Ikalabing-anim na Kabanata: Heldrick's Carnival

3 0 0
                                    

Ipinaliwanag sa akin ni Kansan ang gagawin. Nahuli na pala kami ng dating ni papa dahil ngayon ay naghihintay na lang kaming tawagin. Sinabi sa akin ni Kansan na papasok kami sa iba't ibang pintuan depende sa ibinigay ng Knights. Pagkatapos ay susubukin ang lakas namin at ang pagkakaisa bilang isang grupo. May mga paalaala rin na huwag kaming pagala-gala at huwag puntahan ang mga sinabi nilang hindi maaaring pasukin. Bukod pa rito, may mga flags na nakakalat sa paligid ng karnibal. Sa huling oras ay palalabasin kami at ang unang hahanapin ay ang flag ng bawat isa. Kung hindi ka nakakuha, bagsak ka sa pagsusulit.

Pakli naman akong napatawa sa mga sinabi niya. Isa itong laro na susubok bilang isang grupo subalit kapag natapos ang araw, magkakalaban din pala kami tungkol sa mga flags na iyon. Napansin ko na may bitbit si Dexter na flag kaya itinanong ko kung para saan ito.

"Ito ang nagsisilbing palatandaan na kasali pa rin tayo sa pagsusulit. Sa oras na mawala ito sa grupo kahit na kompleto tayong may mga flags, hindi ito bibilangin. May kakayahan din itong magligtas ng ating kagrupo kung sakaling hindi siya makakakuha ng sarili niyang flag" paliwanag ni Alius

Napatango naman ako. Ilang saglit pa ay tinawag na kami.

"Napapadalas yata ang pagkikita natin, machine doll?" bati ni Josef

"Cub, mas matutuwa ako sa pagkikita natin kung naroroon ang magandang binibini sa iyong bawat pagbati" buska ko

Napansin ko naman na namula siya kaya hinampas ko ang balikat niya. Nakakuha ako ng atensiyon dahil nagsitinginan ang mga kapwa ko kalahok sa gawi namin.

"Korporal, dapat kang mag-ingat. Kani-kanina lamang may gagambang kumapit sa iyong balikat" wika ko at tumawa

Kaagad akong pumasok sa loob dala nang kahihiyan. Nakalimutan ko na may ranggo nga pala siya.

"Kakilala mo rin ang korporal?" tanong ni Kansan

"Matalik na kaibigan iyon ni Eure..."

Napaubo naman ako dahil nadulas ang aking pananalita.

"Ng sarhento noong magkakasama kami noon sa barracks" paliwanag ko

"Masuwerte ka pala dahil marami kang kilala sa itaas kahit na giftless ka" saad ni Dexter

"Hindi ko sila gagamitin para umangat. Ang mga bagay na kinuha ko lamang ng ganoon kadali ay madali ring mawawala sa akin" tugon ko

Sa dulo ng landas na aming tinahak ay may tatlong pintuan. Sa dalawang ruta ay iniluwa ang iba pang mga kalahok. Nagulat kami dahil bigla na lamang naglaho ang nilabasan namin. Nagsimulang umugong ang mga bulung-bulungan.

"Masdan ninyo ang pagkakataon, ang mga langgam na hangal ay nakasagupa natin" giit ni Nestor

"Kamusta?" nakangiti kong bati sa kanila

"Ibigay ninyo na lamang sa amin ang inyong watawat at nakasisiguro akong hindi kayo masasaktan" saad niya

"Nagkakamali ka yata, ibigay ninyo sa amin ang sa inyo bago namin kayo saktan" nakangiti kong tugon

"Ah... Pakiusap, huwag tayong magtalo" pag-awat ng isang babae

Isa siyang shape shifter, nag-aanyong ibon kung gugustuhin. Bukod doon, wala na siyang ibang kayang gawin. Nakapag-scan na rin ako sa iba naming mga kasama. Dalawang may mental ability, telekinesis saka manipulation sa grupo ng babae. Anim ang Strength type, dalawang agility sa grupo ni Nestor, si Nestor ay Transform kung saan pinapalaki at dinodoble nito ang lakas ng bahagi ng kanyang katawan na nais niya. May isa rin na kagaya ng kay Papa subalit mahina ang energy niya at mabilis mapapagod kung gagamitin. At ang huling strength type ay Jump na nasagrupo rin ni Nestor. Kaya pala malalakas ang loob nila ay dahil puro sila strength ability. Samantalang ang natitira pang dalawa sa grupo ng babae ay Protection na kagaya ng kay Dexter at isang Illusionist, kung ano ang kaya niyang gawin ay hindi ko pa masasabi.

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon