Ikalawang Kabanata: Naglaho

4 0 0
                                    

Kumurba ang isang ngiti sa kanyang mga labi, matapos noon ay bigla na lamang akong tinablan ng antok. Paggising ko, iba na ang pakiramdam ko. Wala na ang bigat sa dibdib ko na baka sa ilang oras kong natutulog, hindi ko nakontrol ang aking kapangyarihan. Iminulat ko ang aking mga mata. Nasa loob na naman ako ng tube. Sumenyas ang isa sa mga scientist kaya inihanda ko na ang aking sarili sa kung anumang kemikal ang ihahalo nila sa tubig, subalit inilabas nila ako at binigyan nang tuwalya upang maging saplot.

"Hindi ko akalaing tunay ang kasabihang gaano man katayog ang isang bundok, magagawa mo itong patagin" nakangisi niyang usal sa akin

Kaagad akong nilapitan ni Eure at niyakap. Ako ba ang bundok na tinutukoy niya? Ano bang nangyari noong wala akong malay? Kamusta si Gloom? Nasaktan ko ba siya habang wala akong malay? Tinitigan ko si Eure na tila ba naghahanap ako ng kasagutan subalit hinimas lamang nito ang aking buhok at inalalayan ako patungo sa aking quarter. Ang akala ko ay hahayaan na niya muna akong magpahinga, subalit nagsimula na siyang mag-impake ng mga kagamitan ko.

"Eure, anong ginagawa mo? Aalis na ba ako sa lugar na ito? Wala pa ako sa tamang gulang para umalis, hindi ba? Maliban na lamang..."

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin. Impossible iyon. Sinubukan kong pagalawin ang bagay na pinakamalapit sa akin subalit bigo ako. Sinubukan ko rin ang iba ko pang mga kapangyarihan ngunit ni isa ay walang gumagana. Naglaho na lamang na parang bula ang lahat ng mga kapangyarihan ko.

"Huwag kang mag-alala, Leve. Aalagaan kita. Nakausap ko na si Ten tungkol sa paglipat mo sa bahay ko. Simula ngayon ako na ang mangangalaga sa iyo. Malaya ka na sa Agency kagaya nang pangarap mo" nakangiti niyang wika

"Pero hindi ito ang ginusto ko, Eure. Wala ito sa mga plano ko. Paano ko maililigtas ang iba sa kamay ng mga demonyong iyon kung wala na akong kapangyarihan! Isa na lamang akong basura ngayon" naiiyak kong tugon

"Leve, hindi ka basura. Ikaw ang magsasabi kung ano ka, hindi ang kapangyarihang taglay mo na kinatatakutan nang lahat. Kung nawala man ang kapangyarihan mo sa murang edad, hindi mo iyon kasalanan. Normal lang na ang mga bagay na hiram ay dapat isauli" usal niya

"Pero..."

"Leve, maging masaya ka sana. Hindi ba matagal mo nang pangarap na makalabas sa agency? Ito na ang pagkakataong iyon. Hindi mo kailangang malungkot, habang naririto ako, hindi ka malalagay sa panganib." pang-aalo niya subalit hindi iyon nakatulong

Malakas si Eure at kung tutuusin, malaking enerhiya na ang nawawala sa kanya kada pipigilan niya ang kapangyarihan niya. Kung hahayaan naman niya iyon, sinumang hahamak na hawakan siya ay kaagad na lilipad papalayo dahil sa tindi ng enerhiya nito. Ang dahilan kung bakit isa rin sa mga protege si Eure ay dahil walang katapusan ang enerhiyang nailalabas niya, kung tutuusin, isa siyang buhay na bomba sa paningin nang lahat.

"Halika na, Leve" nakangiti niyang aya noong hindi ko mamalayang tapos na pala siya sa pag-iimpake ng mga kagamitan ko

Nakaramdam ako nang hiya noong mapansin ko na pinapanood kami ng iba pang gifted. Hindi ko magawang salubungin ang mga titig nila subalit batid ko ang inggit at inis sa kanilang mga tingin. Bakit nga ba hindi ako naging isa sa mga walang pakinabang na naging isang malamig na bangkay? Bakit malakas ang kapit ko sa mga special agents na kahit wala na akong kapangyarihan kagaya nila, nagawa ko pa ring makalaya sa Axia at makakatira pa ako sa prestihiyosong distrito ng mga katulad ni Eure.

Sa Axia, hindi lamang nahahati sa tatlo ang mga distrito kung saan nananatili ang mga gifted. Nahahati ito sa anim, una ay ang District A kung nasaan ang mga sinasabing elementals. Walang maaaring makapasok doon kung hindi mo mapapatunayan na isa ka sa kanila, bagay na hindi ko na nasubukan o masusubukan pa sapagkat wala na ang aking kapangyarihan. Sa District B naman nakatira ang mga secondary. Sila ang second element, technology, metal, ice, sand at marami pang iba, sila ang kombinasiyon ng mga elementals. Sa District C naman ang mga may kapangyarihang kagaya ni Eure, Physical Powers. Sila ang mga superhuman soldiers na nagpapanatili ng kapayapaan at nagiging staffs sa Agency. Nasa District D naman ang mga may mental abilities. Sila ay ang may telekenesis, mind-reading, doon din kabilang ang mga kagaya ni Gloom na illusionist pero maaari rin mamalagi ang illusionist sa District B kung mabigyan sila nang karangalan na isa sa libong pagkakataon kung magaganap. Nasa District E naman ang mga Shapeshifters. Iba sila kay Gloom, si Gloom kasi gumagamit ng ilusiyon samantalang sa kanila, natural na ito. Naroroon ang mga nagiging anak ng mga succubi, incubus, demon, spirits, at mythical creatures. Sila madalas ang nakakaranas ng diskriminasiyon dahil sa kanilang itsura o katayuan sa buhay na ibinubuntong naman nila sa mga naninirahan sa District F, ang mga Unclassified. Marami ang populasiyon nila kumpara sa ibang distrito dahil doon madalas ipinapatapon ang mga Gifted na tulad kong walang kapangyarihan.

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon