Ikalabingwalong Kabanata: Oras ng Lagim

2 0 0
                                    

Bago ko pa magawa ang aking ipinaplano, nawasak ang sahig na kinalulugaran ko.

"Ice, Kansan, Alius, Dexter!" pagtawag ko sa mga ito

Nakita kong nagliwanag ang lalagyanan kung saan inilagay ni Alius ang balahibo ng Phoenix. Saglit kong naramdaman ang init niyon bago ako bumagsak sa ibaba.

"Ligtas ka na, Binibini" usal ni Acheros

"Anong? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Naramdaman kong nasa panganib ka. Umiikot na ngayon ang ibang knights upang hanapin ang mga kalahok na maaari pang lumaban" usal niya

"Bakit? Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya

"Sa kasalukuyan, pinipigilan ng ibang mga may katungkulan ang pagsugod ng mga Cursed Children, subalit hindi rin ito magtatagal. Kailangan mong umalis dito" saad niya

"Sina Ice! Kailangan ako ng mga kasamahan ko" wika ko

"Papunta na doon ang mga tauhan ko. Huwag kang mag-alala" tugon niya at nagsimulang maglakad

"Pero naroon ang succubus at si Maria. Paano kung maging isa sila sa mga manikin?" pagpupumilit ko

"Maria?"

Ibinaba niya ako at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Anong ginawa sa iyo ni Maria?"

"Nasasaktan ako Acheros" usal ko

"Sabihin mo, may ginawa ba sa iyo si Maria?" tanong niya

"W-wala, subalit kinontrol niya ang mga kasamahan kong kalahok para sila ang magpatayan. Nagalit ang succubus at ngayon nasa panganib si Ice" saad ko

Isang malakas na pagsabog ang nagpahinto sa amin. Anong nangyari? Galing iyon sa itaas kung saan ako nahulog. Ginamit ko ang kakayahan ng lobo upang makakita sa kadiliman. Doon ay nakita kong bumabagsak sina Alius.

"Acheros, tulungan mo ako" wika ko

Bago pa ako makakilos, ginamit ni Acheros ang kapangyarihan ng kanyang ina upang makuha ang apat. Dahan-dahan niya itong ibinaba sa sahig. Kaagad naman akong tumakbo patungo sa kanila. Isinalin ko ang kaunting init sa nanlalamig niyang katawan at nagkaroon na siya ng malay.

"Alius, sina Ice" wika ko pagkagising niya

"Ang succubus, nagwawala ang succubus. Nagkaroon ng pagsabog pagkatapos..."

"Ssh... Ligtas tayo dito" bulong ko at tinapik ang kanyang ulo

Nilapitan naman niya si Kansan at siya ang unang pinagaling.

"Lalaking kumitil sa buhay ng mga kagrupo ko, ialay mo sa magandang babaeng ito ang iyong kaluluwa!" anas ng succubus

Isang malakas na hampas naman sa laso ni Acheros ang natanggap nito. Naalarma ang succubus at napatingin sa gawi ko.

"Ikaw babae ang dahil ng sugat ko sa aking balikat. Ialay mo sa akin ang katawan mo" sigaw niya

Inihanda ko ang ice flame at ang purification water sa aking likuran. Kaagad kong isinawsaw ang bala at pinaputok sa kanya. Itinali naman siya ni Acheros habang patuloy sa pagwawala. Hindi ito matatapos kung hindi ko ito gagamitan ng Cleanse. Tumingin ako sa gawi ni Alius, pagkatapos ay sa ponseras na may lamang karayom na ibinabad sa gamot na pampatulog. Hindi pa gising si Kansan at kasalukyang si Dexter ang kanyang ginagamot. Pinatamaan ko siya ng karayom at tumumba si Alius. Gumuhit ako ng pabilog sa hangin at nagbanggit ng mga dasal itinaas ko ang aking kamay at nagwika,

"Defaeco"

Mula sa sahig ay nagkaroon ng puting pabilog sa paanan ng succubus. Hinawakan ko ang Ice Flame at binago ang itsura nito mula sa baril ay naging espada. Dinasalan ko rin ito at nilapitan ang succubus.

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon