Ikadalwampu't Pitong Kabanata: Pagbabalik

3 0 0
                                    

Pinanood ko ang dahan-dahang pagmulat ng mga mata ni Ezekiel. Nahulog siya sa kama dahil sa pagkabigla. Nagpigil naman ako ng tawa at sinilip ang kalagayan niya.

"Hindi dapat ako natutulog sa iyong kama" saad niya

"Kung ganoon naglalakad ka habang tulog" tugon ko at nag-unat

"Ilang araw akong tulog?" tanong ko

"Araw? Mag-iisang buwan ka nang natutulog. Kung hindi ko nga tinitingnan ang iyong pulso, iisipin ko na may kasama akong bangkay" usal niya

"Kumuha ka ng mga assignments kay Ten?" tanong ko ulit

"Hindi ako mabubuhay kung hindi ako hihingi" tugon niya at umupo ng maayos sa sahig

"Magkasama ang account natin. Paanong hindi ka mabubuhay?" usal ko at tiningnan siya na may halong pagtataka

"Iyon nga ang dahilan. Hindi ko maalaala ang pera ko" saad niya

"Nahihiya kang bawasan ang pera ko? Hindi na iyon importante. Makakakuha ulit akong ganoon kalaki" tugon ko at bumangon

Naglinis na ako ng katawan at nag-ayos ng sarili. Walang kwenta ang kwarto ni Willow. Nasa apartment ang lahat ng mga gamit ko. Noong matapos ako si Ezekiel naman ang pinagamit ko ng banyo. Naghanda naman ako ng agahan.

"Hindi mo sinabing nagugutom ka pala. Ako na sana ang nagluto habang naliligo ka. Ang buong akala ko kasi ay aalis kaagad tayo" usal ni Ezekiel na kalalabas lamang ng banyo

Napaawang ang bibig ko. Bakit ba iba ang tingin ko sa kanya? Epekto na ba itong parehong nararamdaman ko kay Acheros at Sorrow? Napailing ako at umiwas ng tingin.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong niya at lumapit

Napaatras naman ako dahil doon. Nakahinga ako noong kukuha lamang pala siya ng toasted bread sa toaster. Tinitigan naman niya ako na may halong pagtataka. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang braso ko. Bakit ang init ng mukha ko. Zero, tingnan mo ang ginawa mo! Zero!

"Bagong ligo ako. Wala akong nakakahawang sakit o kung anuman para layuan mo. Ano bang nangyayari sa iyo?" tanong niya

"W-wala" saad ko

Ikinulong niya ako pader at pinipilit tanggalin ang kamay ko sa mukha. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba ako nahihiya sa kanya? Hindi siya si Sorrow o si Acheros at lalong hindi siya si Eure. Si Eure... Napaluhod ako sa kinatatayuan ko, bagay na mas lalong nagdulot sa kanya ng pag-aalala.

"Ano bang nangyayari sa iyo? Sagutin mo ako" bulyaw niya

Hinawakan ko ang aking leeg. Sariwa pa rin sa alaala ko kung paano patayin ni Eure si Veronica. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit lahat ng mga alaala ng mga hiniraman ko ng katawan ang nangingibabaw? Bakit maging ang mga takot nila ay nararamdaman ko?

"Tama na, itigil mo na! Hindi ko ito ginustong maramdaman! Ayoko na sa mga alaala nila! Tama na" sigaw ko

"Leve... Leve..." pagtawag sa akin ni Ezekiel

"Hindi ko pinili ang ganitong kapangyarihan. Hindi ko ito ginusto. Ang mga alaala nila. Nais kong isauli ang lahat ng ito sa kanila" usal ko

Niyakap ako ni Ezekiel at doon na ako nagsimulang humikbi. Dahil sa biglaan kong pagiging histerikal, nasunog ang aming agahan. Tawa nang tawa si Ezekiel habang ipinapamukha sa akin ang ginawa ko. Hindi ko naman siya pinapansin habang tahimik na nakayakap sa kanya upang hindi ako mahulog sa motor.

"Bakit ang higpit ng yakap mo sa akin? Papatayin mo ba ako?" biro niya ulit

"Sasha Aquamarine, isang manunulat. Noong labinglimang taong gulang siya tumakas siya sa kanyang mga magulang. Kasama niya noon ang boyfriend niya at gustung-gusto niya ang hangin sa tuwing isasakay siyanito sa kanyang motor. Sa parehong gabi, naaksidente sila. Namatay kaagad ang boyfriend niya bago makarating ng ospital. Ilang buwan noong makalabas ng ospital, sinubukan niyang magpakamatay. Nagpatiwakal siya at nalagutan ng hininga" kwento ko

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon