Ikalabing-isang Kabanata: Pagsasanay

1 0 0
                                    

Noong makarating na kami sa kinaroroonan ni Meilin, napanood ko ang galing niya sa pakikipaglaban. Doon ko napagtanto na Ribbon nga talaga ang kanyang kapangyarihan. Isang class D na kapangyarihan, move ability. Nagagawa niyang pagalawin ang mga bagay na nais niya sa tamang konsentrasiyon, ensayo at syempre pagiging isa dito.

"Ina" narinig kong bulong ni Acheros

"Siya ay iyong ina?" tanong ko

Wala sa kanyang edad ang pagkakaroon ng anak. Hindi ba kasing edaran niya lamang si Eure? At kung totoo ngang kasing edad ko lamang si Acheros, ibig sabihin, limang taon lamang ang agwat ng kanilang edad? Noong may mabasa akong libro tungkol sa sexual reproduction, imposible ang bagay na iyon. Paano magkakaroon ng anak ang isang limang taong gulang na bata? O marahil ay ampon si Acheros? Tama! Hindi ako maaaring magkamali.

"Binibini, itigil ninyo ang pag-iisip ng ganyang bagay. Ang aking ina ay aking dugo at laman. Hindi niya ako pinulot kung saan-saan" saway ni Acheros

Biglang tumawa si Meilin. Naiintindihan niya ba na nag-uusap kami gamit ang aming isipan?

"Halata sa mukha ng young lady na nalilito ka. Ipagpaumanhin, ibabalik ko na sa dati ang aking wangis" saad niya

Pinalibutan siya ng kanyang mga laso at noong maglaho ang mga ito, bumuluga sa akin ang isang Meilin na tila kasing edaran nina mama at papa. Paano niya nagagawa iyon?

"Ang aking asawa ay isang Illusionist, si Second. Anak namin si Acheros kung kaya huwag mo sana siyang pagdudahan, young lady" nakangiti niyang wika

Napaawang ang bibig ko noong marinig ko ang sinabi niya. Napatingin ako kay Heron. Binanggit niya nga ang tungkol sa third noong tinanong ko kung nasaan si Meilin. Tumawang muli si Meilin. Kaagad naman akong sumaludo sa kanya.

"Ipag-umanhin ninyo ang aking kalapastanganan, Third. Hindi ko kaagad kayo nakilala" paumanhin ko

"Tanggalin mo na ang pormalidad. Ang iyong ama at ina ay malapit sa akin kaya ganoon ka rin. Isang karangalan ang mapaglingkuran ko ang anak ni First" nakangiti niyang wika

Nagsimula na ang pagsasanay dahil sa aking pakiusap. Madali lamang ang mga pinagagawa sa akin na nakakaantok at sadyang nakakainip. Sa tuwing makakatulog ako, himahampas ni Acheros ng papel ang aking ulo. Ang unang ensayo ay tungkol sa konsentrasiyon. Sunod naman ay ang kontrol at tibay ng pangangatawan ko. Noong magdapit-hapon na ibinagsak ko ang sarili ko sa damuhan dala na rin ng pagod.

"Hindi pa nagsisimula ang pag-eensayo, pagod ka na kaagad?" tanong ni Acheros habang ididikit sa ilong ko ang bulaklak ng hindi ko alam na damo

Sinusubukan ko iyong hulihin dahil makati sa ilong subalit mabilis niya iyong inaangat at ibinabalik muli. Nagpanggap akong susuko na upang hintayin ang tamang pagkakataon. Marahil ay nagulat din siya dahil naramdaman ko ang daloy ng kapangyarihan niya noong mabilis niya iyong itinaas.

"Hindi mo inaasahan iyon" nakangiti kong wika

"Sinadya ko lamang ito" usal niya at humiga rin sa tabi ko

"Hindi mo siguro naranasan ang mapunta sa Agency. Anong uri ng mga magulang sina Meilin?" tanong ko

"Kung paano itrato ng normal na magulang ang kanilang mga anak" sagot nito

"Nagmana ka siguro sa iyong ama, masyadong masayahin si Meilin para sa ganyan mong pag-uugali" pagpuna ko

Hindi siya sumagot kaya nagtaka ako. Noong tumingin ako sa gawi niya napansin ko na nakatitig din siya sa akin.

"May gusto ka bang sabihin?" tanong ko

"Ang tungkol sa kasal. Kung ako ba ang tatayo sa dapat posisyon ni Eure, hindi ka na malulungkot?" tanong niya

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon