Ikatatlumpu't dalawang Kabanata: Aria

0 0 0
                                    

Matapos ang mga naganap, hindi ko na muling naramdaman ang kapangyarihan ni Eure. Mabuti iyon sapagkat malalagay sa pansamantalang katahimikan ang kaharian sa tubig. Gumamit ako ng Guard array sa buong palasyo at nagtayo rin ng mga Emergency Shield sa oras na masira ang unang layer kahit na imposible, kailangan ko pa ring makasiguro. Sinabi ko kay Aquius na kung hindi niya bibigyan ng basbas na makapasok ang mga hindi nila kalahi ay walang makakasira sa formation. Matapos noon nagsimula na ang paglalakbay ko sa kaharian ng Aria. Tama... Kaharian?

"Anong lugar ito?" bulyaw ko sa paligid

Isa itong gambling house! Hindi kaharian! Nagkalat ang mga bampira at iba pang mga lahi dito na walang inaatupag kundi ang magsugal at pagnanasa. Sa bukana ay maraming nagwawala, nababaliw, lumuluha, at kung ano ano pa. May isang babae ang kumapit sa aking damit. Maputla ang kanyang kulay na tila ba naubusan na siya ng dugo sa pangangatawan at ilang araw na siyang hindi kumakain.

"Pakiusap, bigyan mo ako ng pera! Babayaran kita kapag nanalo na ako," anas nito

Nagulat naman ako noong bigla na lamang sumulpot ang isang bampirang umaaktong butler at kinuha ang babae upang ito ay takutin. Sa takot, naihi pa yata ito sapagkat ang kanyang bistida ay bigla na lamang nabasa. Hindi siya bahagi ng mundong ito. Isa siyang tao. Itinaas ko ang aking kamay upang humudyat na itigil na ang pananakot. Kaagad naman huminto ang bampira at dagliang lumapit sa tabi ko upang alalayan ako sa direksyon.

"Maligayang pagdating sa Aria Kingdom, Madam. Ano ang mga larong inyong napupusuan? Masisiguro ko sa inyo ang isang maganda at malinis na proseso ng pera sa aming kaharian,"

"Tigil," awat ko

Hindi ako pumunta dito upang magsugal. Kailangan kong mahanap ang pinakapinuno sa lugar na ito para makausap. Sa totoo lamang, hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng pagbuo ng imperyo sa paghahanap sa kaluluwa ni Sorrow. Hindi ko rin gusto ang pakiramdam na tila sunud-sunuran lamang ako sa mga kagustuhan ni Zero at dahil sa buhay ko bilang Leve, palaging puno ng pagdududa ang pakakakilanlan sa akin ng mga tao. Ngunit alam ko na ang naramdaman ko sa mga alaala ni Zero ay may katotohanan, at ang pangungulila niya kay Sorrow ay kasing laki rin ng kung paano ako nagdalamhati sa pagkawala ni Acheros.

"Madam?" pagbabalik sa wisyo ng butler sa akin

"Paano ko makakausap ang pinuno ninyo?" tanong ko

"Madam, bagaman ang oras ay hindi importante sa atin bilang elvira at bampira, nais kong ipaalam na ang aming pinuno ay walang sapat na oras upang kausapin ang hindi niya kliyente," paliwanag nito

"Sinasabi mo bang kung hindi ako maglalaro, hindi ako kakausapin ng iyong pinuno?" tanong ko

"Hindi ko man gustong sirain ang inyong ekspektasyon ngunit ang aming pinuno ay mahilig maghanap ng mga kakaibang talento. Kung kaya ang inyong hiling na pakikipagkita ay napakalabo kung hindi kayo magpapakitang gilas."

"Kung ganoon, ako na lang mismo ang hahanap sa kanya," usal ko at pinaglaho ang aking sarili.

Noong makapasok ako sa unang palapag, kumpon ng mga tao ang sumalubong sa akin. Ang mga ingay at halakhakan kasabay ng amoy ng alak ang nagpasakit ng aking ulo. Paano nila natitiyaga ang ganitong uri ng lugar? Napaatras ako noong may sumagi sa akin sa kumpol ng mga tao.

"TSK." singhal nito noong mapatingin sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Normal nang nakadikit sa kayamanan ang kayabangan. Ang pang mamaliliit sa akin dahil sa simpleng kasuotan ni Cecilia bilang Elvira marahil ang  dahilan kung bakit.

Pumitik ako gamit ang daliri at bumaba ako sa isang madilim na palapag. Mas maingay at magulo ang mga tao dito.

"Isang gintong chip para sa malaking tao!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon