Ikapitong Kabanata: Elvira

5 0 0
                                    

Time weaver? Tama! Dinala mo ako sa panahon mo, pagkatapos ay tatanungin mo ako kung ano ang pakay ko dito? Bago pa ako magbigkas ng kasinungalingan, nagbago ang anyo at disenyo ng sasakyan. Naging isa itong magandang karwahe na kung pagbabasehan ko sa itsura nang loob ay tila isang buko ng bulaklak.

" My dear guest, it's been a while since you visit my kingdom" usal ng isang lalaking may nakakatawang damit

"Cut the chase, Leroy. Where is my husband?" sagot naman ni First na may halong pandidiri sa lalaki bagaman tinatago niya iyon sa kanyang ngiti

"Husband? You can't marry anyone... my goddess, the Asilthea" tugon naman nito at yumuko upang magbigay-galang

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila subalit nakikita ko sa mga mata ng  lalaki ang pagnanasa. Sinubukan kong gumawa ng atraksiyon sa pamamagitan nang pagpapanggap kong nawalan ng balanse. Nagulat ako dahil nahawakan kaagad ako ng tagapagmaneho ni First. Napakabilis niya. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Anong kapangyarihan niya? Bago ko pa siya maitulak nakaramdam ako ng elektrisidad sa buo kong katawan. Electricity. Lightning? Napaatras ako at inayos ang aking sarili. Hindi nila maaaring malaman na nalalaman ko ang kapangyarihan nila sa tuwing mahahawakan ko ang balat nila. Kaagad naman akong dumikit kay First. 

"Hindi mo kailangang mag-alala, habang kasama mo ako, walang mangyayari sa iyong masama" bulong ng First

Binitiwan ko naman ang braso niya na hindi ko namamalayang hawak ko na pala. Hindi ko pa lubos na nakokontrol ang kapangyarihan ko kaya kailangan kong mag-ingat upang hindi masaktan ang mga inosente kung sakali mang gamitin ko ito. 

"Siya si Leroy, isang Elvira" pakilala ni First habang nauunang maglakad ang manyakis na kausap namin kanina

Pinagmasdan ko ang bilugan niyang pangangatawan at ang nakakatawa niyang kasuotan. Bagaman ganoon, nararamdaman ko ang otoridad sa kanyang katauhan. Marahil isa siya sa mga maharlika sa lugar na ito o di naman kaya ay opisyal. May itim na aura ang bumabalot sa kanya. Isang mapag-imbot na tao, marahil ay nakarating siya sa kanyang kinalalagyan ngayon dahil sa masasamang pamamaraan. Umaalingasaw sa kanya ang mga dugo at hindi matahimik na kaluluwa, hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya man lang iyon nararamdaman. Masiyado na iyong makapal para mapansin ng iba kung kaya halos lahat ng mga katulad niyang may mahaba at patulis na tainga ay nilalayuan siya.

"Mapapahamak ka lamang dito, First" bulong ko

"Kilala mo ako? Kung ganoon ako ang pakay mo?" tanong niya habang nakangiti

Huminto siya sa paglalakad. Sumenyas siya na mauna na lamang sila at sumunod ang mga ito. Ikinumpas niya ang kamay niya sa hangin at saka nagwika,

"Sabihin mo, ikaw ba ang pinadala ng aking panaginip upang balaan ako?" tanong niya

Hindi ako nakapagsalita at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Isang bagay lamang ang natutunan ko sa mga nangyayari sa akin ngayong araw. Kung mangingialam ka ng mga alaala o magbabasa nito, huwag si First ang babalakin mong biktimahin. Masiyadong komplikado ang pag-iisip ni First para sa isang normal na tao, isang bagay na siguro ay may pakinabang sa mga time weaver na tulad niya. Teka? Siya lang yata ang time weaver na kilala ko o baka siya lang talaga ang time weaver sa mundo?

"Ilang ulit nilang sinasabi na huwag ako pumunta kung sakali mang dumating ang oras na sabihin nilang nasa panganib ang mahal ko" dagdag niya pa

"Bakit tumuloy ka pa rin sa halip na pakinggan ang sinabi nila?" tanong ko

"Sapagkat ang bata sa aking sinapupunan ay makukulong lamang din kagaya ko. Mas gugustuhin ko pang kamuhian niya ako dahil iniisip niyang pinabayaan ko siya kaysa makasama ko nga siya subalit tila napakalayo niya sa akin." nakangiti niyang sagot

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon