Days Earlier.
“Natanggap mo ba yung pina-deliver ko sayo?” tanong niya habang naglalakad kaming nililibot ang sub-division.
Malalim na yung gabi at tanging street lights lang ang gumagabay sa amin.
“Oo. Salamat nga pala. Tsaka hindi mo na kailangan pang mag-abala” sagot ko.
“Ayos lang” nagpakawala naman siya ng buntong-hininga.
“I’m really sorry for approaching you at this moment. Alam kong hindi pa tayo masyadong magka-kilala yet you still agreed to have a chat with me”
“It’s fine. Alam ko namang hindi ka lalapit sakin kung wala kang kailangan”
“About that, kakapalan ko na talaga ng sobra ang mukha ko, Miguel” wika niya.
I know where this is going. Sa umpisa pa lang ay ine-expect ko na ‘to.
“I might sound so selfish right now pero I just want to ask you a favor”
I didn’t answer her and waited for her to continue.
“This such a big favor and I super understand kung hindi ka papayag” pagpapa-tuloy niya.
“Gusto ko sanang wag ka munang makipag-kita kay Felix” kahit alam ko na ang sasabihin nito ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan.
“Alam mo naman kung gaano ko gustong makipag-usap sa kanya. I’m not saying na ikaw yung rason kung bakit niya ako iniiwasan pero I just want him to focus on me this time. Gusto ko lang ayusin at linawin ang mga bagay na hindi namin napag-uusapan”
It’s hard for me to do what she favored.
Pinag-isipan ko ng mabuti ang sinabi niya at kung anong pwedeng posibleng mangyari.
“I’m sorry, I didn’t mean to kiss you. Ginawa ko lang yun para tigilan na ako ni Luna”
“Felix, I don’t know kung anong meron sa inyong dalawa at ayokong mang maki-alam pero sana ayusin niyo na. Tsaka sa tingin mo talaga titigilan ka ni Luna dahil sa ginawa mo kanina? Mas lalo ka lang kwe-kwestyunin nun”
“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. She keeps on bothering me. Ni hindi ko nga inaasahang pupuntahan niya ako dito”
“Then talk to her. Clear your issues with her. Do this for you, Felix. Kung gusto mong ayaw ka niya ng guluhin”
“I’ll try”
“Miguel?” natauhan ako nang mag-salita si Luna.
“I really understand kung ayaw mo. I’ll just find another way to talk to him”
“I’ll do it” I answered.
Sana magandang desisyon ‘tong gagawin ko.
“Pero ipangako mo din sa akin na maa-ayos niyo kung ano mang namamagitan sa inyong dalawa”
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
“Maraming salamat. I’ll do my best to explain everything to him”
Tipid nalang akong napangiti at napatango-tango.
Pumayag ako para kay Felix, para sa ikabu-buti niya.
Pero hindi ko alam kung tama ba ‘tong desisyon ko. I hope everything will be okay, especially to the both of them.
*****
Nakahiga ako sa dibdib ni Felix habang nakayakap siya sakin.
We’re both watching a movie sa kwarto niya. I still can’t believe na aabot kami sa ganitong level.
I can finally say that we’re now official.
Felix insisted na liligawan niya pa din daw ako bago ko siya sagutin but then I told him na hindi na kailangan.
Our feelings for each other are clear kaya naisip ko kung bakit papatagalin ko pa eh andito na.
Felix is my first boyfriend and sana kahit anong problema o sakuna man ang dadating sa buhay namin, malalampasan namin ‘yon ng sabay.
Tahimik akong nanonood habang marahan niyang hinahagod ang buhok ko.
“Migs, can I ask you something?” he opened the conversation.
“What?” balik-tanong ko habang nanatili sa aking posisyon.
“When did you realized that you like me?”
“I don’t know when exactly. Pero pakiramdam ko gusto na talaga kita dati pa. Dine-deny ko lang siguro”
“I really thought na wala talaga akong pag-asa sayo”
“Bakit mo naman naisip ‘yon?”
“I don’t know. Maybe I’m just overthinking, and to the fact na iniiwasan mo ‘ko kaya pinapangunahan tuloy ako ng utak ko at kahit ano-ano na pumapasok sa isip ko”
I smiled after hearing it. “I’m sorry, ginawa ko lang naman yun dahil sayo”
“At sa tingin mo talaga na magandang desisyon yun ah?”
“For me, it was. I wouldn’t be here laying on your chest if I didn’t do it in the first place”
“Talagang ginamit mo pang palusot ‘yun”
Mahina nalang akong napatawa sa sinabi niya.
Umalis ako mula sa pagkaka-higa sa kanyang dibdib at tinabihan siya.
“How’s Luna, by the way? Did you guys talk?” I asked.
“We did. Pinuntahan niya ako dito sa bahay the night before the educational journey”
“How was it?”
“It went well. Napag-usapan na namin ng mabuti at klaro ang lahat. There’s no way she’ll bother me again”
“You didn’t said something bad, did you?”
“Of course, not. I may be angry at her pero I know how to control my emotions. Tsaka may closure na kami and we’re now great friends”
“That’s good to hear. Buti naman at naayos niyo na ‘yung sa inyong dalawa”
Lumapit pa siya ng kaunti sa akin at inakbayan ako.
Sumandal naman ako sa matigas at medyo kalakihan niyang braso.
“Thank you for not giving up on me, Miguel. Takot na takot akong mawala ka” he sincerely said while rubbing my hair.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya pala sa pakiramdam na nakakatanggap ka ng mga ganung salita mula sa taong mahal mo.
“Thank you also for understanding me, and waiting for me” I said and he kissed my head.
Kahit naging official na kami ni Felix, hindi pa rin tumitigil sa kakatibok ng mabilis ‘tong puso ko.
Sa tuwing magkaka-sama kami, ibang saya yung nararamdaman ko palagi.
A happiness that's full of love, fills every heart with joy and contentment, making each moment feel truly special.
That’s how Felix made me feel.
Every single moment, every single day.
To be continued.
BINABASA MO ANG
FALLING
Любовные романыMiguel and Felix, the best of friends who share everything from laughter to dreams. Yet, in the midst of their everyday moments, Miguel realizes his feelings are shifting. As they continue to spend time together, a sweet and unspoken evolution takes...