CHAPTER 8 : CHEATING“B'wisit na mga mata 'yan, tusukin ko 'yang mga 'yan.” Dinig kong bulong ng katabi ko.
Tiningnan ko naman siya at puro lang siya pirma sa likod ng notebook niya.
Eh? Weirdo.
“Are you okay?” tanong ko.
“Anong ‘are you okay?’ mukha ba akong hindi okay ha?” tanong niya habang pumipirma pa rin.
“Yea, mukha kang hindi okay,” sabi ko.
Tumingin naman siya sa'kin at tinitigan ang mga mata ko.
“Okay lang ako, kainis lang 'yung mga mata nila. Tusukin ko 'yang mga mata nila eh,” sabi niya habang nakatingin sa'kin.
“Don’t mind them,” sabi ko.
“Don’t mind them, don't mind them. Che!” Sabay taray niya at tumingin sa mga classmates namin na nakatingin sa kan'ya, may iilan pang nagbubulungan.
Magsasalita sana ako ng bigla akong humikab. Takte inaantok 'ata ako ah.
Huh? Inaantok ako?
Tumingin na lang ako sa bintana at sinaksak ang earphone sa tainga ko.
Pumikit naman ako habang nakikinig ng music.
Hindi ko namalayan ang lahat.
“Hoy Mister.”
Ramdam ko ang pagkalabit sa'kin ngunit ayaw ko pang dumilat dahil inaantok ako.
“Hoy gumising ka d'yan! Uwian na!”
Dahan-dahan akong napamulat at tumingin sa kan'ya.
Wait, nakatulog ako? Takte, anak ng mabilis na pagong nakatulog nga ako.
Napangiti ako.
Lumingon ako kay Aeris at kita ko naman ang titig niya sa'kin, mas lalo akong inantok. Humikab nanaman ako.
“Antok na antok ka ah, parehas lang tayo kaya tara na labas na. Gusto ko ng umuwi at matulog,” sabi niya at kinuha na ang bag niya.
Tumayo naman ako at nagstretch, grabe sumasaya talaga ako kapag nakakatulog kahit saglit.
--
Pagkauwi namin ni Sang ay agad naming nakita si Mom and Dad na naguusap sa living room.
“Mom and Dad!” sigaw ni Sang at linapitan agad ang mga magulang namin.
Nakipagbeso-beso pa siya, bakla siguro 'to.
“Hey, magbihis na agad kayo. Mukhang pawis na pawis kayo,” sabi ni Mom habang tinitingnan kaming dalawa.
“Ang aga niyo ngayon ah,” sabi ni Sang.
“Ah yes mabilis natapos ang last meeting namin. Veter, umakyat ka na at magpalit ng damit mo dahil baka matuyuan ka ng pawis at magkasakit ka pa. Ikaw din Sang, mga amoy pawis kayong dalawa,” natatawang sabi ni Mom kaya ayun umakyat kami ni Sang paakyat sa k'warto namin.
Kanina ay antok na antok ako ngunit ngayon ay hindi na. Anong nangyari?
Sayang gusto ko pa namang matulog magdamag. Ang sarap matulog ng hindi pilit.
Hinubad ko ang uniform ko at pants ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, napangiti ako dahil hindi ako mukhang abnoy katulad ng mga nasa University.
YOU ARE READING
Stay Awake And Make Me Sleep
Teen FictionA story you wouldn't want to know the ending.