CHAPTER 28

19 1 0
                                    

CHAPTER 28 : CHANGES












“Ang g'wapo mo Veternum!”

“Sure ako singer din siya!”

“Kanta ka na asawa ko!”

“Oh meh ged! Veternum!”

“Veternum! Veternum! Veternum!”


Napapikit ako sa lakas ng sigawan ng mga kababaihan.

Ayoko ngang kumanta, ayokong kumanta.

Ayoko talagang kumanta.


“Go Veternum darling! Sing for me!”


Inis akong sumulyap sa sumigaw na si Ayena.

Kumakaway siya sa'kin at sobra ang ngiti. Nakatayo pa siya at sobrang fit na fit sa kaniya ang gown na suot niya.

Dress lang daw pero nag-gown.

Kulay pulang gown na sobrang fit sa kaniya, kitang-kita ang cleavage niya at talagang sigurado akong aalog 'yon kung sakaling tatakbo siya.

Wala man lang ang kuya niya at hindi man lang siya pinagsasabihan.

Umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ako nagagandahan sa nakikita ko.

“Mr. Verernum?”


Nakuha ng M.C. ang atensyon ng lahat dahil sa pagtawag sa pangalan ko.

Ayoko nga sabi.


“Mister eh kung umakyat ka na kaya?”


Napalingon ako sa katabi ko na nakatingin sa stage.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang itsura niya, kaya unti-unti siyang napalingon sa'kin at tinaasan ako ng kilay.


Agad naman akong napaiwas ng tingin at inis na tumingin sa stage.

“I don’t want to sing.”


“Pero mister, tawag ka na nila. Alam ko namang sintunado ka pero kailangan mong kumanta.”

Inis akong tumingin sa kaniya.


Hindi naman ako sintunado, hindi lang mahilig kumanta. Dahil mas gusto kong pinapakinggan ko lang.


“Still, I don't want.”


“Sus, takot ka lang mapahiya. Pero kasi g'wapo ka naman kaya ayos lang 'yan,” sabi niya.


Anong ayos do'n? Wala naman akong pake sa mga sasabihin ng ibang tao. May pake ako sa nararamdaman ko, dahil ang nararamdaman ko eh ayaw kong kumanta.


Mapipilit mo ba ang ayaw?


“Bilis na mister, sige ka pag wala ka lagi kong ipapakita ang hita ko sa mga lalaki. Lalo na sa public places.”

Pero kung kailangan, s'yempre mapipilit ka.


Hayop, gumugulo tuloy 'yung isipan ko.


“Yie, kakanta na 'yan. Ayaw n'yan may makakita sa hita ko.” Sabay sundot niya sa tagiliran ko.

Inis ko siyang tiningnan, at nakangiti naman siya na para bang nang-aasar.


Bakit feeling ko binablackmail niya ako?


“Daig mo pa tatay ko kaya alam kong papayag ka, hindi ba mister? Kakanta ka o papakita ko ang hita ko ngayon?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stay Awake And Make Me SleepWhere stories live. Discover now