CHAPTER 24 : SORRY
Mabuti na lamang at nakauwi kami kaagad. Akala namin kanina ni Aeris ay gabi na dahil may fountain na.
Alas cuatro pa lang pala no'n at gano'ng oras daw talaga binubuksan ang fountain sa mall na 'yon.
Sakto namang alas cuatro ang uwian namin kaya naging sakto lamang ang oras. Pagkatapos namin sa fountain ay agad naming kinuha ang bagong duplicate na susi at umuwi kami ka-agad.
Sinubukan ko ring i-try kung mabubuksan ko ba ang k'warto niya at mabilis naman itong nabuksan kaya naging maayos ang lahat.
“Kuya handa ka na ba?” tanong ni Sang sa'kin, nandito kaming tatlo ni Sang at Aeris sa harap ng hapagkainan at naghahapunan.
Taka akong tumingin sa kaniya dahil sa tinanong niya. Anong handa? Saan? May pupuntahan ba kami? May paligsahan ba? Laro o trabaho?
“Where?” tanong ko.
“Ang tanong ko kung handa ka na ba? Ang bilis mo naman kasi kuya, magdahan-dahan ka naman sa pagkilos mo napapaaga ang buhay mo n'yan eh, hindi ka mag-e-enjoy niyan 'tamo,” sabi niya.
Lalo akong nakaramdam ng pagtataka sa kaniya. Ano bang pinagsasabi niya?
“What are you saying?”
“Hangga't binata ka pa dapat ay nag-e-enjoy ka hindi 'yung linalagay mo na agad ang sarili mo sa isang responsibilidad. Gayahin mo ako kuya, marami ng nasubukan pero hindi sumabit at pumalya kahit kailan,” natatawang sabi niya.
Hindi ko na talaga siya maintindihan, unting-unti na lang talaga masisigawan ko na siya dahil napakiwirdo niya.
Mula pa kaninang umaga ay gan'yan na siya at argh sinisira niya ang ulo ko sa pag-iisip.
Samalantalang itong katabi ko ay patuloy lang sa pagkain.
Hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ang pagkain.
Pero dahil may pagkabastos si Sang ay hindi na naman niya mapreno-preno ang bibig niya.
“Kuya, ako bahala sa mga toys. Bibilhin ako ng madaming-madaming toys para kapag nakakakita siya ng toys ay ako agad ang maiisip niya, tito niya agad ang maiisip niya,” sabi niya.
Toys, maiisip, tito.
Kahit pagdugtong-dugtungin ko ay wala akong maintindihan.
“I don't get you, Sang.”
Tumawa naman siya.
“You will be a father, isn't obvious?”
Natabig ko bigla ang baso sa mesa at muntik ba 'yong mahulog at mabasag.
Buti na lang at nasalo ko.
Pisti naman kasing Sang 'yan, magiging ama na raw ako. Aba masyado pa akong bata para ro'n.
'Tsaka wala naman akong naka-make love kaya pa'no ako magiging ama. Ano 'yun magiging ama ako pero walang ina?
Abnoy talaga.
“Crazy.”
“Hindi ako baliw sinasabi ko lang ang totoo, hindi ba Aeris?” Bumaling siya ng tingin kay Aeris.
Natatawa namang tumingin sa kan'ya si Aeris pero linunok muna nuya ang kan'yang nginunguya bago sumagot kay Sang.
“I'm not pregnant, Sang. Stop asking your brother and stop teasing him. Baka sumabog 'yan.”
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.