Saknong 4

677 189 22
                                    

Sa pagdating ng kalaliman ng gabi, lahat ng mga tao ay panandaliang nakalilimot habang tinatahak ang daan tungo sa kawalan ng ulirat ng mga panaginip at mga bangungot. Lahat maliban sa akin. 

Kinuha ko ang maitim na talukbong sa aparador at pinatong sa aking balikat. Ang makapal na tela nito ang siyang tanging naghihiwalay sa pagitan ng aking balat at ginaw ng gabi. Isa lamang ang paraan upang makatakas sa bangungot na ito.

Sinindihan ko ang gasera at maingat na binuksan ang pinto ng aking kwarto. Hindi na ako nagsuot ng bakya para hindi gaano maingay.

Bawat hakbang ko ay naglilikha ng pag-awit ng mga kahoy sa sahig. Ang kanilang pagkasabay-sabay ay parang isang acapella ng lilom ng baritono na nagiging masiglang tala ng soprano sa aking pagakyat ng hagdan. 

Ito ang angkop na lugar upang makisali at makibabad sa musikang minsan nang naroroon kasama ang kaluluwa ng mga instrumentong nagtatago sa sulok ng mansion.

Umalis ang pamilya kanina matapos maghapunan kaya't napagdesisyunan kong hanapin ang gitara ko. Inunat ko ang aking kamay sa hawakan ng pinto ng unang kwartong at walang pakunda-kundadang pinasok ito.

Nilibot ko ang gasera ngunit pawang mga banggera lang ito ng mga libro. Naglakad pa ako upang suriing mabuti ang silid. Baka may secret doorway sa mga shelves. 

Nilapag ko ang gasera sa lamesa at doon ko napansin ang dalawang tapyas na batong nakapatong roon. Pinagmasdan ko ito at dahan-dahang sinayaw ang aking mga daliri sa ibabaw nito. Iaangat ko na sana nang may nagsalita mula sa pinto.

"Ano ang iyong pakay?"

Dagok akong napaharap sa kaniya at napahawak sa dibdib. Akala ko umalis na sila. "Hindi ba kayo umalis?"

Deretso niya lang akong tinignan at inulit ang kaniyang tanong pero sa pangalawang ulit, madiin at demanding na ito.

"Ahy hehe hinahanap ko 'yung cr, ay este palikuran."

"Nasa ibaba ang palikuran. Ano ang iyong pakay rito?" Ayaw niya talagang maniwala. Napahawak ako sa aking saya at nag-isip ng librong classical na paborito ko.

"U-uhm hinahanap ko 'yung ano, 'yung R-romeo and Juliet na libro. Oo 'yun. Teka 'diba umalis kayo kanina?" Hindi siya umimik sa tanong ko. 

Hala, baka multo itong kaharap ko. Nanlaki ang aking mga mata sa kaisipang iyon lalo na't mukhang haunted house itong mansion kapag naging visiting site ito sa panahon ko.

"Omg, multo!" Kumaripas ako ng takbo na parang speed of light at sinagi pa si Jacinto dahil nakaharang siya sa pinto. 

Binayo ng aking mga paa ang sahig habang nakahawak ang namamasa kong kamay sa aking saya. Rinig na rinig ko rin ang ulyaw ng aking mga hakbang papunta sa aking kwarto.

Kabado akong napasandal sa pinto at hinahabol ang aking mga hininga. Ito na siguro ang pagod na hinihintay ko kanina pa. Ang pagod na nangangailangan ng magandang tulog. 

Unti-unting bumibigat ang aking katawan at talukip ng aking mga mata na siyang umaakit sa aking pagkaantok. Bumabagal na rin ang tulin ng pintig ng aking puso hudyat ng pagtawag ng aking kama.

----

Nagdaan ang ilang mga araw, karaniwang kagawian pa rin ang inaatupag sa mansion bilang isang kasambahay. 

Nagiging abala na rin si Jacinto at si Don Felipe sa mga pampolitikal na mga bagay ngunit sa tuwing makakaharapan ko siya ay naiilang ako. Minarapat kong hindi na rin banggitin ang nangyari noong gabing pinaghinalaan ko siyang multo dahil sa palagay ko hindi multo ang nakita ko kasi nagawa ko pa siyang isagi.

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon