Saknong 17

322 94 3
                                    

Dumapo ang isang malakas na sampal sa mukha ni Clemente. Namumulang hinawakan niya iyon kaakibat ng sugat sa kaniyang pisngi dahil sa daplis ng singsing ni Don.

Sinilid ni Don Felipe ang kaniyang espada at tumalikod sa amin saka umakyat sa kaniyang kwarto. Kasabay ng pagpasok ni Don ay ang malakas na pagkalabog ng pangunahing pinto.

"Jacinto!" Sigaw ko at akmang hahabulin siya sa labas ngunit pinigilan ako ni Clemente.

"Pabayaan mo siya. Magpanggap muna tayong magkasintahan sa harap ni ama." Natigil siya sa kaniyang sinambit at binitawan ako. "Ni Felipe. Pasensya na, iyon lamang ang naisip kong palusot upang hindi mapagalitan si Jacinto. Siya lamang ang pag-asa ng samahan 'pagkat pinagkakatiwalaan siya ni Felipe."

Ngumiti siya saka umalis na rin ng mansion. Tahimik na nagsibalikan sina Aling Conchita, Marisol at Sergio sa mga gawain. At doon nagbago ang pakikitungo ng bawat tao sa sambayanan lalo na rito sa mansion.

"Ayang, samahan mo akong bumili ng pan de sal." Ani ni Marisol. Tumango na lamang ako at sumama sa kaniya.

Tulala kaming naglalakad sa bangketa buhat na rin siguro ng nangyari kanina. Dumoble ang mga guardia at tahimik ang buong bayan. Maging ang palengke ay tahimik, tanging ang pag-abot ng pera at kaunting pagsasalita lamang ang naririnig.

"Mga binibini, hindi niyo ba kasama si Señorita Elena?" Hingal na usal ng binata.

"Diego, bagama't maganda ang iyong awitin, may kasintahan na siya. Lubayan mo na." Tama nga naman si Marisol. Kapag may kasintahan, lubayan na.

"Wala akong nakikitang problema na hangaan siya. Sinong hindi mahuhumaling sa ganda ni Señorita Elena?" 

"Hindi ka ba masasaktan sa araw ng kasal niya?" Tanong ni Marisol. Oo nga naman, masakit makitang ikakasal na ang taong gusto mo.

Nawala ang ngiti ni Diego kaya nagsalita muli si Marisol. "Kung iyong mamarapatin mauna na kami ginoo, nagagalak kaming makilala ka."

Hinila na ako ni Marisol at nagpatuloy sa paglakad sa bangketa. "Uy, bakit mo 'yun sinabi kay Diego. Humahanga lang naman siya, sakit naman 'nun."

"Dapat siyang matauhan, mas masasaktan siya sa huli kapag hindi niya pinigilan ang nararamdaman niya." Tugon ni Marisol. Pati ako, hindi makapagsalita sa sinabi niya sa hindi malamang dahilan. Bakit parang natamaan ako sa sinabi niya? Wala pa naman akong crush ngayon.

'Di nagtagal, nalalanghap na namin ang mabangong amoy ng iba't ibang uri ng mga tinapay na siyang sandaliang nakakapagpapawi ng aming mga problema. Ang karatula sa panaderia ay nakaukit sa magandang disenyo ng puti at asul: Raul's Special Pan de Sal.

"Magandang umaga Mang Raul, yaong dati na po naming binibili."

Ngumiti si Mang Raul saka nagumpisang maglagay ng pan de sal sa bayong. Nakakapanibago ang pagiging tahimik niya. Dati ingles siya ng ingles subalit hindi na ngayon. Siguro ay natakot na rin sa mga guardia at kay Don Felipe.

Nang matapos niyang balutin ang Pan de Sal, binuksan niya ang pinto ng kaniyang tindahan at sumenyas na pumasok kami.

"Aking napansin na nagdurusa ang bayan, kailangan na nating kumilos. Kailangan ko na ring magseryoso."

Napayuko si Marisol at hinawakan akong mabuti. "Mang Raul, naroon po ba kayo noong nagpulong ang samahan."

"Oo kaya aking nararamdaman na malapit nang magdigmaan. Kayo ba'y naroon din?" Tumango si Marisol ngunit hindi ako umimik. Napansin nila iyon kaya nagsalita agad si Marisol upang hindi ako paghinalaan. "Hindi ho siya kasama sa samahan."

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon