Ikadalawampu't tatlong Kabanata: Panganib

2 0 0
                                    


Napansin ko namang sumusunod siya sa akin kaya hinila ko siya sa hindi masyadong dinadaanan ng tao.

"Bakit ka sumusunod?" tanong ko

"Papasok ako sa loob" usal niya

"Pero ang plano ay ikaw ang bahala kay Serio"

"At hindi ko iyon magagawa kung hindi ako papasok sa loob?" tugon niya

Inilabas ko ang Ice Flame. Madalas hindi ko ito pinahihiram sa iba pero nakakainis na talaga ang lalaking ito. Ibinigay ko sa kanya ito at tinitigan naman niya ako na may halong pagtataka.

"May isang spot na maganda sa sniping doon sa Hozorea Theater. Mas mabilis mo siyang matatapos" usal ko

"Paano ka?" tanong niya

"Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko" tugon ko

"Naiinis ka pa rin ba sa mga sinabi ko?" tanong niyana tila tinablan na ng konsensiya

"Trabaho ito. Magkaibang bagay iyon" malamig kong wika at iiwan na sana siya

"Sige na, patawarin mo na ako. Hay! Ang hirap talagang maintindihan ng mga babae" usal niya

"Kina, share system. Paganahin ang c-lenses. Siguraduhin mong mabibigyan mo siya ng malinaw na panuto kung paano ito ginagamit" saad ko

"Sandali! Seryoso ako. Humihingi ako ng tawad pero hindi ko matatanggap ang sniper" pagpigil niya sa pag-alis

"Agile type ako. Hindi ako sanay sa madadaling trabaho. Sasama ako sa loob kung sakaling may mangyari sa iyo" nahihiya niyang usal

Hinawakan ko ang damit niya at nagpalit ito. Napangiti naman ako. Hindi nga ako nagkamali na kahit anong ipasuot ko kay Acheros, babagay sa kanya. Patawarin mo ako Ezekiel, hindi ko pa kayang tanggapin na hindi na si Acheros ang aking kapiling.

"Magmumukha kang butler ko kung ganoong kasuotan ang isusuot mo, hindi ba asawa kita?" tanong ko na may ngiti sa labi

Pumasok na kami sa loob. Namangha ako sa mga koleksiyon ng mga alahas na maaaring bilhin bago magsimula ang auction. Napunta ang mga mata ko sa isang kwintas sa gilid. Hindi ko alam kung bakit hindi iyon pinupuntahan ng iba pero nakuha noon ang buo kong atensiyon. Bago pa ako makapagpigil natagpuan ko na ang sarili ko na nakatayo sa harapan nito.

"Ang tawag sa necklace ay Burning Amber pero hindi gaya ng pangalan, painite ang ginamit na bato sa necklace. Hindi man siya kasingmahal ng diamond, ang painite ang sinasabing rarest gemstone sa lahat. Gusto mo?" tanong ni Ezekiel

"May alam ka sa mga ganito?" tanong ko sa kanya

"Kaunti lamang. Sa palagay ko babagay sa iyo ang kwintas, kakulay ito ng mga mata mo" saad niya na nakatingin lamang sa kwintas

Siniko ko siya sa tagiliran kaya nagbalik siya sa kanyang ulirat. Napatikhim naman ako at mahinang tumawa.

"Hindi iyan ang assignment" bulong ko sa hangin

"Willow! Ikaw ba iyan?" bungad ni Mr. Serio at ako'y niyakap

"Mr. Serio" bati ko rin

"Mabuti naman at pinaunlakan mo na ako sa pagkakataong ito" nakangiti niyang usal

"Nagpapatawa ka ba? Nahihiya lamang ako dahil nagkakaroon ka pa ng oras na padalhan ako ng imbitasiyon kahit isang beses pa lamang tayong nagkikita. Naisip ko rin na hindi ako babagay sa mga ganitong okasiyon" pagpapanggap ko

Hindi naman talaga dahil wala akong interes sa mga ganito. Ni hindi ko nga masasabi kung peke ba o totoo ang mga bato sa harapan ko. Bukod pa roon, kung marunong lamang ako sa mga ganito, mas mayaman na ako sa lalaking ito. Kung kaya kong gumawa ng mga armas gamit ang kapangyarihan ko, simpleng mga bato pa kaya?

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon