Ikadalawampu't Siyam na Kabanata: Equesha

4 0 0
                                    

Noong imulat ko ang aking mga mata, hindi ako nagkamali. Binawian na nga ng buhay si Azalea. Inuutos ko sa tubig na dalhin siya sa ibabaw. Hahayaan ko munang isa akong kaluluwa. Bagaman alam ko na ang katotohanan, hindi ko pa din maiwasang magalit sa babae sa aking harapan. Wala pa ring malay si Ezekiel.

"Huwag kang mag-alala, tayo mang dalawa lang ang nakakatagal sa infinite pool hindi siya mamamatay"

"Dala ko ang emperador ng Equesha, kailangan na naming magtungo doon. Wala akong panahon sa pag-uusap ko kung anumang paghingi mo ng tawad sa akin" usal ko

"Nagising na ba siya?" tanong ni mama

"Matagal nang gising si Cecilia, First. Pero hindi ibig sabihin noon, kakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin bilang Leve" tugon ko

"Leve, naiintindihan ko ang galit na nararamdaman mo ngunit hindi siya magigising kung hindi niya nakuha ang kompletong shard. Noong maglaho ang Axia, nawala rin ang shard sa loob ko. Doon pa lamang hindi na sa akin ang lahat ng sisi" malamig niyany usal

"Hindi si Leve ang kinakausap ko kundi si Cecilia! Nangako siyang hindi niya babawiin ang shard kay Fourth. Sinabi niya sa akin na ayos lamang kahit hindi na siya makabalik sa mundo basta maging masaya ako. Tinanggap ko ang lahat ng sisi dahil akala ko ikaw pa rin iyan, Leve, anak ko. Ngunit hindi ko matatanggap na nasa pagkatao mo rin ang malanding Cecilia na iyon. Sinira niya ang buhay ko. Sinira niya ang masayang kamatayan ko" saad ni First at sinakal ako

Sinubukan kong magpumiglas subalit hindi ko magawa.

"Leve, kung sa taon ng buhay ang bibilangin, mas marami akong kaalaman kumpara sa iyo kaya kahit anong pilit mong umalpas, hindi mo magagawa. Ako ang iyong ina kaya alam ko na hindi pa siya tuluyang nagigising. Makinig ka, ang babaeng nahihimlay sa loob mo ay isang makasarili at walang kwentang Elvira. Sinira niya ang buhay ni mama at sinubukan niyang ahasin ang iyong ama. Sabihin mo nga sa akin, saang banda mo ba sinisi ang isa mo pang pagkatao? Kailan mo ba naisip na kung hindi dahil sa shards na ibinigay mo, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Hindi ko na sana kailangan pang mabuhay ng mahabang panahon at makulong sa infinite pool na ito. Hindi ko na sana nakilala si Fourth at nasasaktan sa mga oras na ito. Leve, walang ginawa si Zero. Walang ginawa si Cecilia kundi punan ang pagiging makasarili niya. Hindi niya kayang mag-isa kaya sinisira niya ang buhay ng ibang lalapit sa kanya. Naiinitindihan mo ba ako? Kung hindi ko nakilala si Cecilia, hindi na sana mangyayari ang lahat ng ito" sigaw niya sa akin at namula ang kanyang mga mata

"Hindi ko na sana kailangang maging bampira at magdusa sa walang kamatayang lugar na ito. Ayoko siyang mawala dahil gusto kong pareho naming pagdusahan ang lahat ng mga bagay na nangyayari dahil sa kagagawan niya. Leve, hindi ko ginustong madamay ka dito pero dahil sa desperadang babaeng iyan, nararamdaman mo ang sakit at paghihirap kagaya ko"

Niyakap niya ako. Tama siya. May kinalaman nga si Zero sa lahat ng ito. Sa shards niya nagsimula ang lahat ng mga nangyayari ngayon. Hindi lang dapat si First ang sinisisi ko kundi ang nakaraang ako. Pagkatapos ngayon, ginagawan ko pa siya ng pabor. Para saan? Para makita niya ulit na umangat ang buhay ng kanyang emperador. Emperador...

Nadudurog ang puso ko sa tuwing maaalaala ko na si papa at si Acheros ay kinailangang mamatay para ako naman ang mabuhay. Kinailangan ko ang shards upang ganap na magamit ko ang tunay na kapangyarihan ni Zero. Samakatuwid, kung nagawa ko noong makatakas, malaki ang tiyansa na hindi ko kailanganin ang shards. Kung nangyari iyon, sana buhay pa rin hanggang ngayon sina papa at Acheros.

Napansin ko ang pamumuti sa buhok ni Ezekiel. Naramdaman ko ring nanigas sa kinatatayuan niya si mama. Marahan ko siyang itinulak upang kunin si Ezekiel. Hindi na niya kaya ang pwersang ibinibigay ng infinite pool. Bago ko pa maalalayan si Ezekiel, itinulak ako ni mama.

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon