CHAPTER 5

15 1 0
                                    

CHAPTER 5 : HIKAB







Pagkapasok ko ng CR ay linibot ko kaagad ang paningin ko. Malinis naman at mabango ang paligid. Siguro linilinis talaga nila ito ng mabuti at mukhang wala pa namang gumagamit sa mga CR dito kaya hindi pa nadudungisan. Siguro sa pasukan pumanghi na rito, kasi kung kaugali ng mga tao rito si Sang aba s'yempre talagang papanghi rito.

Kaya umihi na ako, lalabas na sana ako ng biglang nagvibrate ang phone ko.

May tumatawag.


Mom is calling...


Bakit kaya napatawag itong ina kong nagdadala ng mga babaeng pinapahamak ako.

“Yes Mom?” tanong ko.

[“Baby umatras 'yung last na magpapatulog sa'yo. Kainis naman oh.”]

Napangisi ako sa sinabi ni Mom. Eh 'di mabuti!

“Kung gano'n hayaan niyo na Mom,” sambit ko.

[“Pero anak malay mo mapapatulog ka  niya hindi ba?”]

Ang kulit talaga ng nanay ko.

Bumuga ako ng hangin at nagsalita, “Mom please stop, ayaw ko na rin naman eh. Kasi Mom pagod na agad ako, hindi naman sila nakakatulong. Sinasaktan nila ako Mom.”

[“Hayst, alright anak stop na si Mom and Dad mo. Sorry anak ha? 'Yan tuloy halos mag-agaw buhay ka na dahil sa mga babaeng 'yon.”]

Napangiti ako sa sinabi ni Mom.

“It’s okay Mom. Kumain na ba kayo?”

[“Yes anak. Hmm hindi ba’t nasa school ka?”]

“Ah yes Mom,” sagot ko.

[“Ingat ka d’yan ah? Oh sige i-bababa ko na 'to. Uwi kayo agad ng kapatid mo.”]

“Alright Mom, don’t worry. Bye,” paalam ko.

[“Bye.”]

Napabuntong hininga ako at linagay ang phone ko sa bulsa. Kung gano'n ay wala ng papapuntahin sa bahay si Mom na mga babae na hindi naman mukhang babae.

Hindi na nanganganib ang buhay ko.

Wala ng mangriritwal na nagpasunog.

Wala ng tagamasahe na nangbubugbog.

Wala ng makikipaginuman na biglang gusto kang i-rape.

Wala ng gano'n!

“Yes!”

Buti naman at umatras ang last na susubok dahil kahit anong gawin nila ay hindi nila ako mapapatulog.

Kilalang-kilala ko ang sarili ko at alam na alam ko na hindi nila ako mapapatulog ng basta-basta lang.

Lumaki ako sa bahay na nando'n lang. Hindi ko nararanasan ang nararanasan ng kapatid ko pero hindi rin naman niya nararanasan ang nararanasan ko.

Para akong hari sa bahay ngunit para ring preso. Pero kahit gano'n ay nagpapasalamat pa rin ako. Comfort zone ko ang bahay namin. Kakain, magwo-work out, mageensayo ng martial arts, magpipinta, manonood, magsusulat, mag-aral, at maglaro lang ang nagagawa ko sa bahay pero masaya naman kahit gano'n.

Kuntento na ako sa kung anong meron ako. Kuntento na ako sa kung ano ako, kuntento na ako kahit ganito ang buhay ko. Kahit pa ang pagtulog ng kusa ay para bang himala sa buhay ko.

Stay Awake And Make Me SleepWhere stories live. Discover now