Ikadalawampu't Limang Kabanata: Aksidente

2 0 0
                                    

Akala ko mawawalan talaga ako ng malay subalit humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan namin ni Zero.

"Hindi ba ginusto mong magpakababa? Ngayon, magiging mababa ka na. Huwag kang  mag-alala, bilang pangalawa sa listahan, sisiguraduhin ko na magiging isa akong epektibong reyna" saad ni Aita

"Lapatangan ka! Ang lakas ng loob mo" sigaw ko pero hindi niya ako narinig

Napansin ko na tinitingnan ako ni Kansan kaya kumaway ako dito. Napatalon siya sa gulat at kaagad binuhat ang katawan namin ni Zero.

"Sandali! Saan mo dadalhin ang katawan ko. Nakikita mo ba ako?" tanong ko habang nakalutang sa ere

Bago pa siya makapagsalita, may isang lalaki siyang nabangga. Walang kahirap-hirap na sinalo ng lalaki ang katawan ko. Napaawang ang bibig ko sa aking nakita. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Buhat ako ni Acheros. Nakasuot siya ng puting magarang kasuotan. Batay sa aking mga nakita sa may pasilyo pa lamang, di hamak na mas magara ito sa mga kawal na may katungkulan. Nasagot ang lahat ng mga tanong ko noong batiin siya ni Kansan.

"Mahal na Emperador, parusahan ninyo po ako sapagkat hindi ako nag-iingat" pakiusap ni Kansan

"Emperador si Acheros? Hindi ko ito nalalaman" usal ko

Napansin ko na lihim akong tinitingnan ni Kansan kaya lumapit ako sa kanya. Nakita ko kung paano tumayo ang mgabalahibo niya sabatok noong hipan ko ito.

"Ang babae... Mayroong naglagay sa kanya ng gamot. Dadalhin ko siya sa kwarto. Sumunod ka sa akin" utos niya

"Anong sinasabi ng Emperador? Hoy!" pagtawag ko at hinawakan si Kansan

Bago pa siya makapagsalita, naglaho si Acheros.

"Sumunod ka na lamang. Mamamatay ako sa takot" sagot niya

Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya at nagbago nakarating na kami sa pasilyo na maraming pinto. Kada pinto ay may isang malaking portrait na kasing laki taas ng pader at kung hindi ako nagkakamali ay ipininta ng kung sino. Marahil ay mga litrato ito ng mga nakaraang emperador at kanilang pamilya. Sa dulong bahagi ay may isang malaking pinto. Kakaiba ito sa lahat ng mga dinaanan namin. Bago pa makapasok si Kansan ay nagsarado na ito.

"Bastos! Hoy! Hindi ba pinasusunod mo kami?" bulyaw ko

Hinampas ako ni Kansan kaya napa-aray ako. Nahahawakan niya ako? Paanong?

"Ikaw ang babae, tama ba? Ngunit hindi ka isang Elvira, paano nangyari iyon?" tanong niya

"Ako ang babae, iba man ang wangis subalit nakakasiguro ako na ako siya. Paano mo nagagawa ito?" tanong ko

"Ako si Suloch, anak ng isang witch. Kakaiba ang mga mata ko dahil nakakakita ako ng mga kaluluwa subalit ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng kaluluwa kahit na humihinga pa ang kanyang katawan" saad niya

"Ganoon ba? Pasensiya ka na rin kung natakot kita. Ako si Asil, isang Elvira. Isa ang pamilya ko sa mga pamilyang pinalad imbitahan ng emperador." pakilala ko

"Ah! Naalala ko na! Ikaw iyong kasama ng babaeng Elvira na nagsabing may nangangailangan ng tulong. Sabihin mo, siya ba ang inyong prinsesa? May ginawa ka bang masama sa kanya? Hay, bilang isang tagasunod, mahirap talaga na magkaroon ng ganoong amo" usal niya at mahinang tinapik ang ulo ko

Ano? Amo? Tagasunod? Ako? Tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko at nagpamewang.

"Sinong tagasunod ang sinasabi mo? Anak ako ng isang Heneral at kakambal ko ang tinutukoy mo!" paglilinaw ko

"Pasensiya na. Napakasimple mo kasing manamit kaya iyon ang pumasok sa isip ko. Iyon pala ang dahilan kung bakit inutusan ako ng emperador na bigyan ka ng gerberas" wika niya

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon