"Miguel"
Napatigil ako sa aking paglalakad nang tawagin ako ni Ivan mula sa aking likuran. Our last class for the day just ended.
I faced him and raised my brows. "Do you need anything?"
"I just want to ask kung free ka ba? Kailangan ko lang kasi ng makakausap, at tsaka nabanggit mo naman kanina na kung may kailangan ako, lapitan lang kita"
Medyo maayos na ang timpla ng mood niya ngayon unlike earlier nung huli kaming nagkita. Pero ramdam ko pa rin na parang malungkot siya cause the way he delivered his words. I don't want to disappoint him at gusto ko man siyang samahan pero baka kanina pang naghihintay si Felix sa labas.
"Ivan, pasensya na pero hindi ako pwede ngayon eh. May plano na kasi kami ni Felix" I answered. "Pero you can come with us if you want. Para na din mapakilala kita sa kanya" I don't know if it's the right thing to do. Bahala na.
"It's fine. Let's just talk next time" tipid siyang ngumiti. "Maghihintay nalang ako if may free time kana"
I know he's not okay about it. "Pasensya na talaga. Babawi nalang ako next time"
"Yeah, sure. No problem. Mauna na ako" sabi nito at umalis na sa aking harapan.
Hope he's really okay kung ano man ang pinagda-daanan niya ngayon.
*****
"Bat ang tagal mo?" bukambibig ni Felix nang makalabas ako ng university. Nakasakay na ito sa kanyang bisekleta habang nakasabit ang kanyang bag sa manibela.
"May kinausap pa kasi ako" I said.
Tumatatak pa rin sa aking isipan ang mukha ni Ivan. Nago-overthink na tuloy ako sa kung anong posibleng mangyari.
"Ayos ka lang ba? Parang ang down ng mood mo?"
"I'm fine. Pagod lang ako"
"Are you sure? You can talk to me if you want"
Napa-isip ako saglit. Humugot muna ako ng buntong-hininga bago magsalita. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya.
"I have this block mate. He's actually my friend. He asked me kung wala ba daw akong gagawin kasi may gusto sana siyang sabihin kaso di ako pwede"
"Why? Sana sinamahan mo nalang muna"
"Pero may plano na tayo. Nakakahiya naman kung sasama ako sa iba tas iiwan kita dito"
"Pwede mo naman akong sabihan, diba? Tsaka handa naman akong maghintay kahit abutin pa tayo dito ng hating gabi"
I partly smiled. "Wag na. It's too late umuwi na siya"
"It seems like napaka-importante ng kaibigan mong 'to sayo ah"
"Siyempre. Siya lang kaya yung kaibigan ko sa block namin"
"Pero kaibigan lang ba talaga? Baka gusto mo na 'yan ah" he gave me a malicious look.
"Shut up. Straight si Ivan. I clearly don't have chance with him"
Napansin ko namang bigla siyang natahimik at nagbago ang ekspresyon nito sa mukha.
"Sino?" he asked in a serious tone.
"Si Ivan. My block mate" hindi na ito nakapag-salita at umiwas nalang ng tingin sakin. "Ayos ka lang?"
"Yeah, of course. Umuwi na tayo. Anong oras na" sagot niya. "Bring this for me" kinuha niya ang kanyang bag na nakasabit sa manibela at binigay sakin.
Hinayaan ko nalang siya at umangkas na ako sa kanyang likuran. Here we go again. Hindi ko ulit alam kung saan hahawak. Ayoko namang humawak sa bewang niya kagaya kanina.
"Humawak ka na kasi. Wag ka na mahiya. Lakas mo nga maka-kapit kanina" bukambibig niya.
"Kapal mo. Ikaw kaya yung nagpa-hawak kanina"
"Bilis na. I already gave you the permission. Nasa sayo na 'yan kung kakapit ka o hindi" sabi niya at biglaang nag-pedal. Gagong 'to. Muntik pa akong malaglag.
Wala na akong nagawa at humawak nalang sa bewang niya upang hindi ako mahulog. Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan. Mas lalo pang lumakas ang hangin at ilang saglit lang ay bumagsak ang napakalakas na ulan. Fuck. Ang malas naman oh.
Huli na ang lahat dahil sa nabasa na kami ni Felix bago pa man siya nakahanap ng masisilungan. Agad kaming bumaba sa bisekleta at dali-daling pumasok sa waiting shed. Pasado ala-sais na at hindi pa humuhupa ang ulan. Dalawa lang kaming nandirito habang tahimik kami sa isa't-isa. Di ko rin magawang maka-pagsalita dahil sa sobrang panginginig ko.
Ang lakas kasi sobra talaga ng hangin. Bagyo na ata 'to eh. Tumataas lahat ng balahibo ko sa katawan. Ni isa sa amin ay walang dalang jacket o kahit anong pang-takip. Huminga ako ng malalim at hinipan ang aking mga palad para mainitan ang pakiramdam ko. Pero hind pa rin 'yon sapat para mawala ang lamig saking katawan. Umihip pa ang napakalakas na hangin sa paligid na nagpa-galaw talaga sakin.
Napaliyad ako dahil sa ginaw at ganun nalang ang aking gulat nang niyakap ako ni Felix mula sa likuran. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Ramdam na ramdam ko ang katawan niyang walang pang-itaas.
"What are you doing?" I whispered.
"Just stay still" sagot niya at mas hinigpitan pa ang pagkaka-yakap sakin.
"Body heat"
Fuck.
Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga na para bang may kuryenteng dumaloy saking katawan. We stayed in our position for a minute at hindi ko alam kung anong susunod na gagawin. But on the good side, medyo nainitan naman ako ng konti. Hindi na ako sobrang nilalamig.
*****
"Migs" bukambibig ni mama nang makita kami sa harapan ng pintuan. Basang-basa kaming dalawa kaya naman inabutan niya kami ng dalawang bath towel. "Magbihis muna kayo dun sa taas at tsaka sabay-sabay na tayo kumain"
"Salamat po" sabi ni Felix at bumalik na si mama sa kusina.
Palakad na sana ako nang makaramdam ako ng biglaang pagka-hilo. Mabilis naman ang pagkaka-hawak ni Felix sakin.
"Ayos ka lang?"
I nodded. "Medyo nahilo lang ng konti" sagot ko habang naka-hawak sa aking ulo. Ang sakit. Kumukurot kasi siya.
"Dalhin nalang kita sa taas"
Sabay kaming naglakad habang naka-alalay pa rin siya sa akin. Nanginginig pa rin ako kahit wala naman ng hangin na pumapasok dito sa loob. Pakiramdam ko'y lalagnatin ata ako nito. My vision started to get blurry.
Pumasok kami sa kwarto at akmang uupo na ako nang bigla niya akong hinila. Nagdikit naman ang aming mga katawan.
"Saglit lang. Hindi ka pa nagbibihis. Mababasa 'yang kama mo"
"Hayaan mo na. Nahihilo na ako gusto ko ng mag-pahinga" sabi ko habang umiikot na yung paligid dahil sa sobrang pagka-hilo.
"Mabilis lang 'to. Bibihisan lang kita"
He took off my shirt. Gusto ko mang umangal pero di ko magawa kasi nahihilo na talaga ako ng sobra. Tinungo niya ang aparador at kumuha ng damit. Agad niya itong pina-suot sakin.
"Ang sakit na ng ulo ko. Babagsak na ako anytime" I said but I wasn't wrong at all.
I fell.
"Migs? Migs? Gising" dinig kong sabi niya bago pa man ako mawalan ng malay.
To be continued.
BINABASA MO ANG
FALLING
RomanceMiguel and Felix, the best of friends who share everything from laughter to dreams. Yet, in the midst of their everyday moments, Miguel realizes his feelings are shifting. As they continue to spend time together, a sweet and unspoken evolution takes...