Ikatatlumpung Kabanata: Naglahong Imperyo

5 0 0
                                    

Kaagad naman akong tumakbo noong magtagpo ang ginintuan niyang mga mata at ang sa akin. Nauntog naman ako sa lalaki sa harapan ko.

"May nakita ka bang multo, halimaw o ano? Anong nangyari? Teka? Nasaan ako?" tanong niya

"Mamaya ka na magtanong! Takbo" utos ko

"Miss, kaya kitang protektahan. Ano bang nakita mo bakit ka natatakot?" tanong ni Ezekiel

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Bilisan mo" pagmamadali ko

"Teka? Suot mo ang eargear." pagpuna niya

Hinila niya ang kamay ko at iniikot sa likuran ko. Bwis*t! Wala ng oras. Ginamit ko ang isa kong kamay para pagalawin ang tubig at ikulong siya. Nagulat naman siya sa biglaang pag-atake ko kaya ako siya napaatras. Narinig ko ang mga yabag ng paa. Kaagad kong hinila si Ezekiel papalayo sa lugar. Hindi ko alam kungbakit bigla na lamang akong natakot sa lalaking iyon. May kakaiba sa kanya at hindi ko na hahangaring magkita kaming muli. Bago ko pa mapagtanto kung saangbahagi kami tumatakbo, napaluhod na ako.

"At nasa hangganan na tayo ng pagtakbo. Miss, sabihin mo nga sino ka ba?" tanong ulit ni Ezekiel

Napasapo naman ako ng aking noo. Nakalimutan kong kasama ko siya. Inayos ko ang mahaba kong buhok na tila nagliliyab kapag nasinagan ng sikat ng araw. Tila mas nanaisin ko pa ang itim kong buhok kaysa dito. Noong magawa kong itirintas ang mga ito ay hinarap ko naman siya.

"Hindi mo ba ako namumukhaan?" tanong ko at itinuro ang sarili ko

"Hmm... Wala akong nakikilalang may ganyang mukha" tugon nito

Napakunot naman ang noo ko at gumamit ng Prism. Hinawakan ko ang mukha ko. Hindi ito ang katawan ko. Ito ang katawan ni Asil. Paanong? Hinawakan ko ang matulis kong  tainga. Hindi ako nagtaka noong pakiramdam ko mas tumangkad si Ezekiel pero... Ito ang katawan ni Asil. Hinawakan ko ang aking sikmura kung saan itinarak ang gintong sibat sa amin ni Sorrow. Wala akong galos. Imposible. Napatakip ako ng aking bibig.

Umupo si Ezekiel sa lupa at humalumbaba. Huminga ako ng malalim at nilapitan siya. Binuksan ko ang pakpak ko saka siya hinila pero hindi ko man lang siya maibo sa posisyon niya.

"Babae, kung nais mong manatiling buhay, magpakilala ka. Tapos na ako sa pakikipaglaro sa mga katulad mo" mahinahon niyang wika

"Lilipad tayo, ipapaliwanag ko sa itaas" pangako ko

"Hindi ako sasama kung hindi mo man lang sasabihin ang iyong pangalan" saad niya

"Anong pangalan ang nais mo? Sa katawang ito o ang taong kilala mo? Sa simula pa lamang dapat kilala mo na ako, sino bang kasama mo kani-kanina lamang?"

"Hindi ko alam kung ano ka pero sa palagay ko nakakaintindi ka naman ng mga sasabihin ko. Isa akong soloist. Wala akong kasama sa misyon ko kaya paanong magkakaroon ako ng kasama?" malamig niyang tanong

"Ano? Nababaliw ka na ba? Ako ito si Leve, ang partner mo. Iba man ang wangis ako pa rin ito" tugon ko

"Leve? Wala akong nakikilala sa ganoong pangalan. Anong lugar ito? Nasaan tayo? Iba man ang wangis mo alam kong naiintindihan mo pa rin ako" birada niya ng mga tanong

"Ezekiel, wala nang oras" usal ko

"Hindi Ezekiel ang pangalan ko" nakayuko niyang saad

"Ibalik mo na ang lalaki sa lugar kung saan siya nagmula, hindi siya tagarito" wika ng isang boses

"Sinong..."

"Nagsalita? Ako, binibini. Hindi ko inaasahan na ganoon ka pala kabastos. Alam mo ba kung gaano namin katagal pinangalagaan ang katawan mo? Pagkatapos, tila iyong ninakaw ito sa amin" usal niya at lumabas sa isang puno

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon