Saknong 33

184 21 1
                                    

Pananaw ni Jacinto


Dahan-dahan akong napatingin sa tali sa aking pala-pulsuhan. Maging sa tagiliran ko ay nakatali sa puno.

Napakurap-kurap ako sa aking sarili ngayon. Hindi ako makagalaw. Maging ang aking bibig ay natatakpan.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko si Ayang. Iniwan ko lang siya sa burol saglit upang kumuha ng tubig nang may mangbato sa ulo ko.

Mabilis na tumibok ang puso ko, umikot ang aking ulo, sumasabog na ang baga ko sa paghanap ng hangin at ang bawat kalamnan ko ay nagnanasa ng pahinga.

Nagpilit akong magpumiglas, ngunit wala akong magawa. Lumingon ako sa paligid kung may mga tao at pilit na sumisigaw upang may makarinig.

Ilang oras ko iyon ginawa hanggang sa may narinig akong kaluskos sa harapan ko. Mas lalo kong nilakasan ang pagsigaw ko at ang pagpupumiglas ko upang may makarinig sa akin.

Lumakas ang yapak ng mga paa at ang pagkaluskos hanggang sa may pigurang lumitawa mula sa kadiliman ng gubat.

Siningkit ko ang aking mga mata hanggang sa maging malinaw ang pigura. Si kuya Manuel. Mas karapatdapat para sa akin na tawagin siyang kuya kahit na ang mga sabi niya ay tawagin ko siyang manong.

Lumapit si kuya sa akin na may nakasukbit na mga pana at palasok sa kaniya likuran. Kinuha niya ang kaniyang balisong at nagtungo sa likuran ko. 

Mas naging kalmado ang aking paghinga nang maramamdamang lumuwang ang tali sa aking mga kamay at tagiliran.

Tinanggal niya rin ang tali sa aking bibig. Kasabay niyon ay napasalampak ako at huminga ng maraming beses. 

Agad akong tumayo at hinarap si kuya, "Nasaan po si Ayang?"

Hinawakan niya ang aking balikat at mas lumapit pa upang bumulong, "Nasa simabahan, dinala ko roon dahil sugatan siya. Huwag tayong maingay masyado dahil maaaring nandito pa sila."

"Sino?" bulong ko kay kuya.

"Ang masasakim at makasariling tao. Kailangan na nating umalis," bulong pabalik ni kuya.

Tumango ako sa kaniya at kahit masakit ang buo kong katawan, tiniis ko iyon upang makaalis kami. Pinunasan ko ng aking manggas ang bibig ko na naglikha ng bahid ng dugo sa puti kong manggas.

Nagkibit-balikat ako roon at hindi na pinansin ang mga sugat sa aking mukha at katawan.

Nilakad namin ni kuya palabas ang gubat na may katahimikan at may pagka-alerto. Habang naglalakad, nararamdaman ko ang pagmamanhid sa aking ulo. Marahan kong hinawkan ang bahaging iyon at hindi na ako nagulat nang makakita ako ng dugo.

"Kuya, bilisan natin. Dumudugo ang ulo ko. Hindi ako maaaring magpa-ospital, malalaman ni ama," ani ko kay kuya.

Panandalian siyang lumingon sa akin at nagpaligoy-ligoy ang tingin sa kapaligiran, "Sige."

Mas lalo naming binilisan ang lakad na parang tumatakbo na kami. Sa sobrang bilis, may mga sangang gumagasgas sa mukha ko, ngunit hindi ko na pinansin ang hapdi. 

"May manggagamot akong tinawag upang bantayan si Ayang. Magpagamot ka na rin sa kaniya pagdating natin doon," balita ni kuya, "Pinaalam ko na rin pala sa pari na ilihim kayo roon."

 Sumang-ayon ako sa kaniya. Ilang minuto pa, nakarating kami sa kalsada. Mas binagalan namin ang lakad pagka't may mga guardia civil na naglilibot.

Vintage Melody ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon