Dedicated to 00SweetGirl00 :) Hi Shane!! ^__^
XXIII - Once upon a time...
"Honey, I love you." sabi niya sa lalaking mahal niya na kasama niya ngayon. Magkasama sila ngayong gabi habang nanunuod ng Ina, Kapatid, Anak. All of a sudden niyang sinabi iyon, iniisip niya kung ano kayang magiging reaksyon ng mahal niya rito.
"Oh, Hon? Masyado ka na atang nadadala nila Celine. Hahaha.." at tumawa pa siya. Simpleng "I love you too" bakit hindi niya masabi-sabi?
"Iyan lang reaksyon mo?" wika niya at di maikakailang parang pagalit yung pagkasabi niya nun.
"Hon? May problema ba?" then he cupped her face.
She then stared at the handsome face of his boy friend. Di makakailang gwapo ito, mabait, gentleman, matalino, lahat na. Oo, mahal niya ito.. mahal na mahal pero..
yung nakita niya kanina.. sa mga mata ng boy friend niya...
nabasa niyang,
--
Madalas silang maglaro sa bukid. Masaya na sila ng silang dalawa lang. Laro dito, laro doon. Marami silang hilig laruin tulad ng takbuhan, taya-tayaan, tagu-taguan at ang pinakapaborito nilang laruin? Bahay-bahayan. :)
Gumagawa sila ng kunwari-kunwarian nilang bahay gamit ang ilang kumot, unan, mga laruan na lutu-lutuan, at mayroon siyang manhika. Siya ang mommy, siya ang daddy at ang manhikang yaon ay ang baby nila. Masaya silang naglalaro. Kunwari, galing sa trabaho ang daddy kaya naman paghahandaan niya ito ng pagkain tuwing umuuwi ito.
Masaya siya tuwing naglalaro sila noon. Natutuwa siyang maging isang Mommy and the thought na siya ang asawa niya, hindi niya alam pero ang saya niya.
Madalas siyang kinukuwentuhan ng Mommy niya ng mga fairytales. Doon niya narealize kung ano'ng nararamdaman niya tuwing kasama niya ang kababata niya.
Love?
Napakabata pa niya para maramdaman iyon. Pero, bakit feeling niya yung mga nararamdaman nila Cinderella, Snow White at ng iba pa ay eksakto sa nararamdaman niya tuwing kasama ang kababata niya? Lalo kapag naglalaro sila ng bahay-bahayan.
One time, nung naglalaro sila ng bahay-bahayan may sinabi sa kanya ito.
"Pagtanda natin, papakasalan kita." at hinawakan pa nito ang kamay niya.
Naramdaman niya? Sobrang saya niya.
"P-pakakasalan mo ko?"
"Oo." ngumiti pa ito. "Alam mo ba, talagang nag-eenjoy ako tuwing naglalaro tayo ng bahay-bahayan. Lalo't nag-eenjoy ako na ikaw ang mommy at ako ang daddy. Tapos, pinagtitimpla mo ako lagi ng kape, pinaghahanda ng pagkain, inaalagaan mo ako at ang anak natin. Gusto ko ganito tayo hanggang paglaki natin. Gusto ko ito maging totoo. Eh, kaso nga bata pa tayo kaya nga..sa pagtanda na lang natin, di ba?"
BINABASA MO ANG
MOVING CLOSER by Eunice
RomanceThis story is written by Eunice Laurito with the help of Hyacinth Manesca in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :D She's no ordinary. She loves manipulating people's lives until she met this guy who have turned her world upside down and also the gu...