Saknong 2

886 213 133
                                    

Bahagyang nagising ang diwa ko sa malakas at nakakarinding ringtone. Inis akong bumaluktot sa pagkahiga at ikinislot ang aking kanang kamay upang kapain ang phone sa aking gilid habang walang humpay na tumatagingting sa aking utak ang tunog nito.


Sa halip na malambot na kutson ang bagsakan ng aking palad, nakaramdam ako hapdi galing sa matigas at malamig na bagay na siyang aking hinihigaan. Agad akong napabangon subalit napaluhod na lamang nang makaramdam ng kirot mula sa aking tagiliran at likod.

Sinagot ko ang tawag ni Veronica at kumapit sa pader sa aking gilid bilang suporta sa nanghihina kong katawan. 

"Adelia hoy kanina pa ako tumatawag, gutom na kami. Nasaan ka na ba?"

Hala, nakalimutan kong may lakad kami ngayon. Agad kong tinignan ang orasan at napahawak na lamang ako sa aking sentido nang malamang isang oras na pala sila naghihintay pero okay lang, filipino time naman.

"Paalis na ng bahay. Mauna na kayong kumain, sa sinehan na lang ako susunod."

"Ok copy, bilisan mo ha. Sa SM malapit sa quantum tayo magkita. Baboosh!"

Sabado ngayon kaya tamang gala lang kami para magcelebrate dahil natapos namin ang thesis namin.

Inangat ko ang aking shirt at kumurba ng kaunti upang suriin ang kirot sa aking katawan. Malaking parte ng aking tagiliran ay nababalot ng namamagang, kulay itim na pasa na parang may malakas na pwersang tumama roon.

Doon ko na lamang naalala ang pagpapasagasa ko kagabi at sa pagtatagpo namin ng señor kasama na ang bodyguards niya. Hala, 'yung gitara ko!

Mabilis kong binaling ang aking ulo sa paligid ng apartment ko at napahinga na lang ng maluwag nang makita ito sa sahig. Dadamputin ko na sana ito ngunit nagulat ako nang makita ang namumula kong mga daliri animo'y nagtugtug ako magdamag. Ganito ang nangyari sa aking noong tumugtug ako sa isang event maghapon.

Hindi ko masasabing totoo iyon dahil naririto lang ako sa apartment ngunit hindi ko rin masasabing panaginip lang iyon dahil sa mga galos, sugat at pasa na natamo ko.

Hayst, icacancel ko na sana pagpunta ako sa SM pero naisip ko rin na minsan lang kami gumala. Napakamot na lang ako sa ulo at binalewala lahat ng ito. Kailangan ko na siguro aliwin sarili ko baka nahihibang na ako. 

----

"Girl, ang usapan 10 am nandito na. Pasado ala-una oh."

Hingal akong napakapit sa table dito sa grills malapit sa elevator habang paika-ikang lumapit sa kanila at hinahabol ang aking hininga. Naroroon ang tatlo kong kaibigan na sarkastikong pumapalakpak sa aking pagdating.

"Traffic eh," ani ko. Partly true naman na traffic ngayon kaso hindi gaano heavy.

"Luma na 'yang excuse mo, next time 'yung kapanipaniwala naman."

"Kilala ka namin Adelia. Late ka na nga parati sa school, late ka pa sa gala natin."

"Tama na 'yan, Let's go. Excited na ako sa Frozen II. Kayong dalawa, Adelia at Veronica, bumili kayo ng ticket. Kami na ni Elise sa popcorn at drinks. Magcompute na lang tayo mga utang mamaya."

Medyo mahaba-haba ang pila rito sa sinehan kasi inaabangan ng karamihan ang Frozen II. May mangilan-ngilan na mga bata kaso napansin kong mas maraming teenagers.

'Di nagtagal, nakapasok na kami sa sinehan at umupo sa pinagitna na upuan para maganda ang view.

----

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon