mga chickababes.”

Mga babae naman pala ang nasa isip.

Hindi ko talaga ma-imagine ang sarili kong puro babae ang iniisip. Kailanman hindi ako mag-iisip tungkol sa mga babae.

Except do'n sa babaeng nakatitigan ko noong nagpa-enroll kami. 'Yung galit na galit na babae, kinabukasan nu'ng araw na 'yon ay hindi ko na siya muling inisip pa.

Sana nga hindi ko magtagpo ang landas namin sa University. Nakakatakot kasi siya, mas nakakatakot pa sa mga multo.


“Whatever.”

Sandaling katahimikan ang namutawi pero maya-maya ay bigla akong tinapik ni Sang.

“Hindi ba kuya nu'ng eighteenth birthday mo rinegaluhan ka ni Dad ng Mercedes Benz? Bakit hindi mo gamitin ngayon?” saad niya.

Oo nga, rinegaluhan ako ni Dad noon.

May lisensya  na rin ako at p'wede ng mag-drive. Nasa garahe lang 'yun, gamitin ko kaya?

Napailing ako.

“Ayoko.”

“Nakanang tae, gamitin mo na tapos ako magda-drive, binyagan na natin,” natatawang sabi niya.

Binyagan, ano 'yun sanggol. Bubuhusan ng parang tubig sa ulo, wala namang ulo 'yung sasakyan eh. Anong pinagsasabi ng abnoy na 'to?

“Anong binyagan? Gago.”

“Dali na kasi gamitin na natin,” sambit niya.

Napailing ako, hindi ko trip gamitin 'yun ngayon. Nakadrive na ako ilang beses ng sasakyan pero 'yung sarili kong sasakyan hindi ko pa nasusubukan.

Nagdadrive lang naman ako paikot sa bahay namin, hindi ako lumalayo. Kailangan kasi marunong magdrive bago magka-lisensya.

“Anong gamit ng driver natin Sang? Malamang para ipag-drive tayo,” ani ko.

Napasapo siya sa noo niya at nginusuan ako.

“Parang-awa mo na kuya gamitin na natin, kahit ikaw na 'yung driver. Gusto ko lang talagang gamitin natin 'yun bukas,” sambit niya.

Stay Awake And Make Me SleepWhere stories live. Discover now