After the party ay bumalik kami ni Felix sa condo upang mag-impake.
We prepared everything at ipinasok na sa kotse lahat ng mga gamit namin.
Nang tapos na kami ay pumasok na sa loob at nagsimula ng bumyahe.
Hindi naman siguro kami magagabihan ng sobra kasi alas tres pa lang ng hapon.
Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang kaming pareho.
Ilang sandali pa nang hinawakan ni Felix ang aking kamay.
Napangiti nalang ako sa ginawa niya.
“I need energy” sabi nito habang nakatutok pa rin sa daanan.
“We can stop if you’re tired”
“Wag na. Baka gabihin pa tayo” sagot niya.
“Holding your hand is enough to gain me energy”
“Palusot ka pa. Gusto mo lang humawak sa kamay ko”
Bahagya siyang napangiti.
“Pero alam mo ba kung ano yung mas mabilis na paraan para magka-energy ako?”
My brows frowned. I swear if this is one of his corny jokes again.
“Ano?” I asked and he pointed his cheek.
Napailing-iling nalang ako sa kanyang ginawa. Kahit ano-ano nalang talaga naiiisip nitong si Felix.
“Para-paraan ka talaga noh?”
“Ito naman, isang kiss lang pinagda-damot pa”
Tipid akong ngumiti at walang choice kundi pagbigyan siya.
Lumapit ako sa kanya at akmang hahalikan ko na ang pisnge niya nang humarap siya sa akin.
He smiled as he had succeeded in his plan.
Mahina ko siyang hinampas at mahina siyang napatawa.
“Siya nga pala, may sasabihin ako sayo”
“Ano ‘yon?”
“Matagal ko na ‘tong pinag-isipan ng mabuti and I’ve finally came in a decision” sabi ko at huminto muna saglit.
He’s waiting for me to continue.
“Pagdating natin sa bahay, sasabihin ko na sa kanila yung tungkol sa atin”
Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya. Nabigla siya at abot tenga ang ngiti nito.
“Talaga? Seryoso?”
“Yup. Since, everything is going great between us and you just asked for my hand to be your fiance, wala ng rason pa para itago yung relasyon natin”
He didn’t talked. Guess he’s overwhelmed?
“Medyo kinakabahan lang ako”
“Why? Pero kung di mo pa talaga kaya, wag nalang muna. I can wait kahit gaano pa man katagal”
“No, I’m going to do it. This is for me, especially for you. Ayoko ng itago ka pa, Felix. Hindi mo deserve ang ganung treatment. I want to make you happy”
He smiled and held my hand. Masaya na rin akong masaya siya.
Everything in him is very special to me.
Ayoko ng pakawalan pa si Felix. Itinaya ko na ang buong puso ko sa kanya.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalik-halikan iyon.
Wala na akong ibang hihilingin pa sa kanya.
He’s so perfect the way he is.
Kuhang-kuha na ni Felix yung puso ko.
BINABASA MO ANG
FALLING
RomantizmMiguel and Felix, the best of friends who share everything from laughter to dreams. Yet, in the midst of their everyday moments, Miguel realizes his feelings are shifting. As they continue to spend time together, a sweet and unspoken evolution takes...