Saknong 22

294 78 2
                                    


"May hinahanap ka ba Ayang?"

Hindi ko hinarap ang nagsalita dahil nakatutuok pa rin sa aking ang matulis at malamig na metal sa aking batok, "Yaong gitara ko lang naman."

"Ah sayo pala yaong magandang gitara na yaon. Makukuha mo ba pagkatapos mo akong patayin?"

Kasabay ng aking paglunok ay ang unti-unting kong pagtaas ng aking kamay. Paano? Paano siya nabuhay ulit? Ang pagkakaalala ko nilagay ko ang lason. Nahulog pa nga siya sa sahig eh.

"Marahil ay tinatanong mo kung paano ako nabuhay. Simple lang naman, kilala ko kayong mga rebelde. At kung tinatanong mo kung nasaan ang gitara mo, malapit ko na iyong ibenta," Nanatili pa rin akong nakaluhod habang nakataas ang dalawa kong kamay, "Mga kawa--"

Hindi natapos ang kaniyang sinabi at nakarinig na lamang ako ng malakas na pagtama ng kahoy at pagbagsak ng katawan.

"Ayang halika na!" Hindi ko na namalayan ang nangyayari at buhat-buhat na pala ako ni Jacinto palabas ng tanggapan. Binaba niya ako pagkalabas namin sa bintana at inumpisahang maglakad patungo sa hindi ko alam.

Kahit maraming mga kawal na naglilibot, iniwasan namin ang mga iyon. Walang nangahas magsalita sa amin at masuring nililibot ang tingin sa mga nakabantay.

Hindi namin pinansin ang umaaksyon na Heneral kaya piangpatuloy namin ang aming lakad. Kung saan man kami pumunta, nawa'y gabayan kami ng nasa itaas. Nais ko nang umuwi sa panahon ko.

Sinundan ko sina Jacinto at Clemente. May mga katanungan pang lumilipad sa aking utak gaya ng saan nila nakukuha ang enerhiya na iyon matapos silang masakal. Paano nila napalo ng kahoy si Don Felipe ng ganoon kalakas, saan nila nahugot iyon?

Huminto kami sa tapat ng isang munting bahay kung saan kakaunti lamang ang mga guardia civil na naglilibot.

Walang humpay na kumatok si Clemente, "Nay Neng! Tay Nesto!"

'Di kalaunan, bumungad sa amin ang isang babaeng minsan ko nang nakita. Si Aling Vaneng iyon. Si Aling Vaneng na nagmamay-ari ng bahay-aliwan, "Maghunos dili, Clemente. Pasok kayo."

Pinapasok kami ng ni Aling Vaneng sa kaniyang tahanan at naroon din ang lalaking kaedad ni Aling Vaneng na ang ngalan ay Nesto na nagpipintura ng larawan sa kanilang sala.

Ang mapanuring kong mata ay tumingin sa bawat tampok at sulok ng bahay na ito. Maraming mga litrato na nakasabit sa apat na pader ng tirahang ito. Ang ilang naman ay mga larawang ipininta. Pawang mga halo-halong emosyon ang matatagpuan dito kung matagal kang napatitig sa bawat litrato.

Nabalik ako sa aking mga ulirat nang magsalita ulit si Aling Vaneng, "Ang gwapo naman ng kasama niyo. Ilang taon ka na hijo?" 

"Aling Vaneng ako po ito si Ayang. Babae po ako," tinanggal ko ang aking salakot at yumuko gaya ng ginagawa ng mga lalaking gumagalang sa panahon na ito.

"Aba bakit ganiyan ang iyong suot?" Wika niya habang inaalalayan kami paupo sa kakaibang upuan na gawa sa kahoy.Hindi patag ang mahabang upuan kundi palihis iyon sa iba't ibang anyo. Napakaganda sa paraang batid kong nilikha iyon ng pawang pagkamalikhain

Bumuntong hininga si Clemente at kuwinento lahat ng mga nangyari. Sa aking palagay mas malapit si Clemente kay Aling Vaneng kaysa kay Jacinto.

Habang nagkwekwento si Clemente, lumibot muli ang aking paningin sa tirahan na ito. Sa mga pader ay may mga litrato ng mga bata. Ang sahig naman ay may malalim na kulay ng kahoy na tinitimpla ng iba't ibang uri ng kayumanggi. 

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon