Saknong 34

166 19 0
                                    

Pananaw ni Elena


"Panandaliang mauudlot ang plano ngunit sinisiguro ko na akin ang huling halakhak!" sambit ko sa aking sarili habang tinitignan ang aking mukha sa salamin. Nagamot na ang aking ilong, ngunit maganda pa rin ako kahit pay tela roon.

Nakarinig ako ng galit na katok sa aking pinto sa umagang ito, "Ano ba?"

Padamog akong naglakad doon at inis na binuksan ang pinto ng aking silid, ngunit laking gulat ko nang makita si ama at ina na nakatayo.

"Anong kahihiyan iyang Jacinto na 'yan! Itututol ko ang kasal ngayon din!" sigaw ni ama ngunit nabaling ang tingin niya sa ilong ko, "Bakit may ganiyan ilong mo?"

Nagsimula akong magkunwari na naiiyak na sa sakit. Pinilit kong paluhain ang sarili ko kaya agad naman akong niyakap ni ina na may nag-aalalang ekspresyon, "Kasi po lumabas lang ako noong isang gabi sa bakuran tapos bigla po akong tinamaan ni ate ng pana."

"Ano? Iyong malanding babaeng 'yon!" pagalit pa na sigaw ni ama kaya mas lalo akong humalukipkip kay ina.

"Elmira!" narinig kong sigaw niya at binuksan niya ang silid ni ate. Unti-unti akong ngumisi sa sarili ko nang marinig iyon.

"Putangina, anong ginawa mo?!" rinig ko sa kabilang silid.

Kumawala ako kay ina at hinarap siya, "Gusto ko po muna mapag-isa inay."

"Oh sige basta huwag mong pababayaan ang kalusugan mo," ngiti niya sa akin. Hinaplos niya ang aking buhok saka umalis.

Sinarado ko na ang aking pinto at alertong nakikinig sa usapan nina ama at ate subalit hindi na naging malinaw sa akin ang kanilang pag-uusap.

Ilang sandali, nakarinig ako ng pagtama ng bato sa aking bintana.

Inis akong naglakad papunta roon at binuksan ang bintana, "Ano?"

Nakita ko mula sa baba si Diego. Bakit ba ang kulit ng lalaking ito? Kumukulo ang aking dugo.

Nakangiti siya sa akin na may hawak na bato at nakalakip doon ang papel. Inirapan ko siya at sinenyasan na itapon niya. Tumagilid ako upang hindi ako tamaan.

Pagkagilid ko ay may batong gumulong sa aking sahig. Pinulot ko iyon at nangilabot sa nakasulat.

Magandang araw binibining Elena! Napatay ko na si Jacinto. Nabalitaan ko kasi sa mga tauhan mo na ayaw mo sa kaniya at nais mong paslangin kaya pinaslang ko na siya para sayo. Sana matuwa ka sa aking ginawa at sana sagutin mo na ako.


Dahan-dahang gumuho ang aking plano at nalaglag ang panga ko. Mabagal akong tumayo at naglakad patungo sa bintana.

Nandoon pa rin si Diego na nakangiti at may hawak na rosas na halatang galing sa bakuran namin.

"Putangina mo!" Malakas kong sigaw sa kaniya at binato ang batong binigay niya. Sayang lamang na hindi tumama sa ulo niya, "Alis!"

Marahas kong sinara ang bintana at huminga ng maluwag habang may galit pa rin sa aking puso. Nakakainis siya. Sinira niya ang plano ko!

Napasabunot ako sa aking sarili at nadapa na lang sa sahig habang umuugoy paroo't parito.

Gumulong-gulong ako sa sahig at kinuha lahat ng mga bagay na maaari kong itapon sa aming pader. 

Santo man akong tignan sa labas, demonyo ako sa loob!

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon