Ikatlong Kabanata: Ama

5 0 0
                                    

Maraming nagbago sa pamamaraan ng aking pamumuhay. Tuwing umaga, kailangan kong gumising ng alas-kwatro upang samahan si Eure sa pagtakbo. Madalas, walang laman ang aming mga sikmura subalit kinakailangan naming pumunta sa barracks upang mag-ulat. Pag-uwi naman, magluluto ng aming agahan si Eure samantalang ako nama'y maliligo. Magtatalo kami ni Eure dahil ang isusuot ko ay ang damit ko sa Agency sa halip na ang mga bistidang may nakasisilaw na kulay gaya ng damit ng ilang mga maykayang babae sa aking edad. Sinasabi niya palagi sa akin na babagay iyon sa akin at dapat umayon ako sa aking edad.

Sa huli ng pagtatalo, napagdesisyunan namin na magbigayan. May araw na magsusuot ako ng mga nakakadiring damit na tila ginawa akong manika, at may araw din namang ang susuotin ko ay ang damit ko sa Agency. Ilang buwan na rin itong paulit-ulit subalit nakakaramdam ako ng init, ng saya. Nakakatawa na rin ako dahil kay Eure, naiinis, nagagalit, nagdadabog. Sinisikap ni Eure na ibigay lahat ng mga gusto ko at ganoon din naman ang atensiyon na ibinibigay sa akin ni Fourth.

Madalas niya akong ipatawag sa kanyang opisina ngunit wala naman itong intensiyon na ako'y utusan. Tinititigan niya lamang ako pagkatapos ay matatawa siya at sasabihing alam niya raw na naiinip na ako. Minsan hinahayaan niya akong makipagsabayan sa mga kasing edaran ni Eure dahil bagaman ang pangangatawan ko ay sa limang taong gulang, wala iyon sa takbo ng aking pag-iisip. Nakikipagkompetensiya rin ako sa kanila at nakikitawa. Sa ilang buwan kong pamamalagi dito, lubos kong naintindihan ang sayang naidudulot nito kay Eure. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit wala siyang pagsisisi noong hiniling niyang alagaan ako.

"Eure, kasama mo na naman ang machine doll?" tanong ni Josef, isang wolf cub

"Ahh, mas bagay pa rin sa iyo ang suot mong pula noong huli" pagpuna niya sa bestidang suot ko ngayon na kulay ube

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo, cub" naiinis kong wika

Wala na siyang ibang ginawa kundi inisin ako. Palibhasa may lahi siyang wolf kung kaya hindi ko siya matalo sa pagtakbo o sa kahit na ano pa man. Kung bumalik lang sana ang kapangyarihan ko, makikipagkompetensiya ako sa kanya bilang wolf. Tumawa naman si Eure noong mapansin niya na nanggagalaiti na ako.

"Tama na iyan, anong dahilan at naparito ka?" tanong ni Eure

"Ipapaalala ko lamang na maglabing-isang taong gulang ka na. Isang edad na matanda na para sa aming wolf" panimula nito

"Pero hindi wolf si Eure, isa siyang immortal" depensa ko

"Tumahimik ka manika, sabihan mo ang lalaking iyan na kailangan niyang magpakita sa pagsusulit o hindi na siya muling makakayakap sa iyo" banta niya

"Huwag kang mag-alala, ipinaalaala na iyan sa akin ng General. Sasali ako para bukas" sagot ni Eure

Tama, sa loob ng district C hindi ka pwedeng magpahinga. Bagaman mainit ang pagtanggap nila sa mga nangangarap maging knight sa kabila ng kanilang kapangyarihan o distrito, nabubuhay naman sila sa patigasan at palakasan ng pangangatawan. Hindi ka makatatagal sa pagiging trainee dahil sa tuwing tutuntong ka sa edad walo, sampu, o labinglima, kailangan mong isagawa ang pagsusulit. Limang taon pa lamang ako kung kayat hindi ko lubos na nauungkat ang bagay na iyon, liban na lamang sa pinakadahilan kung bakit nagaganap iyon, eliminasiyon. Ibinabatay ang kakayahan mo sa mga ranggong aangkop sa iyo bilang isang knight at makukuha mo kung magpapakitang gilas ka sa pagsusulit kung kaya kailangang-kailangan nilang dumalo dito kung nais nilang mangarap ng matayog sa larangang militar.

"Ano ang iniisip mo?" tanong ni Eure

"Bakit tinanggihan mo ang alok nila noon? Nakasisiguro ako na magagawa mo silang patayin sa paglalabas pa lamang ng 10% lang ng lakas mo" usal ko na inaalala ang mga impormasiyong nakalap ko sa eksaminasiyon sa kanya

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon