Ikalabing tatlong Kabanata: Grupo

3 0 0
                                    

Maaga akong nagising dala na rin ng agos ng kaligayahan sa akin. Ito na ang araw ng pagsusulit. Sa paaning paraan kaya susubukin ang aking galing? Nag-unat muna ako upang makondisiyon ko ang aking pangangatawan. Hinatid ako nina papa sa barracks at napansin ni papa ang hindi mapagsidlan kong tuwa. Kinuha ni Josef ang numero ko at sinabi na pumunta na ako sa gitna. Mamaya raw ay sasabihin na sa amin ang mga panuto ng laro.

"Galingan mo!" paalam niya

Ngumiti naman ako at sumaludo sa kanya. Pumunta na ako sa gitnang bahagi at napansin ang mga kabataang nasa edad 8 hanggang 10 na nakaporma sa balangay. Samantalang kami namang nasa labing-isa pataas ay may kanya-kanyang lugar. Gumilid ako dahil parami nang parami ang mga pumupunta sa gawi ko. Napakarami palang hindi pinalad noon sa kanilang pagsusulit. Dahil tinuruan ako ni Acheros na itago ang aking aura, hindi ako pinagtutuunan nang pansin. Ito ang plano sa simula pa lamang, ayokong kumuhang atensiyon ng iba.

Pinagmasdan ko ang buong paligid ng arena. Nakita ko sina papa na nakaupo sa isa sa mga balkonahe sa itaas. Halata pa rin ang respetong ibinibigay sa kanya kahit binitawan na niya ang kanyang posisyon sa militar. Sa kabilang panig naman ay sina Ten at ang ilang staff sa loob ng agency. Naririto siguro sila para panoorin ang mga specimen nila na makipaglaban. Naririto rin siguro sila upang pag-aralan ang mga nasa edad kong giftless na bumalik ang mga kapangyarihan. Naikuyom ko ang aking kamao.

"Kahit na anong isipin mong paraan para tapusin ang kahayupang ginagawa nila sa atin, hindi mo iyon magagawa" wika ng lalaking umupo sa aking tabi

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo sa bagay na iyon" saad ko at tinitigan siya

Ginamit ko ang scan ability ko upang malaman ang pagkakakilanlan niya. Base sa mga datos, baguhan lamang siya dito. Limang buwan lamang ang ipinamalagi niya sa agency. Light ability, agility. Hindi ganoong kalakas, subalit magagamit sa pagtakas o isang biglaang pag-atake. Hindi ko alam kung may kakayanan siya sa pakikipaglaban pero kung mayroon, siya ang pinakamahirap makalaban kung hindi ko gagamitin ang aking kapangyarihan.

"Ako nga pala si Kansan. Anong pangalan mo?" tanong niya

Pinag-aralan ko ang kanyang mukha, kayumanggi ito, matangos ang ilong at mahahaba ang kanyang pilik-mata. Kung hindi siya umiibo marahil mapagkakamalan siyang isang lalaking manika na nakaupo sa tabi ko. Magtitiwala ba ako sa kanya? Bago ko pa abutin ang kanyang kamay, nagsalita na si Acheros ng mga mangyayari sa loob ng arena.

"Ang mga numero ninyong hawak kanina ay binola na at nabunot. Hahatiin kayo sa grupo na may limang miyembro. Bibigyan kayong sapat na oras upang sila ay makilala ninyo at saka kayo indibidwal na pagsasagutin sa mga nakahandang mga tanong. Habang isinasagawa ang pagsusulit sa talas ng isipan, ang mga nakabalangay nama'y magsisimula sa palakasan. Kung wala na kayong tanong, sumaludo kayo at atomatiko kayang isasama sa inyong mga kagrupo" paliwanag niya

May isang babaeng tumaas ang kamay upang magtanong. Kung ganoon hindi lamang pala ako ang nag-iisang babae sa kumpol ng mga kalalakihang ito. Sinimulan kong magmasid sa paligid at kung hindi ako nagkakamali, isang kapat sa bilang ng mga lalaki ay ang bilang ng mga babae, kaunti man subalit sasapat. Hindi na importante iyon sapagkat mas mahalaga sa akin na magkaroon ng kagrupong maaasahan sa mga direktang labanan.

"Hangad ko na mapasama sa iyong grupo" nakangiting paalam ni Kansan at inilagay ang kanyang kamao sa dibdib

Naglaho siya sa harapan ko ganoon din ang iba. Teka? Anong itinanong ng babae kanina? Tumingin ako kay Acheros na nakatingin din pala sa akin.

"Mag-iingat ka" saad niya sa aking isip

Sumaludo ako at unti-unting nagbago ang itsura nang paligid ko. Lahat  ng bagay sa paligid ko ay kulay puti, sa sofa, nakaupo ang tatlong tao. Kung ganoon, isa na lamang pala ang hinihintay. Kumaway sa akin si Kansan. Nakahinga ako ng maluwag. Sana ay tama ang hinala ko na may alam siya sa pakikipaglaban. Sa tabi niya ay dalawa may pa. Ginamitan ko rin sila ng scan upang malaman ang kanilang kapangyarihan. Ang isa na sa wari ko'y pinakamalaki sa amin ay shield ability samantalang ang isa naman ay healer. Isang class B na kapangyarihan, nabibilang siya sa secondary. Lihim akong napangisi. Mukhang magagawan ng paraan ang grupong ito.

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon