2 weeks later.
Finally, the time has come. Summer break na, ang pinakahi-hintay ng lahat.
Andito ako sa kwarto at kasalukuyang nagla-laro ng games sa computer ko.
Two weeks have passed, and everything is still the same.
Felix and I are still in a healthy relationship, and I'm amazed at how quickly we fixed our problems if we ever have any.
Masaya lang akong hindi namin sinusukuan ang isa’t-isa at pinag-uusapan talaga namin ng maayos at mature kung may mga problema kami.
Habang focus ako sa paglalaro ay may kumatok sa pintuan at bumukas ‘yon.
“Migs, someone’s waiting for you outside” rinig kong sabi ni mama.
Napatigil ako sa aking ginagawa at hinarap siya. I hurriedly went outside at nakita si Felix sa labas habang nakapang-porma ito.
Ang gwapo niya talaga kahit anong ipa-suot sa kanya.
“Bat ka naparito?” I asked.
He approached me and grabbed my waist.
“I just miss you, bawal ba?”
I tried to hide my smile. Baka akalain niyang kinikilig ako sa mga banat niya.
“Yun lang ba talaga?” tanong ko at napansin ang itim na kotse sa di kalayuan.
Napakamot naman ito sa kanyang batok. “Actually, I’m here to invite you”
“Saan?”
“It’s a secret. Magbihis ka’t may pupuntahan tayo”
“Kaka-labas lang natin kahapon ah. Gagala ulit?”
“I know, I’m sorry. But this is special. I promise, you’ll love it”
“Okay, fine. Pasok ka muna para makita ka ni mama’t papa”
“Yeah, sure” sabi nito at nauna ng pumasok sa loob.
“Galing nun ah. Iniwan ba naman ako”
It took almost 20 minutes bago ako natapos mag-ayos.
Pinagpa-alam na din ako ni Felix sa mga magulang ko na aalis kami.
Hindi ko alam kung anong trip nitong lalaking ‘to at may pa-sorpresa pa.
Nagpa-alam na kami sa kanila at nagsimula ng bumyahe.
Mukhang malayo ang pupuntahan namin dahil sa marami-rami ang mga ipina-impake sa akin ni Felix.
Naisip ko tuloy na baka maga-outing kami or something.
The travel took one hour at nandito na kami sa aming destinasyon.
Sa city lang pala.
“I thought we’re going on a vacation or something” I uttered.
“Why, don’t you like it here?”
“Hindi naman. Akala ko lang kasi maga-outing tayo. Pero it’s fine kasi kahit saan mo pa ako dalhin, basta’t kasama kita, I’ll be fine”
“Then, we’ll go outing if you want. Marami akong alam na magagandang lugar dito”
“Talaga?”
“Yeah. But first, I need to show you something” sabi niya.
We both unbuckled our seat belt at sabay na lumabas ng kotse.
Andito kami sa harapan ng isang malaking building.
Maganda siya at eleganteng tingnan.
Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa elevator.
We went to the fifth floor at napahinto sa isang kwarto.
Felix unlocked the door with his automatic pass code and it opened.
"I used your birthday for my pass code" masaya niyang sambit.
Napangiti nalang ako.
“Come in” anyaya niya at naunang pumasok.
Sumunod naman ako sa kanya at doon ko lang napagtantong condominium pala ‘to.
The room was nice. It was cozy and maganda sa mga mata yung kulay niya.
Malaki rin ang espasyo at nakahiwalay ang sala sa kusina.
May dalawang kwarto din at tig-iisang banyo.
“Is this your condo?” I asked out of curiosity.
Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang bewang ko gamit ang dalawa nitong kamay.
Magka-dikit na ang aming mga katawan habang matamis niya akong nginitian.
“Our condo” he said proudly.
Hindi ko inaasahan ang kanyang sinabi.
Our?
“What do you mean?”
He let go of me and held my hands.
“Migs, can you live with me?”
Mas lalo akong nabigla sa kanyang sinabi.
Ang bilis.
Hindi ko alam kung ano ‘yung magiging reaksyon ko sa sinabi niya.
“How?”
“I’m sorry kung hindi ko agad sinabi sayo ang tungkol dito. I want it to be a surprise. Gusto ko sana, while summer break, dito muna tayo pansamantala”
“Is this really necessary? It’s not like hindi kita gustong makasama, but ayoko lang kasing gumastos ka pa dahil sakin”
“Migs, this is for the both of us. This is our place, our home. Matagal ko na ‘tong pinag-desisyonan and I finally did it” sabi niya at hinawakan ako sa aking mukha.
“Gustong-gusto na kitang makasama, Miguel. Araw-araw, gusto ko ikaw yung unang-una kong makikita sa bawat pag-dilat ko ng aking mga mata. Gusto ko yung sabay tayong kumain, sabay na naliligo, ‘yong sabay tayo sa lahat ng bagay. I will spend every second of my time with you, my love. Ayokong mawala ka sa akin. You are the only person who made me felt like this”
I don’t know what to say after hearing those words from him.
He stared at me passionately.
“I love you, Miguel”
He suddenly rubbed his lips against mine.
I kissed him back as I felt our strong emotions bonded together.
To be continued.
BINABASA MO ANG
FALLING
RomanceMiguel and Felix, the best of friends who share everything from laughter to dreams. Yet, in the midst of their everyday moments, Miguel realizes his feelings are shifting. As they continue to spend time together, a sweet and unspoken evolution takes...