Saknong 5

617 184 30
                                    


Lubaybay ang mga balikat subalit ang aking mga mata'y madalas sumusuri ng mga taong naglalakad sa bangketa. Sana ganito na lang ako maglakad araw-araw. Malaya at masaya. 

Inangat ko ang bilao ng pansit at ipinakita sa mga kawal upang iparating na pinapadala iyon ni Don Felipe. Tumango silang apat at pinadaan ako. 

Ito na ang pangalawang beses na pagpunta ko sa tanggapan ng Gobernadorcillo kung saan nakagawa ako ng kahihiyan at kung anu-ano pinagsisigaw ko noon. Kumatok ako ng tatlong beses at malayang pumasok. Feel na feel ko talagang maging 'personal secretary.'

Ngumiti ako ng may kumpiyansa sa mag-amang abalang nagsusulat ngunit hindi man lang ako sinulyapan. Hinayaan ko na lang ang pagiging masungit nila. Hindi maaaring masira good mood ko. 

Nang ilapag ko ang bilao ng pansit sa lamesa, umangat ang ulo ni Jacinto. Binigyan ko siya ng pinakamasigla kong ngiti at kumaway pa sa kaniya. Sana naman ibalik na niya gitara ko sa akin dahil mukhang hindi siya sang-ayon sa batas ng ama niya.

Nang matapos tumugtug ang piyanista, tumayo ito at ngumiti ng kay tamis. Ngayon ko lamang nakita ang dalawang biloy (dimples) sa gilid ng kaniyang masisiglang labi. Mas gwapo siya pag nakangiti. Naghiyawan ang madla at naging mahiwaga ang mga sumunod na nangyari. Parehas kami ng nararamdaman. Parehong masaya sa parehong oras, nararamdaman ang parehong emosyon.

Maraming mga katanungan sa utak ko kagaya ng kaniyang ugali ngayon, batas ukol sa musika at itong lugar na ito ngunit lahat ng ito ay nasagot nang maganunsyo siya.

"Mga kababayan! Lalaki, babae, bata o matanda, kahit pa man mahigpit na pinagbabawal ng aking ama ang musika naging matatag ang ating samahan. Nawa'y maging ehemplo ito sa lahat na maging matatag at matibay laban sa mga malulupit na Kastila! Balang araw, maaatim din natin ang kalayaang nais nating makamit. Magdiwang!"

Sumulyap ako kay Marisol upang magtanong ngunit pinangunahan niya ako sa tango niya na para bang sinasabi na tama lahat ng iniisip ko.

Kalmado tumingin sa akin si Jacinto habang prenteng nakasandal sa kahoy na upuan. Hindi halatang palubaybay ang pag-upo niya, sadyang masyadong makisig ang pangangatawan niya na parang istrikto itong tignan. Bagamat ganoon, aking napansin na kakaiba ang expresyon ng mukha niya ngayon na animo'y malapit na siyang ngumiti. 

Natigil ang aking pagkaway nang may isang Amerikanong pumasok dito sa tanggapan at may inabot na puting sobre sa Gobernadorcillo. Ang dayuhang ito ay hindi man lang ngumiti o nagbigay galang sa opisyal at walang pakunda-kundadang umalis.

Nakatutok ako sa hawak na sobre ni Don Felipe habang binubuksan niya ito ngunit agad ding napatigil nang mapansin akong nanonood. Tumaas ang kaniyang kilay at bakas sa kaniyang mukha na hindi niya nagugustuhan ang pagiging chismosa ko.

Busangot akong tumalikod pero binagalan ko ang mga hakbang ko dahil curious ako sa sobreng 'yon. Kaunti na lang ang layo ko sa pinto kaya mas binagalan ko pa lakad ko.

"T-to all...Jacinto, anak, naiintindihan mo ba itong liham?"

"T-to all Spanish offic...ama hindi ho ako nag-aral ng Ingles."

Hindi ko na mapigilan ang lakas ng aking tawa nang marinig na hirap na hirap sila sa English. 'Di ko naman sila tinatawanan dahil 'di nila naiintindihan ang lenguahe. Natutuwa lang ako sa accent nila 'pag nagsasalita, masyadong cute ang pagiging trying hard nilang mag-ama.

Agad akong napatahimik nang marinig ang lakas ng pagtama ng libro sa pinto malapit sa akin. Mabilis akong humarap at magagalit na sana pero naunahan ako.

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon