XV - FIVE STEPS

497 7 1
                                    

Iba mood ko ngayon kaya asahan niyo na sa UD ko ha? Sorry. :/ Pero try ko pa ding may magandang kalabasan :)

</3 Bye sa wattpad world, ate Leng :( Balik sana siya sa watty !! :(

 Dedicated to IneeGenecaAbastas :)

XV - FIVE STEPS

Author's POV

"Eh, ikaw? Kailan ka magiging masaya para sa sarili mo, Hyacinth?" 

Nag-buffer muna sa utak ni Hyacinth ang sinabing iyon ni Xander bago magsink-in sa kanya ng tuluyan ang mga salitang iyon. Marami tuloy katanungan ang nailista ni Hya sa utak niya:

1. Totoo ba ang rinig ko? at.. pagkakaintindi ko sa sinabi niya?

2. Kailan kamo ako magiging masaya para sa sarili ko? Bakit? Masaya naman ako para sa sarili ko ha?

3. Ano'ng intensyon niya para sa sinabi niya?

4. Sino ba siya para pakialamanan ang buhay ko? Masyado na siyang pakialamero.

5. Dapat hindi ko na siya pinapasok sa buhay ko. Masyado na siyang pakialamero. Bakit ko nga ba siya pinapasok ?

Gusto niyang itanong ang lahat nang iyan pero di niya magagawa ngayon dahil ayaw niyang maging agaw- atensyon at masira ang eksena ng Claudrew (Claudine + Drew) sa stage. 

Kaya ang sinabi na lang niya?

"Wala kang pakialam. Gago."

--

"Lola, Lolo aalis na po ako. Salamat po sa pagpapatuloy sa amin dito." Oo, iniwan ni Hyacinth yung si Xander doon sa park kung saan yung gig ni Drew. Naasar talaga siya kay Xander. Scratch that, kasi naaasar pa rin siya ay Xander. 

"Naku apo, wala yun. Eh, teka? Nasaan na ang asawa mo?" Lalong nag-init ang ulo ni Hyacinth. Asawa nya kamo? Heck. Kahit kailan di niya gugustuhin ang isang pakialamerong asawa.

"Susunod na lang po siya dito at aalis na rin. La, Lo, salamat po ulit. Sobrang nag-enjoy po ako dito sa lugar niyo at kasama po kayo." 

"Oh, sige. Salamat rin. Mag-iingat kayo ha?"

MOVING CLOSER by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon