Ikadalawampung Kabanata: Assassin

4 0 0
                                    

"Leve, nasa posisyon ka na ba?" tanong ni Ten

"Aye, ang kalaban ay nasa lokasyon ayon sa napag-usapan. Utos na lamang ang hinihintay" usal ko sa Eargear

"Fire" tugon niya sa kabilang linya

Huminga ako ng malalim at pinaputok ang Ice Flame. Tinamaan sa ulo ang target at kumalat ang dugo nito sa sahig. Naghiyawan ang mga taong nakapaligid sa kanya at nagkagulo sa loob ng hotel.

"Ang misyon ay matagumpay" wika ko

"Bumalik ka na sa agency" utos nito at pinatay ang tawag

Ako si Eleven, Leve ang tawag nila sa akin. Limang taon na ang nakakalipas, naglaho ang lahat ng mga taong mahalaga sa akin. Nagising ako sa ospital at nalaman ko ang kakayahan ko bilang Zero. Nagagawa kong angkinin ang buhay ng isang taong hindi ko kakilala maging ang mga alaala nila ay nakamarka sa akin na tila ba ito ay talagang sa akin. Anong nangyayari sa kanila? Hindi ko rin alam dahil naglalaho sila sa aking harapan. Matapos ang ilang buwan, namatay ang una kong katauhan, si Veronica, dahil sa lalaking minahal niya na kamukhang-kamukha ni Eure. Doon ko nalaman na ang panaginip kong sinasakal ako ng isang lalaki ay nagkatotoo. Premonition. Nagpasalin-salin ako sa iba't ibang nilalang hanggang sa natagpuan ko ang iba pang mga gifted at nakopya ang kanilang mga kapangyarihan. Ang kanilang kakayanan na natutunan nila sa matagal na panahon, nagagawa ko na kaagad sa unang subok pa lamang.

Matapos ang ilang mga tests, nakilala ko si Ten. Siya ang aking kababata na itinanghal na pinakamalakas subalit naging kahinaan ang panahon kaya sa murang edad ay naging punungguro ng Axia. Noong una, hindi niya ako nakilala at aksidente niya ring napatay ang katauhan ko dahil sinabi niyang hindi na raw pinag-uusapan sa agency ang tungkol sa naglahong Axia. Noong magtagal, naniwala na siya sa akin. Doon ako nagpakilala bilang si Eleven. Ikinuwento ko sa kanya ang tunay nangyari sa Axia maliban na lamang ang pangingialam ng mga taga-Equesha. Hindi ko rin binanggit si Heldrick sapagkat nalaman ko kay Zero na ang Arian kung nasaan ang karnibal ay hindi bahagi ng District E kundi ng Equesha.

Sinabihan ako ni Ten na huwag babanggitin sa iba ang tungkol sa nangyari kaya nanatili akong tahimik. Nalaman ko na may mga nakaligtas na gifted sapagkat ipinapadala ng Agency ang ibang mga cursed sa labas ng Axia upang doon gumawa ng maruruming trabaho. Doon ko nalaman na ang gulong sinasabi sa Axia dala ng cursed children ay palabas lamang. Nais nilang magkaroon ng balanse kaya mayroong mga gifted at cursed children. Samantala, ang trabaho ng ilang mga staff at ni Sister Ashe ay sa labas ng Axia. Kagaya ng kung ano ako ngayon, isang hired killer at computer hacker. Binabayaran ang agency para sa malinis na trabaho at kapag sinabi mong malinis, Gifted lamang ang makakagawa noon. Nahahati sa dalawa ang agency, isang grupo at ang mga tinatawag na soloist. Dito sa bagong agency, malaya ka kung nais mong magtrabaho bilang killer o magtago na lamang sa kabihasnan.

May sarili kaming mga batas na dapat sundin. Isa na doon ay ang hindi pagpapakita ng kakayahan naming sa mga ordinaryong tao at maging sanhi ng gulo sa mga lugar na aming dinadayo. Limang taon na rin ang nakakalipas, nasanay na ako sa buhay ng pagiging ordinaryong tao.

"Lorelei! Katulad ba ng dati?" tanong ni Mang Escanor

"Oho! Isang case ha!" paalaala ko

"Haha! Syempre naman! Ikaw lang ang natatanging babaeng kilala ko na nagagawang uminom ng ganito katapang na alak subalit hindi nagkakasakit o tumataba" usal niya

"Iisipin kong biro lamang iyan, Manong" tugon ko

Ibinaba niya sa harapan ko ang case at kinarga ko naman ito paakyat ng aking apartment. Isang araw na naman para kay Leve.

"System Kina..." pag-reboot ko sa Eargear

"Anong iyong utos, mistress" tanong niya

"Doorlock passcode" usal ko

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon