Ikalabingpitong Kabanata: Teatro ng mga Manika

3 0 0
                                    

Noong makaapak kaming lahat sa kwarto ay naglahong muli ang pintuan. Kasunod nito ay ang pagbubukas ng dalawang ruta sa magkabilang panig. Halata ang pagod sa kanilang mga kilos at ang ilan ay sugatan. Binulungan ko sina Alius na magpanggap bilang mga manikin at humalo sa paligid. Tumango naman sila. Nagsimulang maglibot ang dalawang grupo.

"Ano naman kayang kapahamakan ang dulot ng lugar na ito?" tanong ng isang lalaki

Strength type din siya, Sword Dance. Kasanayan sa espada ang kanyang kapangyarihan at kung hindi ako nagkakamali, may tatlong kulay ng espada sa loob ng kanyang katawan na humahalo sa kanyang enerhiya. Nagagawa ito nina Ice at magagawa ko rin ang bagay na ito sa Ice Flame kaysa bitbitin ko ito subalit mas nais kong panindigan na wala akong kapangyarihan.

"Nasaan na ang isang grupo?" tanong ng isa pa

Mental ability, Memory. Hindi ko alam kung may pakinabang ba siya sa mga ganito. Ang alam ko ay nanatili ang kapangyarihang ito sa akin kahit nawala ang lahat. Mabilis ako sa memorisasiyon at naaalaala ko ng detalyado ang mga bagay na unang beses ko pa lamang nakita. Huminto ang class E, succubus, sa aking harapan. Hindi ko gusto ang titig niya sa akin at nagsisimula nang manindig ang aking balahibo. Inakbayan niya ako at ipinasok ang nakakadiri niyang kamay sa loob ng damit ko upang hawakan ang dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ni Kansan at Dexter sa nakita nila samantalang umiwas ng tingin si Ice.

"Mukhang nauna na sila dito, sayang ang binibining ito. Kung sakaling nakuha ko ang kaluluwa niya, maaari ko siyang sanayin bilang succubus" wika nito

Nakahinga naman ako nang maluwag noong talikuran na niya ako. Napansin kong namumula sina Kansan. Sinamaan ko sila ng tingin. Lapastangan na succubus, hindi mo man lang inayos ang damit ko. Kaagad namang umiwas ng tingin sina Kansan. Nagsimulang umibo ang kinatatayuan namin. Lumutang kami sa ere. Isang babae na may magarang kasuotan ang lumabas mula sa gitna. Inilapit niya ako sa kanya at inayos ang suot-suot ko. Napansin ko ang maninipis na sinulid sa paligid. Ang ilan ay nakakapit na sa ibang grupo.

"Walang galang, sino kayo upang pakialamanan ang aking mga anak?" tanong niya at ipinulupot ang matigas niyang kamay sa aking baywang

Manika? Isang manika ang babaeng ito at may kaparehong pakiramdam ako sa kanya noong makita ko si Acheros. Parang hinihila ako papalapit sa kanya at tunay ang pamilyaridad ko bagaman ngangayon ko pa lamang siya nakita. Hinaplos niya ang aking pisngi.

"Ang aking obra maestra, padadaliin ko na lang sana ang mga magaganap subalit masiyado kayong pakialamero" anas niya

Mula sa kanyang mga daliri, lumabas ang sinulid at dumikit sa aking mga labi. Nagsimula iyong bumuka at magsalita.

"Ang larong ito ay tinatawag na teatro. Ang mga karakter ay kayong mga tao. Nais naming mapanood ang inyong pag-akto o magiging isa rin kayong katulad ko" wika ko na tila nagawa niya akong manipulahin

"Kamusta? Kay tagal na noong huli tayong magkita, hayaan mong tulungan kita. Sa bagay, ang buhay ko'y utang sa ito" wika niya sa aking isipan

"Paano mo nagagawa ito?" tanong ko

"Batid kong nasabi na sa iyo ni Acheros ang tungkol kay Zero, isa ako sa mga nabigyan ng kanyang shards. Hindi niya yata nabanggit, malalim ang koneksiyon natin sa isa't isa" paliwanag niya

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon