Ikadalawampu't Walong Kabanata: Halimaw

3 0 0
                                    

Mahina ang katawan ni Azalea, hindi ko maaaring gamitin ang katawan niya para iligtas si Ezekiel. Kung susubukan ko namang gamitin ang daluyong baka madamay si Ezekiel doon at anurin pailalim. Kung tatalon ako ngayon, walang kasiguraduhan ang buhay ni Azalea. Anong gagawin ko? Bahala na. Tumalon ako sa tubig at mabilis na lumangoy patungo sa walang malay na si Ezekiel. Gumawa ako ng isang malaking bula upang doon kami makahinga. Sa madilim na bahagi ng tubig natanaw ko ang isang malaki at makaliskis na halimaw.

"Matakot ka, halimaw. Ang nakatayo sa iyong harapan ay..."

Bago ko pa tapusin ang aking pagsasalita ay hinampas niya ulit kami ng kanyang buntot. Tampalasan! Pinapakulo mo ang aking dugo. Gumamit ako ng kapangyarihan upang hadlangan ang kanyang paroroonan.

"Kausapin mo ako, halimaw!" sigaw ko dito

May kakayahan akong makaintindi ngmga hayop o halaman. Marahil wala itong pinagkaiba sa kanya. Maaaring alam niya kung nasaan ang aking katawan.

"Hindi na namin gagambalain ang iyong teritoryo sa isang kondisyon" dagdag ko

"Anong karapatan ng isang tagalupang gaya mo na magbigay ng kondisyon?" saad nito

"Ang aking katawan ay nasa ilalim nito, ilang taon na ang nakakalipas. Nais kong bawiin ito. Iyon lamang ang pinunta namin. Wala kaming ibang kukunin kundi iyon" giit ko

Nabigla ako sa pagsulpot ng dambuhala niyang mukha sa harapan ko. Isang dragon sa ilalim ng karagatan? Kung ganoon totoong may halimaw na nakakubli sa ilalim ng Axia?

"Isa ka rin sa kanila" saad niya at inikutan kami

"Isa ka rin sa mga tagalupang nagkulong sa akin dito sa ilalim"

"Nababasa ko ang iyong isipan. Nababasa ko ang lahat. Hindi ako kagaya ng ibang mga halimaw na kilala mo. Nabububay na ako bago pamagsimula ang buhay sa mundong ito"

"Alam ko ang mga hindi mo alam at ang mga kasagutan sa iyong isipan. Ang iyong katawan ay matagal nang naagnas, wala ka na ditong babalikan"

"Alam kong mangyayari iyon, subalit may iba akong paraan. Hindi ko susukuan ang sa akin"  tugon ko

"Manganganib ka lamang ang iyong kasamahan kung magpupumilit ka. Hindi iyan ang iyong katawan kaya natatakot ka sa maaaring kalabasan. Huwag kang sumugod sa digmaan na wala kang paninindigan"

"Mas mahalaga ang katawan ko kaysa sa katawang hinihiram ko" anas ko

"Matalim na pananalita, subalit masdan. Ang iyong tuhod na nanginginig na noong ako ay magpakita"

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon