Ikatatlumpu't Isang Kabanata: Sorrow?

15 0 1
                                    

Sa dulo ng pasilyo ay natanaw ko ang isang malawak na kwarto at sa dulo noon ay isang mataas na hagdanan. Noong makapasok ay natagpuan ko ang upuan ng hari sa taas ng hagdan maging ang lalaking nakaupo doon. Naramdaman ko ang panginginig ni Aquius kaya hinawakan ko ang kanyang balikat. Nanlaki ang kanyang mga mata at bigla na lamang napaluhod.

"Mahal na emperador, hindi ko inaasahan na mabilis mong paunnlakan ang aking imbitasiyon" nauutal nitong pagbati sa lalaki sa itaas

Pumutok ang bula kung nasaan ako at nawalan ng bisa ang Shape shift ko bilang isang sirena. Namangha naman ako dahil nagawa kong makaapak sa sahig kahit na nababalutan ang buong lugar ng tubig. Napahinto naman ako sa aking pag-uusisa kung paano nangyari iyon noong mapansin ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan. Tagalupa siya. Sa pananamit pa lamang alam ko nang hindi siya tagarito. Tinitigan ko si Aquius subalit umiwas ito ng tingin sa akin. Isang malamig na kamay ang nagpabaling sa akin upang matanaw ang kanyang mga mata.

"Eure?" pagtawag ko at bigla na lamang siyang tumawa

Nanghihina ako. Isa rin siyang gifted at hindi tulad ng mga Eure na nakilala ko sa labas ng Axia. Imposibleng mayroong dalawang Eure na gifted at kapareho ang kapangyarihan sa isa't isa, kahit ang kambal sa amin ay may iba ring katangian at kapangyarihan. Bukod doon, matagal nang patay si Eure noong maglaho ang Axia. Nagsimulang manginig ang buo kong katawan noong ngumiti siya. Ang ngiting hinahangaan ko noon at ang mga titig na tumutunaw sa puso ko. Hinalikan niya ang aking noo.

"Sa wakas, bumalik ka na. Mahal ko" giit niya

Sa pagkabigla ko, atomatiko kong tinabing ang kamay niya at umatras. Naikuyom ko ang aking mga palad at nangitngit ang aking mga ngipin. Anong karapatan mong tawagin akong mahal ko? Sa lahat ng mga hiniraman ko ng buhay, nakikita kita. At sa lahat ng iyon, wala kang ginawa kundi saktan ako, patayin ako. Wala akong ibang nakikita na lalaki sa aking harapan kundi ang taong nagturo sa akin na ang mga taong minsang minahal ko ng buong puso, ang siya ring mananakit sa akin at tatapos ng buhay ko. Napansin kong maging siya ay nagulat din sa aking reaksiyon.

"Aquius, ang sabi mo ay ang hari ang ipakikilala mo. Nabanggit mo ring hindi maaaring makapasok ang mga tagalupa sa lugar na tinawag naming Equesha, ngunit masdan mo ang iyong sarili, isa kang prinsipe subalit yumuyuko ka sa isang tao"

"Mahal na emperatris, hindi mo ba nakikilala ang lalaki sa iyong harapan. Madali ka at magbigay-pugay sa emperador" takot niyang tugon

Nilapitan ko si Eure at sinampal. Umalingawngaw sa paligid ang lakas niyon. Nakita ko namang napangisi siya sa ginawa ko. Ikaw... Hindi ko maatim na makita pa ang pagmumukha mo. Sana hindi ka na lamang nagbalik. Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang palakasin ang suntok na iginawad ko sa kanya. Tumalsik siya sa pader at kumalat ang dugo niya sa tubig.

"Lumaban ka! Walang kwenta! Alam kong wala kang kinalaman sa mga nangyari sa akin sa lupa, subalit kasalanan mo itong lahat. Kung nagawa mo lamang maghintay sa akin ng sampung taon. Kung hinintay mo lang sana ako... Naiinis ako sa iyo, Eure! Ayoko na sa iyo! Hindi na kita mahal! Kung hinintay mo kasi ako, hindi ko na kailangan pang magmahal ng isang tulad ni Acheros. Hindi ko na kailangan pang makilala ang First. Hindi na sana ako sasali sa pagsusulit upang makapaghiganti..."

"Nagagalit ako sa iyo! Kung sana nagawa mo lang akong pigilan noong araw na iyon. Kung sana hindi na lamang si Anastasia ang pinili mo kundi ako. Nagpanggap si Gloom, Eure! Ilang beses kong pinaintindi sa sarili ko na magiging maayos din ang lahat, na gigising din ako sa panaginip na ito..."

Humiyaw ako sa sakit sa aking likuran. Nagsisimula na naman akong mawalan ng kontrol. Muling lumabas ang mga itim na kamay sa aking likuran kaya kaagad kong pinatalsik si Aquius palabas ng trono. Mabilis ang pagtibok ng aking puso at nauunbusan ako ng hininga. Nawalan na ng bisa ang Breathe. Narinig ko ang mga yabag ni Eure papalapit sa akin.

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon