Saknong 30

235 24 7
                                    

Kumawala ako mula sa halik.

Naalala ko na lahat.

"Jacinto..." mahina kong bulong at lumayo ng kaunti sa kaniya. Nakakapit pa rin ang kaniyang mga kamay sa aking beywang.

Tinitigan muli ako ng kayumanggi niyang mga mata at tumingin sa aking labi.

Lalapit na sana siya muli nang biglang nakarinig kami ng mga palakpakan sa tiyatro. Lumiwanag ang paligid at doon ko napagtanto na nandito pa rin ako sa panahon nila.

Tinugtog ko naman sa gitara ang melodiya pero hindi ako nakabalik sa panahon ko.

Lumitaw mula sa gilid ng entablado ang kastilang namamahala ng subasta, "¡Buen trabajo! ¡Démosles un caluroso aplauso! (Good job! Let's give them a warm of applause!)"

Mabilis kaming nagkabitawan ni Jacinto. Kinuha ko ang aking gitara at tumakbo patungo sa likod ng entablado. Gayon din siya.

Pagkarating namin sa likurang bahagi ng entablado, nagkatinginan kami muli. Kahit may mga mananayaw rito, pinili naming pumwesto sa sulok.

Lumapit siya sa akin at tinignan ako sa mga mata, "Ikaw si Adelia."

Marahan akong tumango sa kaniya at may mga luhang namumuo sa mata ko, hindi ko alam kung bakit.

"Hindi mo ako kinalimutan," mahinang ngiti ko sa kaniya. 

"Bakit naman kita kakalimutan? Hinintay kita ng apat na taon." Humakbang siya papalapit sa akin habang hindi humihiwalay ang kaniyang tingin.

"Paano si Elena?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko siya mahal. Pinilit lang ako ni ama. Hindi mo ba maalala na si Daniel ang mahal niya?"

Biglang bumalik ang mga alaala ko noong magkasama kami sa banda. Kay Daniel nga siya may pagtingin. Ibig sabihin, nagsinungaling si Elena sa akin na minahal na niya si Jacinto noon pa, "Nasaan si Daniel ngayon?"

Pagkatanong ko niyon ay umiwas ng tingin si Jacinto, "Namatay siya noong naganap ang kaguluhan dito."

Napatingin ako sa baba at pilit pang inaalala ang mga nangyari, "Ang kuwaderno ko, iyon ang nakita ko noong namasyal tayo sa Lawiswis Kawayan. Bakit hindi mo sinabi ang pangalan? Kung sinabi mo edi sana mas nalaman ko ng mas maaga."

"Sa tingin mo basta-basta kong ikwekwento si Adelia sa ibang tao?"

"Sabagay..." Walang nagsalita sa amin at ang naririnig ko lang ay ang namamahalang Kastila, "...p-para saan ang halik na iyon?"

Hindi nakatakas sa akin ang pagpula ng kaniyang tainga at pag-ngiti niya ng kaunti. Kinamot niya ang kaniyang batok at tumingin sa gilid, "Gusto kita."

Nararamdaman kong umiinit ang aking mga pisngi at paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko ang melodiya. Nilipat ko ang tingin ko sa gitarang nilapag ko sa gilid, "Gusto rin kita."

"Ano? Hindi ko narinig iyon," angal ni Jacinto.

Napakagat ako sa aking labi at sumilay muli sa kaniya, "Gusto kita."

Natagpuan na lang namin ang aming sarili na nakangiti sa isa't isa. Ilang sandali hinila niya ako palabas ng tiyatro at nagtungo kami sa kabilang tiyatro na katabi niyon.

"Anong ginagawa natin dito?"

"May kaganapan dito kung saan tumutugtog sila ng mga klasikal na musika, subalit mamayang gabi pa. Ang alam ko nag-eensayo sila ngayon," sagot niya at pinagpatuloy ang paghila sa akin.

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon