Ikaanim na Kabanata: Nakaraan

4 0 0
                                    

Napaatras ako sa aking nakita. Isang bagay ang pinakadapat naming tandaan ng mga giftless, huwag na huwag lalapit sa mga gifted na hayok sa dugo o ito na ang magiging katapusan nang aming mga buhay. Naramdaman ko ang kamay ni Papa. Tumingin ako sa gawi niya at natagpuan siyang nakayuko.

"Huwag mong uulitin ang ginawa mo kanina. Magagawa ko namang pakalmahin si First" usal nito

"Paano? Paiinumin ninyo ng dugo hanggang sa magsawa na siya at lubayan kayo? Ikaw na lang ang nag-iisang kasama ko, pagkatapos papanoorin lamang kitang mamatay sa isang estrangherang sinasabing siya raw ang ina ko?" pakli kong tugon

"Leve" banta niya

"Hindi ba totoo? Pumunta ako dito para makasama ka. Para maramdaman kong may papa ako at hindi ako nag-iisa. Maayos naman kasi sana, maayos na may magpapanggap ding aking ina at kumpleto na ang pamilyang pinapangarap ko noon pa man. Pero papa, isa siyang bampira. Isang halimaw na walang ibang ginawa kundi magnakaw ng kapangyarihan at tanghalin silang pinakamalakas. Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit inihiwalay ang District E sa atin? Para iligtas ang mga sarili natin sa mga mapanirang magnanakaw at mamamatay-tao na iyan" bulyaw ko

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa aking kanang pisngi. Naramdaman ko ang pamamanhid, ang kati at ang init na dulot nito sa aking balat subalit ngumisi lamang ako sa kanya. Una, nakita ko sa isang bangungot na pinatay ako ng aking ina. Namatay ako. Natulog ako ng sampung taon, naglaho ang pag-ibig na nais kong alagaan at protektahan, pagkatapos ngayon naman... Sinampal ako ng aking ama.

"Hindi ko nais na saktan ka subalit bilang iyong ama, kailangan kitang madisiplina. Walang may gusto ng mga pangyayari. Hindi ito ginusto ni First!" giit ni papa

"Hindi ginusto? Hinayaan niya ang agency na paglaruan ang mga batang nasa edad 2 pataas. Sa edad na sampu kung kailan ilan sa mga gifted ay nawawalan nang kapangyarihan, ipinapatapon sila sa District E para maging hapunan ng mga halimaw na tulad niya. Kung papalarin, maaari kang mabuhay sa District F. Ito ang umiikot na batas sa buong siglo simula noong hayaan niyang pag-eksperimentuhan kami. Papa, ilan na kaya sa palagay ninyo ang mga batang dinadala doon ng kanilang mga magulang dahil sa takot sa kanila? Lahat ng mga nangyayari sa atin ngayon siya ang may kasalanan" galit kong sigaw at tinitigan siya ng masama

Naalimpungatan yata sa aming pagtatalo ang First. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Bumalik na sa dati ang mga kulay nito. Malungkot niya akong tinitigan at itinaas ang kanyang kaliwang kamay na tila inaabot ako. Naramdaman kong pinapalapit ako ni papa sa kanya subalit tinabing ko ang kamay niya at aalis na sana noong bigla akong harangan ni Heron.

"Binibini, nais kayong makausap ng Mistress" usal nito

Inalalayan siya ni papa na tumayo at binigyan niya ako ng isang ngiti.

"Patawarin mo ako, hindi ko nais na takutin ka, anak ko. Masiyado lamang akong nagpadala sa aking damdamin sapagkat hindi pa rin ako makapaniwala na nasa akin kitang harapan" pagbati nito

"At hindi rin ako makapaniwalang ang First na nais makita nang lahat ay isa palang bampira" sagot ko

"Mukhang hindi ito ang iyong inaasahan. Paano mo ba ako nais na makita? Ang iyong ina? Isang kakilala? Kaibigan mo ba? Kahit anong naisin mong wangis na makita mo sa akin magagawa ko. Kahit ano, anak ko." tanong niya sa akin

"Gusto ko? Maglaho ka kasama ng mga walang pusong matatanda doon sa laboratoryo" malamig kong tugon

Muntik na siyang matapilok noong umalis siya sa pagkakaalalay niya kay Papa. Hindi ko alam kung bakit automatikong kumilos ang aking katawan upang siya ay masalo. Lalayo na sana ako noong makakuha na siya ng balanse, subalit hindi ko na naituloy pa sapagkat niyakap niya ako nang mahigpit.

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon