Ikadalawampu't dalawang Kabanata: Assignment

3 0 0
                                    

"Siguro ay panahon na upang buksan mo ang ibang bahagi ng aking shard upang higit mong maintindihan. Ngunit isang babala Leve, maaaring magtagal ka sa mundong iyon"  anas niya

"Magtagal?" paglilinaw ko

"Hindi ako tulad ni First na nagagawang pahintuin ang oras, ang gagawin ko ay ipapahiram ko ang orihinal kong katawan sa iyo upang ikaw ang makaranas ng alaala. Marahil isang mapanganib na bagay sapagkat maaari mong mabago ang nakaraan, subalit ikaw ay ako rin. Naniniwala akong kahit ano pa mang mabago mo roon, siya rin ang mamahalin mo"  paliwanag niya

"Ilang araw akong matutulog?" tanong ko

Ngumiti naman siya at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Hindi lamang araw, depende kung hanggang kailan magtatagal ang soul essence mo" wika niya

"Soul essence?" 

"Ang soul essence ay ang marka natin sa hinihiraman natin ng katawan. Sa oras na kumuha tayo ng panibagong katawan, may maiiwan na soul essence sa katawan nila habang nabubuhay sila sa normal nilang pamumuhay. Dahil sa essence magagawa mong makabalik sa katawang iyon kung nanaisin mo" paliwanag niya

"Kung ganoon, maaari kong balikan ang mga katawang hiniram ko? Paano naman ang mga namatay na?" 

"Ang mga nawala na sa mundo ay hindi na maibabalik pa. Muli silang mabubuhay sa ibang wangis subalit ang marka mo ay mananatili. Dadalas ang mga panaginip mo tungkol sa mga pangyayari sa kanilang buhay at mararamdaman mo na nasa panganib sila. Ganoon ang kakayahan ko Leve. Ito ang tunay na kakayahan natin. Sasabihan mo ba ang kasamahan mo? O maghihintay na lamang akong tanggapin mo ang inaalok ko sa pagdaan ng panahon?" tanong niya

"Nais kong malaman ang tungkol sa iyo. Ang tungkol sa nakaraan nating itinago mo ng ganito katagal. Subalit may mga bagay akong inaasikaso. Marahil ay makakahanap ako ng tiyempo. Sa panahong iyon sana bukas pa rin ang imbitasiyong ito" saad ko

"Leve, hindi ko ipagkakait ang mga alaala mo sa iyo, gayunpaman, nais kong maging handa ka rin dito. Hindi ko alam kung pareho tayo ng mararamdaman kung sakali man, subalit kung may pagkakataon ako, ipinapanalangin ko na sana hindi na lamang panaginip ang lahat at sana'y manatili na lamang ako sa kanya"

Bago pa ako makasagot sa kanya ay nakaramdam ako na may humihigit sa bagay na hawak-hawak ko. Malakas kong hinila kung anuman iyon at nakaramdam ako na may mabigat na nakapatong sa katawan ko. Umikab ako at umunat habang nakapikit. Kinapa ko ang hawak ko kanina at nagtaka, sinubukan kong kumapa pa rin habang pikit ang mga mata ko. Malambot ang tela ng jacket, subalit matigas ang nahahawakan ko. Teka? Buhok ba ito? Ibinaba ko ang kamay ko at naramdaman ko ang hugis ng isang mukha. Idinilat ko ang mata ko at natagpuan ang kamay ko sa pisngi ng gulantang na si Ezekiel. Hinila ko siya papalapit.

"Hindi ko alam na ang junior trainee ko pala ay may lihim na pagnanasa sa akin. Huwag mong palalimin ang mga sinasabi ko. Marami na akong nakitang katawan na mas masarap kaysa sa iyo" bulong ko

Sinilip ko ang kanyang namumulang mukha at humagalpak ng tawa. Hindi ako makapaniwala na may ganitong mukha si Acheros. Haha. Hinawakan ko ang aking tiyan dahil sumasakit na ito. Hindi ko mapigilan ang tawa ko kahit na naluluha na ako.

"Hindi ako nabalaan na manyakis pala ang makakasama ko" malamig niyang wika

"Galit ka ba? Nagbibiro lamang ako" usal ko

Lumabas siya ng kwarto ko bitbit ang jacket niya. HINDI! Ngayon lamang ako nagkaroon ng mahimbing na tulog. Kaagad ko siyang hinabol at hinila ang jacket niya. 

"Hindi na kita guguluhin, huwag lang ang jacket. Sige na, sige na! Ibalik mo ang jacket" pagmamakaawa ko

"Magtigil ka, lalabhan ko lang ito pagkatapos ay isasauli sa iyo kung gustung-gusto mo. Marami pa akong jacket para magtuunan ng pansin ang bagay na ito" saad niya

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon