Saknong 26

223 45 1
                                    

"Bakit basang-basa ka? Umulan ba?" tanong ni Estella nang makarating ako sa kalesa.

Muli, nakarinig ako ng pagtama ng bakya sa ulo, "Mukha bang umulan? Nasaan ang iyong utak Estella?" puna ni Constella.

Piniga ko ang aking saya sa labas ng kalesa habang pinapaandar ni Mang Sitio. Kumawala ako ng buntong hininga at hinimas ang aking ulo, "Lumangoy ako. Patay na si Mang Raul."

Kasing bilis ng kidlat, nawala ang ngiti ng mga dalaga. Nabitawan pa ni Constella ang kaniyang bakya at sabay silang napasinghap, "Paumanhin?"

Mabagal akong tumango sa kanila, "Nakita ko siya sa loob ng isang sako."

Napatakip naman ng bibig ang magkapatid at nanlaki ang mga mata. 'Di kalaunan nabalot ang kanilang mukha ng lungkot at dalamhati. Mas nalulungkot ako para kay Constella dahil siguro ay nag-aalala na siya sa anak ni Mang Raul.

Pinitik ko ang daliri ko hudyat ng biglaang paglingon nila sa akin, "Ang pinagtataka ko lang ay bakit siya pinatay ni Don Felipe? Hindi ba siya nagbunyag sa ami--mga rebelde at sa kambal?"

"Hindi ko alam, baka may lihim na sabwatan sila ni Mang Raul," pahiwatig ni Constella.

Napahawak naman ako sa baba ko at nag-isip habang nakatingin sa labas ng kalesa. May mga naririnig akong mga kuliglig sa paligid at mga palakang nag-iingay. Umiikot din sa buong lugar na nadaanan namin ang maputik na amoy ng ilog.

Dumekwatro ako at nagtatakang humarap sa kanila, "Pero kaanib sa rebelde si Mang Raul."

"Kaanib siya?" tanong ni Estella na ngayo'y nagkaroon ng interes sa aking sinabi.

Sabay silang umiling. Isa siguro sa mga dahilan ng pagkapatay kay Mang Raul dahil kasama siya sa mga rebelde, "Oo, hindi niyo alam?"

 Sinagi ako ni Estella at lumapit upang bumulong, "Paano mo alam? Kaanib ka ba sa mga rebelde?" 

Biglaang nanigas ang aking panga at napalunok ng wala sa oras. Akala ko ba naman kaanib sa rebelde halos lahat maliban sa mga mayayaman. 

Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ng magkapatid upang abangan ang sagot ko. Kahit basang-basa ako, nararamdaman ko ang pagpawis ng aking mga kamay at paa.

"Err...uhm...oo na parang hindi?" tugon ko habang kinakalikot ang malamig kong mga daliri. Unti-unting nanginginig na sa lamig ang buong katawan ko dahil sa pagkabasa ng aking damit.

Sumandal na sa pagkakaupo ang magkapatid, "Ano ibig mong sabihin?" tanong ni Constella.

"Uhm bahagyang kaanib, bahagyan hindi? Siguro?" 

Narinig kong kumawala ng buntong hininga si Estella at napakusot ng mga mata saka humikab, "Mabuti at hindi ka talagang kaanib sa mga rebelde. Kung nakikita mo lamang ang kabutihan binibigay ng gobyernong ito. Baka patayin ka pa kapag rebelde ka. Umusad talaga ang Pilipinas simula noong nagpunta rito ang mga Kastila."

Ilang beses akong napakurap sa sinambit ni Estella. Ano raw? Loyal siya sa mga Kastila? Baka naman binayaran sila.

"Siyang tunay! Hindi magkakaroon ng platasyon ng Tabacco sina Amang kung hindi dahil sa kanila," pagsasang-ayon ni Constella.

Kung kanina sila ang nagtataka, ngayon naman ay ako ang nakakunnot-noo at hindi makapaniwala sa kanilang pinagsasabi, "Kakampi niyo ang gobyerno?"

"Oo. Bakit naman hindi? Binigyan kami ng lupain. Dapat lamang na hindi namin sila pagtaksila," tugon ni Estella.

Naramdaman kong hinawakan ni Constella ang nanlalamig kong kamay, "Alam mo Miranda, mas kaunti lang ang panganib kapag hindi ka rebelde."

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon