Saknong 15

377 118 15
                                    

"Bakit hindi niya sinabi sa akin na hindi siya makakapunta?" Muling lumingon si Elena sa gilid at sumilaw mula sa kaniyang mata ang makintab na susow ng mga luha. Pagpikit niya, tumulo mula sa kaniyang talukip ang namumuong luha at dumusdos sa kaniyang namumulang pisngi. 

"B-bakit?" Kinagat niya ng mahigpit ang kaniyang labi sa pagtatangkang itago ang anumang uri ng tunog na nais kumawala sa kaniyang bibig. 

Sa sandaling ito, lumubog ang aking puso tila nawarak at nilamon muli ako ng pagkakasala. Hindi ko pa rin magawang sabihin sa kaniya ang totoo 'pagkat mas maninibugho siya. Sana hindi ko na lang kinuha ang nangaalok na kamay ni Jacinto kahapon.

"Tahan na, magsisisi balang araw si Ginoong Jacinto." Niyakap ni Marisol si Elena na walang tigil sa pagtatangis. Kahapon pa raw nagkulong sa kwarto si Elena. Kung hindi kami dumating, marahil hindi na siya lalabas ng kaniyang silid.

Minarapat namin na bisitahin siya ngayong umaga buhat ng hindi pag sipot ni Jacinto. Tama nga ang hinala namin na lubos siyang nasasaktan at nagugulumihan. Nakapagpasya na ako na kakausapin ko si Jacinto ukol dito.

"Hindi makakatulong ang iyong walang kabuluhang pagdadaing." Mula sa hagdan ng kanilang mansion bumaba ang isang marikit na binibini na kahawig ni Elena. Sa aking palagay ay nakatatandang kapatid niya ito.

 Pinunasan ni Elena ang kaniyang luha sa pisngi at pinikit ang kaniyang mata. Kumawala siya sa bisig ni Marisol at tumayo upang harapin ang binibini.

"A-ate, sina Marisol at Ayang. Mga kaibigan ko." Pagpapakilala niya sa amin habang inaayos ang kaniyang sarili "Marisol, Ayang, siya si Ate Elmira."

Tinignan lamang kami ni Ate Elmira kaya hindi ko alam kung ano ang kaniyang nasa isip. Hindi man lang siya nagpakita ng emotion. 

"Si Ayang yaong sinasabi ko sa iyo na tumugtog sa kubo ng samahan." Muling pagpapakilala ni Elena nang mapansing walang nagsalita samin. Agad nanlaki ang mata ni Ate Elmira at tinignan ako ng may matinding takot sa kaniyang mukha animo'y may nais siyang sabihin sa akin.

Maging ako ay nagulat sa kaniya at sa impormasyong sinabi ni Elena. "Kasama kayo roon sa samahan?"

"I-ikaw?" Turo sa akin ni Ate Elmira. Nagtataka ko siyang tignan subalit biglang sumingit si Elena. "Matagal na kaming kasama. Simula nang ipatayo ni Jacinto at Clemente ang samahan, sumali na ako." 

Napakurap-kurap si Ate Elmira ngunit umayos agad ng tindig saka dumeretso sa kanilang kusina. Bago tuluyang pumaroon, humarap siya sa amin "Huwag mong pag-usapan iyan dito sa bahay. Nandyan lamang sa ikalawang palapag sina ama't ina."

Muling namayani ang katahimak sa aming tatlo ngunit naputol nang magsalita si Marisol. "Mabuti pa upang maaliw ka Señorita Elena, magtungo tayo sa bayan." 

Tumango si Elena at umakyat muna sa kaniyang kwarto upang magbihis. Nagpaalam muna ako kay Marisol na tutungo muna ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Mukhang may tinatago si Ate Elmira na tungkol sa akin. Hindi kaya alam niya?

Nadatnan ko si Emira na kumakain ng pansit. Nanatili lang akong nakatayo malapit sa pinto at tumikhim. "Uhm ano pong ibig mo po palang sabihin kanina?"

Bagkus na sagutin niya ako, nagpatuloy pa rin siya sa pagkain kaya kumuha na lang ako ng tubig at uminom. Ilang minuto na ang nakalipas, hindi niya pa rin ako sinagot. 

Habang hinuhugasan ang pinag-inuman ko, narinig ko siyang bumuntong hininga. "Bilisan mo na lang kunin ang gitara mo baka maunahan ka. Iyan lamang ang sasabihin ko. Huwag mo na akong pilitin."

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon