Ikadalawampu't isang Kabanata: Emperador

4 0 0
                                    

Naalimpungatan ako sa pagtatalo ng isang boses marahil ay may kausap siya sa telepono. Iminulat ko ang aking mga mata at napahinto siya sa pagsasalita. Hindi ako nahihibang. Kamukhang-kamukha niya talagasi Acheros. Muli ko na namang naramdaman ang kirot sa aking dibdib. Magiging maayos ang lahat? Ano bang maayos sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon? Sinakripisyo niya lamang ang buhay niya para sa isang taong hindi marunong magpahalaga dito. Kinuha ko ang bread knife sa lamesita sa tabi ko at sinaksakang pulsuan ko. Nakita kong dumugo ang kamay niya noong pigilan niya iyon subalit naitarak ko na sa aking kamay ang kutsilyo. Narinig ko na si Ten ang kausap niya sa telepono.

"Anong nangyari? Eze, sumagot ka. May masama bang nangyari kay Leve?" tanong nito

Binitawan ko ang kutsilyo at hinawakan ang nasugatan niyang kamay. Hinayaan kong siya ang humila niyon at nanghilakbot siya. Lahat ng kapangyarihang nalalaman ko at nakuha ko sa mga naging katauhan ko, kusang umaalpas sa oras na malagay sa alanganin ang buhay ko. Lumusot lamang ang talim sa aking pulsuan, wari mo'y isa akong multo na tinagusan lamang ng kutsilyo. Nabitawan niya ang kutsilyo at napaupo. Pinagaling ko ang sugat niya saka ngumiti.

"Hindi ko kailangan ng isang tulad mo para magbantay sa akin. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Kung magtatagal ka pa dito, babalaan na kita. Hindi maayos ang takbo ng utak ko. Maaaring masiraan ka ng ulo bago ka pa nila mailipat sa bago mong grupo kaya kung ako sa iyo, sasabihan ko na si Ten naihanap ka nang bago"

"Eze, Eze, anong nangyayari?" walang humpay na tanong ni Ten

Hinawakan ko ang dulo ng telepono niya at inilagay sa tainga ko.

"Wala naman, binibigyan ko lamang siya ng maikling oryentasiyon sa kung sino talaga ako" wika ko at pinatay ang tawag

Tinakpan niya ang kanyang mukha at bigla na lamang tumawa sa aking harapan. Ezekiel, 20,  walang pamilya, lagalag, walang pinipiling assignment. Isang araw nakakuha ang grupo niya ng malaking assignment. Hindi nila inaasahan na may mga kapangyarihan din ang kalaban nila. Isinagawa ang plano na walang muwang na sila ang dehado. 11:46pm, nasa taas siya ng lumang light house at hinihintay na lamang ang senyales subalit walang dumating. Hindi rin nagpakita ang mga kailangan nilang patayin. Dala ng pag-aalala, tinagpo niya sa ibaba ang mga kasamahan niya sa pag-aakalang hindi tama ang impormasiyon. Bago pa siya makalapit sa kanilang pinuno, pinatakbo siya nito ng mabilis at isang malaking pagsabog ang naganap.

Pinuntahan ko ang lugar na iyon gamit ang Astral at gumamit ng recollection sa mga natirang gamit. Napanood ko lahat. Napanood ko na tila ba bumalik ako sa limang taong insidente kung kailan naglaho ang Axia kasabay ng mga taong mahahalaga sa puso ko.

"Hindi ko alam na mayroon akong Healer at Illusionist na makakasama. Hindi ba isang giftless ang partner ko?" tanong niya

"Tawagin mo na lamang akong Leve" wika ko

Gumamit ako ng telekinesis para makuha ang alak na hindi ko naubos at ininom iyon sa harapan niya. Pinanood niya lamang ako hanggang sa maubos ang lahat ng iyon.

"May sasabihin ka?" tanong ko

"Hindi ka dapat umiinom ng alak" tugon niya

"Ikaw ba ang papa ko para pagbawalan ako? Nasa legal na edad na ako para gawin ang gusto ko at hindi mo ko mapipigilan kahit kamukha mo si Acheros" malamig kong saad at ibinato ang bote kaya ito nabasag

"Hindi ako ang sinasabi mo, Ezekiel ang pangalan ko" pakilala niya

"Tatawagin kita sa pangalang gusto ko" giit ko at iniwan siya

Bago pa ako makapasok sa kwarto, hinila niya ako paharap sa kanya.

"Bakit mo ako sinubukang patayin?" tanong niya

The Secrets of AxiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon