CHAPTER 16

7 0 0
                                    

CHAPTER 16 : THANK YOU







“Kuya, feeling ko wala naman talaga akong pag-asa kay Aeris.”

Liningon ko siya at nakapalumbaba lang siya sa may mesa.

Kakatapos lang namin magdinner at wala pa sina Mom and Dad. Kaya kaming dalawa ay nagk'we-k'wentuhan muna.

“Suko ka na?” tanong ko.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa'kin.

“Yeah, suko na ako.”

Ang bilis naman niyang sumuko?

Kakaumpisa pa lang naman niyang dumiskarte ah.

Pero Veter, mabuti rin 'yun dahil hindi ka na tutulong pa at gagawa ng ka-abnoyan. Iwas gawa na rin ng kasalanan, at bawas guiltiness.

“So anong plano mo?” tanong ko.

“Ituon ang atensyon ko sa iba, sa ibang tao. Do'n sa naaappreciate ang efforts ko, do'n sa unting bagay lang na ginagawa ko napapasaya ko na. Mas masarap kasi 'yun sa pakiramdam, kaysa sa pilitin ko ang sarili ko sa isang tao na hindi man lang ako nais makasama. Hindi ba?”

Napatango ako.

Tama siya, bakit nga ba siya magsasayang ng oras sa isang tao na kahit tadhana'y ayaw sumangayon sa gusto niya.

“Pero alam mo kuya, kung magiging kayo ni Aeris. Ako ang pinakamasaya para sa inyo, bagay kayo para sa'kin.”

Taka ko siyang tiningnan.

Kung magiging kami ni Aeris ay siya ang pinakamasaya para sa'min?

Grabe naman, napakaimposible no'n. Hindi kami bagay ni Aeris, hindi kami para sa isa't-isa. Hindi namin tipo ang isa't-isa. Hindi namin magugustuhan ang isa't-isa.

Hindi namin mamahalin ang isa't-isa.

“Dream on, Sang.”

“Pwe! Dream on, dream on! Kapag 'yan naging totoo sasabihin mo na lang sa sarili mo na napakasinungaling mo. Pati sarili mo linoloko mo.”

Irita ko siyang tiningnan. Ano bang pinagsasabi nito?

Imposible nga kasi 'yung sinasabi niya.

“Impossible Sang.”


“Ikaw ang may sabi sa'kin noon kuya, na 'walang imposible',” sambit niya.

Sinabi ko nga 'yun, pero imposible talaga 'yung sa'min ni Aeris.

Hindi nga kami madalas nagkakasundo no'n, baliktad ang utak no'n at wala sa tamang direksyon ang tinatahak niya.

“Yea, whatever.” At tumayo na ako.

Nang nasa hagdan na ako ay narinig ko pa ang sigaw niya.


“Best man ako kapag kinasal kayo! Tandaan mo 'yan kuya!”

Napailing na lang ako at umakyat papunta sa k'warto.






TWO WEEKS LATER..


Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng tumigil si Sang sa kaabnoyan niya.

At ako? Eto, buhay pa rin at humihinga. Nakakatulog ako palagi sa classroom.

Pero may napansin akong kakaiba.

Stay Awake And Make Me SleepWhere stories live. Discover now