Saknong 23

266 76 2
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nang nakitira kami sa bahay nina Nay Vaneng at Tay Nesto. Sa isang linggong iyon, binagyo ang bayang ito kaya't wala pang naging anunsyo ukol sa pag-aaklas ng mga rebelde.

Kahit tanghaling tapat, umuugong ang hangin sa mga puno papasok rito sa tahanan kaya't natutupok ang aming mga gasera. Nililipad na rin ang ibang mga gawa ni Tay Nesto ngunit laki naming pasasalamat na humihina ng bahagya ang bagyo.

"Ayoko magkaroon ng anak Ernesto, lubayan mo ako!" sigaw ni Nay Neng mula sa kusina. Narito naman kami nina Clemente at Jacinto sa salas. Pinapanood ko silang maglaro ng ahedres (chess) at mas lamang si Jacinto.

Mas agresibo kung maglaro si Jacinto samantalang nahahalatang nag-iingat sa mga patibong si Clemente. Kung may orasan lang sana mas masaya itong panoorin.

Ang hari ay naka-ukit bilang isang tao na may hawak na espada. Ang 'knight' naman at naka-ukit bilang isang taong nakasakay ng kabayo. Kakaiba ang mga pyesa rito kumpara sa modernong mga pyesa.

Ilang sandali, binigyan kami ni Nay Neng ng mga suman at nagpatuloy muli ang bangayan ng mag-asawa.

"Talo ka na," mahinang sambit ni Jacinto, "...mate."

Nagwala naman sa inis si Clemente at humiyaw-hiyaw, "Sayang, hindi ko nakita iyon. Ikaw kasi Ayang, nakaharang ka sa ilaw ng gasera."

"Aba kasalanan kong natalo ka?"

"Oo."

Aangal na sana ako nang magsalita si Jacinto.

"Ayang, laro tayo," anyaya ni Jacinto. Tinuro ko muna ang sarili at lumingon pa sa likod. Ako lang pala kausap niya. Wala naman ibang tao rito na nagngangalang Ayang.

Tumango ako at umupo sa tapat niya. Puting piyesa ang sa akin. "Talunin mo siya Ayang!" Sigaw ni Clemente.

Nilahad ko ang kamay ko upang makipag-shake hands.

"Para saan iyan?" Tanong niya.

"Good sportsmanship," ngunit binawi ko agad ang kamay ko nang kumunot ang noo niya.

Nag-umpisa na kaming maglaro at unti-unting nabubuo ang igtingan sa pagitan namin maliban na lamang kay Clemente na kumakain at dumadaldal ng kung anu-ano.

"Ayang ayun oh, galawin mo yaong kabayo mo," turo ni Clemente ngunit nainis lamang ako kasi walang kwentang galaw ang sinasabi niya.

"Tumahimik ka nga! Hindi ako nakakapag-isip ng maayos."

Ginalaw ko ang pawn ko at hinintay ang susunod na galaw ni Jacinto. Sa ilalim ng mesa, walang humpay na bumalasa ang aking mga paa ngunit nanatiling kalmado ang aking mukha sa harap nila.

Hinawakan ko ang aking baba at nag-isip ng mga susunod kong gagawin. Dapat hindi ako magkamali. Kunting galaw na lamang matatalo na si Jacinto.

Nang galawan niya ang kaniyang reyna, biglang gumuho ang aking plano. Wala na. Matatalo na ako, isang galaw na lang.

Sinubukan kong mag-isip pa ng ibang paraan ngunit wala na talaga,"Suko na ako, talo na ako."

Pinatumba ko ang aking hari at sumulyap kay Jacinto na ngayo'y malapit nang ngumiti. Tinayo niya muli ang aking hari at tinabi niya ang kaniyang reyna roon upang malamangan ko siya.

"Hindi ka talo. Dalawang bagay lamang iyan, nanalo ka o natuto ka," wika niya at tumayo siya sa kaniyang kinauupuan saka nagtungo sa kanilang kwarto.

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon