Ikalabingsiyam na Kabanata: Paggising

4 0 0
                                    

Mabilis umagos ang panahon sa akin subalit ang sakit na dulot nito ay tila kahapon lamang. Nagising ako sa puting kwarto na may nakasisilaw na liwanag. Isang bagong mundo para sa akin kung saan wala ang dating atmospera ng Axia. 

"Nagising na ang pasyente!" sigaw ng isang babae sa puting uniporme

Nag-run ako ng isang simple scan sa buong perimeter. Hindi na ito ang Axia sapagkat ang tunay na Axia ay naging abo na dahil sa batang babaeng iyon. Hinawakan ng babae ang kamay ko. 

"Miss, masaya ako na nagising ka" bati niya

Sinubukan kong ibuka ang aking bibig subalit walang boses ang lumabas doon.

"Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat" nakangiti niyang wika

Nanlaki ang mga mata ko sa mga katagang binitiwan niya. Noong naganap ang malaking pagsabog sinubukan kong iligtas ang mga kasamahan ko pero ang pwersa ng batang babae ay nagpira-piraso sa lahat ng proteksiyong nagawa ko. 

"Leve, lumipad ka lang at huwag kang titingin sa baba" bulong sa akin ni Kansan

Binitiwan niya ang kapit sa akin pero nahagip ko pa ang kanyang kamay. Napatingin ako sa kanyang paanan. Naglaho na ito. Pumatak ang mga luha ko subalit nagawan niya pang suklian iyon ng pinakamaaliwalas na ngiti.

"Leve, hindi ba sabi ko huwag kang lilingon. Hanggang dito na lamang ako. Alagaan mo ang sarili mo" saad niya 

Sumabay sa hangin ang kanyang abo. Napahiyaw ako sa sakit na nararamdaman ko. Kansan, Alius, Dexter, Ice, papa. Nagulat ako sa kamay na humigit sa akin upang lumipad pa ng mas mataas.

"Acheros" usal ko

"Hindi ka pwedeng sumuko, Leve" wika niya

Nagulat ako noong bigla siyang pumaibaba. Napatakip ako ng aking bibig. Hinarangan niya ang isang gintong sibat. Marami pang sumunod dito subalit ibinuka niya lamang ang kanyang pakpak at niyakap ako. Napahagulgol na lamang ako sa mga pangyayari. Hindi ba parang kahapon lang ang saya-saya ko kasama sila. Parang kahapon lamang nag-eensayo ako kasama sina Meilin at dinadalaw ni Acheros. 

"Huwag kang mag-alala, Leve. Magiging maayos din ang lahat. Magigising ka rin sa bangungot na ito, sa ngayon ay ang kailangan mo lamang ay lumipad ng mataas." bulong niya

"Hindi ko kaya Acheros. Hindi ko... Hindi ko kaya" bulong ko

"Magagawa mo Leve, makakaya mo iyon" usal niya at may ibinigay sa palad ko

"Dalawampung taon na ang nakakalipas noong ibigay sa akin ni Zero ang ikalawa sa huli niyang shards. Pinili niya ako upang kolektahin ito sa susunod na Zero. Leve... Mabuhay ka para sa aming lahat at para sa unang Zero" giit niya

Itinulak niya ako pataas samantalang siya naman ay bumulusok pababa. 

"ACHEROS!" sigaw ko

Hindi na ako makakita ng maayos dahil sa mga luhang bumabagsak sa aking mga mata subalit nahagip nito ang isang ngiti sa kanyang mukha. Sumikip ang dibdib ko. Bakit ba lahat ng minamahal ko bigla na lamang akong iniiwan? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Nakita ko si mama sa ibaba habang tumatawa ang tinawag nilang Aitathea. Muling lumutang sa ere ang batang babae at hinabol ako. Ibinuka ko ang aking pakpak at inihampas ito sa hangin para mas mabilis akong maakyat sa itaas subalit naglaho siya sa aking harapan at naramdaman ko na lamang ang pagkapunit ng aking pakpak sa laman ng aking likuran.

"You can't escape, mother told me no one will be kept alive" 

"LEVE! LEVE, TUMAKAS KA NA!" sigaw ni mama subalit huli na ang lahat

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon