Saknong 10

434 148 10
                                    

Naalimpungatan ako sa kakaibang tinig na aking naririnig sa malaking espasyo. Ang koro ng simbahan ay naiiba kumpara sa ibang mga kumakanta ng mga kantang wala sa hymnario. Ang kanilang tinig ay halos katulad ng mga anghel, mga matataas na nota na sumisilaw sa mga ulap at umaawit sa Dios.

Dahan-dahan akong tumayo rito sa masikip na pasilyo at sumilip sa kaganapan sa baba. Naroroon nakapila sa pinakaharap ang grupo ng mga mangaawit na nakasuot ng puti habang may hawak na himnario.

Maraming mga tao rito sa kasalukuyang misa. Sa pinakaharap, nakaupo sina Don Miguel at ang kambal. Katabi naman nila ang pamilya Esperanza. 

Ang ilan ay natutulog na, mga bata'y nagbubulungan, mga matatanda'y nagchichismisan at kakaunti lang ang nakiki-awit.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at gumapang patungo sa malaking pinto ng simbahan. Nagpatuloy pa rin ang awitin at sa aking palagay walang nakakapansin sa akin dito sa likod.

Nakarating na ako sa pinto at tumayo ng kaunti upang itulak ang hawakan ng pinto ngunit sa aking gulat, naunahan ako.

Bumukas ang malaking pinto ng simbahan hudyat ng pagtingin ng lahat ng mga tao sa simbahan. Tumindig mula sa pambungad ang matabang, kalbong lalaki na nakasuot ng mahabang itim ng kasuotan na pang padre. 

"¿Cómo te atreves a escapar de las enseñanzas de Dios? (Sino ka upang tumakas sa mga salitang handog ng Dios?)" Galit na sigaw ng padre.

"Aray! Hoy bawal 'to!" Kinaladkad niya mula sa pinto papunta sa gitnang bahagi ng simbahan saka tinulak paupo kasama ang mga nakikimisa. Nilakihan pa niya ako ng mata.

Iniwasan ako ng aking mga katabi at umusog palayo sa akin. Ang ibang mga dalaga nama'y paminsan-minsang sumusulyap sa akin at marahan na tumatawa. Nakakahiya.

Naglakad na papunta sa harap ang padre at sinimulan ang kaniyang panenermon. 

"Recuerda que la iglesia es más alta que el gobierno. El miembro del coro canta libremente.(Iyong tandaan na mas mataas ang simbahan kaysa sa pamahalaan. Malayang nakakaawit ang miyembro ng koro)." Panimula ng padre at sumulyap sa pwesto nila Don Miguel.

"Rezo por las almas de las mujeres desesperadas que se han escapado antes. Por eso, todos tienen una doble contribución. La próxima vez no huyas, pero la donación será el triple.(Pinagdadasal ko ang kaluluwa ng hampaslupang babaeng ibig tumakas kanina. Dahil diyan, doble ang abuloy na dapat ibigay ng lahat. Sa susunod huwag na kayong tumakas kundi magiging triple ang abuloy)." Sermon pa niya at matalim akong tinignan. Maging ang mga matatandang tao rito sa kapisanan ay nakasimangot na tumingin sa akin. Bahala na, wala na akong pake. Hindi ko naman maintindihan binubusalos ng padreng 'yan.

Mahigit dalawang oras natapos ang misa, lumabas ako agad sa simbahan upang makaiwas sa kung anu-anong chismis. Sa katunayan, ako nga ang pinaka-unang lumabas. Naubos ang pera ko dahil sa abuloy na 'yan, nakakainis. Hinintay ko sina Don Felipe upang makisakay sa kalesa pabalik sa mansion.

"Oh, Ayang dalawang araw kang hindi bumalik sa mansion. Saan ka nagtungo?" Bungad ni Sergio.

"Nandiyan na si Ayang?" Tanong ni Marisol nang makalabas sa loob ng kalesa. "Hala, anong nangyari sa iyong mukha?" Turo niya sa malaking daplis sa gilid niyon. Ni ako nga hindi ko rin alam saan ko 'yan nakuha.

"Bumalik lang ako sa bahay namin. Kinakailangan nila ako sa oras na yaon kaya hindi na ako nakapagpaalam. 'Yung sugat uhm nahulog ako sa bangin." Pagdadahilan ko.

Napatango naman silang dalawa ngunit mabilis na sumakay sa kalesa nang parating na sina Don. Nakasibangot na sumakay si Don Felipe, kasunod ng kambal na nakahalukipkip.

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon